Chapter 3- Best?

41 1 0
                                        

Clara's POV

Paano ko nga ba mapapatunayan na siya nga ang bestfriend ko? Wala na akong alam tungkol sa kanya eh.

Isip.

Isip.

Isip.

Isip.

Ah yung keychain. Ang alam ko dalawa yun eh. Isa sa kanya isa sa akin.

Malamang alangan namang 2 akin, ano namang gagawin ko dun?

"Clara Clara tignan mo oh may gwapo oh!"

Paano kung siya talaga yun?

Hindi ko maisip. Feeling ko magiging masaya ako. Feeling ko rin magagalit ako kasi nga nakalimutan niya na yung pangako niya.

"Clara!"

Hindi ko talaga alam. Kinakabahan ako.

"HOY CLARA ANO BA!"

Napatingin naman ako kay Mylene na bigla bigla nalang nanghahampas.

"Bakit?"

"Anong bakit? Eh kanina pa kita tinatawag! Mga sampung milyong beses na!"

Sampung milyon? Ows? Pero hindi ko talaga siya naririnig eh.

"Sorry naman. May iniisip lang."

"At sino? Si Dain ganon? Nako lagot ka sa bestfriend mo dati."

"Psh. Kung siya nga nakalimutan na yung pangako namin sa isat isa dapat makalimot na rin ako."

Tama naman eh? Si Katie lang inaatupag niya tsss.

"Hoy Clara! Bakit kung umasta ka diyan parang nakita mo na siya ah! Nakita mo na ba ha?"

"Ah h-hindi.. pa.. p-paano ko naman m-makikita?"

Mabibisto na ako nito patay.

"Sabi mo eh." Nako naghihinala na to sigurado.

Nagkwentuhan nalang kami nang nagkwentuhan. Kung saan saan na nga umabot eh. Susulitin namin yung break time.

"Alam mo Cla, feeling ko may nagkakagusto sayo eh."

Nako, imposible.

"Umayos ka nga. Ayan ka na naman Myle eh."

"Seryoso ako."

Tsss. "At sino?"

Nagulat ako sa reaksyon ni Mylene. Kasi nakaupo kami tapos nasa harapan ko siya malamang para makapag usap kami tapos biglang nanlaki yung mata niya nung may nakita siya sa likod ko.

May multo ba?

"Hi girls!" Napalingon naman ako agad sa likod.

"Ah ikaw lang pala, akala ko may---- Wait, Dain?" Sabi ko nalang nang matauhan ako.

"Pwede makiupo? Wala kasi si Katie eh." Katie nanaman Dain? Palagi nalang. 'Pag napatunayan ko talaga a ikaw yung bestfriend ko lagot ka sakin.

"Oo naman!" Masayang sagot sa kanya ni Mylene. Aba-aba. Tsk.

Umupo na siya at kumain na rin. Ang weird nga eh. Ang daldal.

"Ay oo nga pala Mylene. Pinapapunta ka nga pala ng tita ko sa office niya. Nakalimutan kong sabihin sayo sorry."

"Talaga? Sige Kita tayo mamaya Cla. Bye!" Sabi ni Mylene habang tumatakbo.

Bakit iniwan niya ako? Kasama tong mokong na to?

"Cla! Kumain ka na siguro?"

"H-huh? Kumain naman a-ako ah?" Nauutal na naman ako.

"I mean, hindi ka pa tapos." Napatingin ako sa pinggan ko. Oo nga noh? Buti naman.

The OriginalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon