Chapter 2- Same school

48 1 0
                                    

Clara's POV

Mabilis ding natapos ang 1 week na natitira sa bakasyon. Masaya kasi excited, malungkot kasi magiging busy na naman.

Buti malapit lang yung school dito. Hindi ko na kailangang mag dorm. Ang weird nga ng schedule ko eh. Basta ang gulo!

Ngayon sobrang na pa aga naman ako ng gising. Nag aantay nalang ako ng 6:30 para makaalis. Eh 5:54 palang. Tssss.

Inayos ko na lang ang gamit ko. Aba, kumpleto. Sunod kong inayos ulit ang sarili ko. Ewan ko ba pero ang simple tignan kapag

nakalugay ang buhok ko. Hindi ko pa naman pwedeng itali kasi basa pa nga.

"Nak, 6:30 na pumasok ka na." Hala? Agad? 5:54 palang kanina ah. Sinilip ko ang relo ko at 6:31 na.

"Sige po nay, ingat po kayo dito." Humalik naman ako sa pisngi ni nanay.

"Ikaw ang mag ingat. Sige na, bye!"

"Bye po!"

Naglakad na ako papunta sa terminal ng tricycle.

"Kuya, sa CDU po."

Mabilis naman na pinaandar ni kuya ang tricycle kaya 6:45 palang andun na ako.

---

Flag ceremony ended and kailangan na naming pumunta sa sari sarili naming classrooms para raw sa homeroom

Room C1. Ayun! Dali-dali akong pumasok kaya... may nakabangga ako.

Si gwapo pala. Wait, dito rin siya nagaaral? Nge.

"Hi ganda, okay ka lang?" Napatulala naman ako sa kanya. Eh kasi ang bait niya tinulungan niya pa ako sa gamit ko.

"S-salamat." Tumango naman siya at pumasok na. Papasok na sana ako nang may narinig akong pamilyar na boses.

"Hay, studies daw muna pero siya?" Natawa naman ako bigla kay Mylene. Adik talaga to.

"Tara na nga pasok na tayo." Hinila ko na siya para magkatabi naman kami kahit ngayong 1st day lang.

Si gwapo kasama yung babae na nakita ko sa park na hindi ko kilala. Pero, ang ganda niya at mukhang mabait.

Bigla namang pumasok ang professor namin at expected na---

"Introduce yourself please. Then later mag bobotohan na ng officers. Let's start from you miss."

At tinuro niya ako. Psh.

"Hello po sa inyo! My name is Clara David. Mag se seventeen na ako sa September 14. And graduated from Mindoro as a Valedictorian. Sana maging close friends tayo!"

Wala akong masabi eh. Sumunod naman si Mylene. At nagsunod sunod na nga hanggang--

"Hello everyone! Alam ko kilala niyo na ako kasi anak ako ng may ari ng school na 'to. Pero magpapakilala pa rin ako syempre. My name is Dain Dalla. Mag e eighteen sa August 1. And graduated from Manila Science Highschool. So yun, sana maging close tayong lahat."

What? Dain Dalla? Totoo ba to? Sht naman. Baka naman magkapareho lang ng pangalan? Makikita ko na ba siya? Siya ba talaga si Dain Dalla?

Napatulo naman ang luha ko.

"Ma'am! Excuse me, may I go to the washroom?"

"Sure." Tumango naman ang adviser namin at ngumiti nalang ako sa kabaitan niya.

Pagkarating ko, ayun. Parang babaha na ng luha. Kasi naman, bestfriend ko yun 6 years ago na nangako na babalikan niya ako!

Bahala na. Sisiguraduhin ko muna na siya yun.

The OriginalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon