Dain's POV
Pagkatapos ng ilang oras, nagpalipat lipat kami ng transportation at sa wakas andito na rin kami.
Sa seaside malapit ang bahay nila Katie. Sobrang presko dito. Ang ganda ng view and everything.
Pagkapasok ng bahay nila Katie, ang ganda, ang linis, ang laki. Maraming kwarto pero nagdecide kami na sa isang kwarto lang kami magi stay. 4 beds ang room na yun.
Ang awkward nga dahil ako lang ang lalaki.
Inayos namin ang mga gamit at nagpahinga.
"Matutulog muna ako ah. Pagod eh." Pagpapaalam ni Mylene.
"Ako rin eh. Tabi muna tayo Mylene ah." Sabi naman ni Katie tsaka humiga sa kama ni Mylene at niyakap siya.
"Nakakaselos naman kayo." Nag pout naman si Clara. Ang cute talaga.
"Tara bes Cla dun tayo sa labas." Pagaaya ko sakanya para naman hindi siya ma bored.
"Sige gisingin niyo nalang kami agad. Bye!"
Lumabas na kami ni Cla.
Bakit ba kami nandito? Kasi ang project ay ang pupunta kami sa isang province. Mag te take ng pictures with the place at citizens dito, at magiinterview pa.
Ang hirap nga kasi gagastos pa, pero buti libre lahat. Thanks Katie!
"Bes ang ganda dito." Sigaw sakin ni Clara habang nagtatampisaw sa tubig.
Ngumiti ako sakanya pero maya-maya nagtatakbo siya sa akin. Hinila niya ako papunta sa dagat at binasa ako.
Nako buti nalang at iniwan ko ang cellphone ko sa kama.
Itong babaeng to talaga. Pasalamat siya at mahal ko siya.
Naghabulan kami. Imaginin niyo naghabulan kami sa tubig na hanggang sa bewang namin parang Jessy- Matteo lang ang peg namin.
"Hahaha! Hindi mo ako mahahabol." Iyan ang paulit ulit na sinasabi ni Cla sakin pero maya maya ay naabutan ko siya.
Hinila ko siya papunta sakin at niyakap. Pinabigat ko talaga ang sarili ko para matumba kami sa tubig.
Pagka angat namin, "Grabe ka Dain, paano kung namatay ako ha?"
"Hindi ko hahayaang mangyari yun." Niyakap ko siya nang mahigpit. Wala namang malisya kasi bestfriends kami. Kinikilig lang talaga ako kasi nga diba? Mahal ko to eh!
"Tara na sa bahay, nilalamig na ako eh."
"Sige tara na." Yung jacket na hinubad ko, pinang cover ko muna sakanya. Naka dress lang siya eh baka mabastos siya.
Nang makarating kami sa loob, tulog pa rin ang dalawa. Nang matapos kaming magayos ng sarili, tulog pa rin. Kaya nagpatulong kami sa maid sa pagbake.
May ginawa akong 10 cupcakes at ang isa dun ay sobrang special. Nilagyan ko yun ng heart no. Si Cla naman nagluto ng maraming frenchfries at nagblend ng chocolate.
Pagtapos naming magluto, tulog pa rin sila kaya naman nagpaluto na kami ng lunch.
"Luto na ang sinigang!" Masayang sabi ni Cla habang hawak hawak ang sinigang sa mangkok.
Sinigang? Yung paborito namin ni Clara, yung bestfriend ko noon.
Bakit ba hindi ko siya makalimutan? May baging Clara na sa buhay ko oh!
Tinikman ko nalang yung luto niya.
"Grabe ang sarap!" Ang sarap naman ng niluto nung maid nila. Syempre tinulungan siya ni Clara.