Chapter 7- August

24 1 1
                                    

Dain's POV

Ilang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng aming Palawan trip.

Sobrang lapit na namin sa isat-isa nila Clara, Mylene at Katie. Sa totoo lang, kilala na kami sa buong school bilang magkakabarkada dito.

Sabay-sabay din kaming pumapasok since magka village lang kaming apat. Magkakasama kami sa kalokohan, at sa gawaan ng projects. Kami nga rin daw ang nangunguna sa most active students dito.

1st si Cla, 2nd ako, 3rd si Mylene at 4th si Katie.

Grabe, July 31 na ngayon! Maaga akong nagising kasi may lakad kami ng parents ko.

"Dain! Bumaba ka na!" Kalmadong sabi ng mommy ko sa tapat ng pinto ng kwarto ko.

"Opo ma!"

Business meeting daw ito at may ipapakilala raw sakin na babae. As usual, iaarrange na naman ako. Pero, hindi sila tumatagal sakin. Goodboy kaya ako at para lang ako kay Clara.

Pagkababa ko, ready na sila at nireready nalang daw ang sasakyan.

Nang maayos na, sumakay na kami agad. Habang nasa biyahe, paulit ulit akong nireremind ng parents ko.

"Dain behave ha. Owner ng malaking company ang makakameeting natin. Isasama raw nila ang daughter nila kaya sinama kita. Malay mo diba magustuhan niyo ang isat isa. Entertain each other para hindi kayo mabored."

Kesa sumagot, tumango nalang ako. Ayoko nang mapahaba pa ang usapan namin eh.

Pinisil naman ni mommy ang kamay ko.

"Dont worry nak, maganda yun, mabait at sexy pa." Bulong sakin ni mommy.

"Tsss." Yan nalang ang tanging nasagot ko. Akala ko pa naman ipagtatanggol niya ako. Nakakainis naman ma set-up.

Matagal tagal din pala ang biyahe kaya pagkatapos pa ng ilang minuto bago kami nakarating.

"Who are you with, sir and ma'am?"

"Del Valle's." Sagot ni mom. Del Valle? Posible bang si Katie yun? Sana nga. Pero kasi, maraming Del Valle sa mundo.

Nang malapit na kami, naaaninag ko na ang mga nakaupo sa table. Ang kaso, nakatalikod.

"Oh they are here na!" Si tito? So tama? Si Katie nga ang babaeng iaarrange sakin. Kampante ako na hindi yun matutuloy dahil hindi naman niya ako gusto.

"Dain? Tita? Tito? Nandito rin po pala kayo!" Sabi naman ni Katie.

"Of course iha. Kami kasi ang makaka business partner niyo at si Dain ang makaka ARRANGE mo." Sabi naman ni dad. Kailangan talaga ipagdiinan ang salitang arrange? As if namang big deal yun kay Katie. Nakakahiya tuloy.

"Tara lets eat!" Sabi naman ni Tita kay Katie habang kinikindatan siya.

Habang kumakain, nahuhuli kong tingin nang tingin sila mom at katie sa akin. Pinabayaan ko nalang ito at nagmadali na. Pagkatapos ko kumain, nagpaalam ako na pumunta muna sa labas ng resto kung saan may magandang garden.

"Uhm, mom,dad, tito and tita, labas po muna ako."

"Sama ako!" Masayang sabi ni Katie. Nakakahiya naman kung idedecline ko diba? Andito parents niya.

"Uh..sure.." at nagsimula na kaming lumabas sa resto.

Tahimik lang kaming dalawa. Awkward silence. Bakit ba kasi siya sumama?

Oops.

"Dain.. sana wag kang ma ilang sakin ah." Bigla naman siyang nagsalita out of the blue.

"Oo naman." Sabi ko sakanya kahit ang totoo niyan ilang na ilang na ako. Sana talaga walang gusto sa akin si Katie. Pero okay na rin na siya ang maka arrange ko kesa naman iba.

"Thanks.." Mahinang sabi niya. Tumango na lang ako at ngumiti.

"Favor naman Katie.. pwede ba wag muna natin to ipapaalam sa iba? kahit pagusapan sa school. Please wag muna.." ngumiti siya nang alanganin sakin tsaka tumango. Hay. Good.

"Tara na balik na tayo sa loob." sabi ko sakanya.

"Okay!" Sinabayan niya na akong maglakad.

***

Hi guys sorry late hahaha. Wag kayo mainip please. Sorry bitin.

Byebye. Hahaha. Hindi pa rin ako nakakagawa ng new plot sad to say. Sorry!

VOTE AND BECOME A FAN!

follow: @domaracrlta on twitter

              @domaracrlta_ on ig

              DOMDOMD0M on ask.fm (you can ask too.)

-MissA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OriginalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon