Clara's POV
Tinupad ni nanay at kuya ang pangako niya na titira kami sa Maynila pag Valedictorian ako. Maganda naman ang bahay namin. At malaki ang village kaya anytime pwede akong makapag ikot- ikot.
Ang saya saya ko nga kasi nakapasa ako sa dream school ko! Ang Carter Dalla University!
Dream school ko kasi maganda dun, malaki at 'Dalla', pareho ng apelido ni Dain.
Ang galing no? C D. Maaalala ko lagi siya. Ako kaya naaalala niya pa?
Napakasikat din ng school na yun. Puro mayayaman na tao ang nakita ko nung entrance exam. Andaming sasakyan.
Accountancy ang kinuha kong course. Ewan ko ba, dun ako dinala ng tadhana. At may nakilala naman agad akong kaibigan.
Si Mylene. Medyo kapareho ko din. Scholar. Masaya siya kasama kasi kwento nang kwento. Sabik na sabik na tuloy akong pumasok para makita ko siya.
Ang totoo niyan magkikita kami ngayon. Pareho lang kami ng street eh.
Ang goal ko? Gusto ko mataas ang maging rank ko kaya gagalingan ko talaga.
(Tama na nga yang aral aral, eenjoyin ko muna ang 1 week na natitira ng bakasyon.)
Nag bihis ako agad at nagpaalam na lalabas muna ako.
"Sige nak, ingat baka mawala ka!"
"Hala si nanay. Sige po!"
At tuluyan na akong umalis.
Nagpunta muna ako sa bahay nila Mylene.
"Hi Clara! Tara sa kwarto ko. Wala kasi parents ko eh. Di tuloy kita mapapakilala."
"Sige okay lang!"
Nagkwentuhan kami nang nagkwentuhan. At napunta ang usapan kay Dain.
"Ilang taon na ba kayong hindi nagkikita?"
"6."
"6? Seryoso? Magkikita pa ba kayo nun?"
"Oo alam ko pa kasi ang pangalan niya."
"Eh alam ba niya pangalan mo?"
Oo nga no? Ay bahala na.
"Nako naiiyak ka na naman. Shhh. Hayaan mo Clara. Hahanapin natin siya pangako yan."
"Talaga? Salamat ha!"
At ayun kwentuhan na naman. Hanggang sa may tumawag sa kanya at aalis pala sila. Kaya umalis na ako. Bumalik na lang daw ako kahit kailan ko gusto.
Kesa umuwi, nagpunta muna ako sa park at umupo sa bench na malapit sa isang ice cream shop.
Syempre bibili ako alangan namang titigan ko lang yung mga bibili.
"Manong cookies & cream po!"
Nagulat ako kasi may nakasabay akong magsalita.
"Aba sabay pa baka magkatuluyan kayo niyan."
Napangiti naman yung lalaki. Luh sapakin ko to.
"Hala hindi po." Sabi ko nalang.
"Sinong uunahin ko?"
"Siya nalang po." Sabay na naman kaming magsalita. Gaya gaya kasi.
"Ah siya po." Sabay na naman kami kaya napangiti ng makahulugan si manong.
"Siya nalang po manong." Aba gentleman. Kinikilig ba ako? Ayst bawal pa Clara, BAWAL!
Binigay na sakin ni manong kaya naupo na ako sa bench. Paupo palang ako bigla namang nahulog yung ice cream. Hayst pag minamalas ka nga naman.
Kaso nagulat ako nang may tumawa at umupo sa tabi ko.
"Oh eto, sayo nalang." Psh. Yung lalaki na naman. Buti mabait kaso 'medyo badboy'.
"Sure ka? Baka naman may gayuma yan?"
"Tss di na kailangan ng gayuma para ma fall sakin ang isang babae. Kagaya mo. (Sabay kindat) Na fall ka na no?" Badboy nga tss.
"Luh asa."
Bumili ulit siya at umupo ulit sa tabi ko. Ang gwapo niya kainis pero syempre modern Maria Clara ako no.
"Alam mo ba miss, miss na miss ko na ang bestfriend ko. Nagkahiwalay kami. 6 years na. Ako yung nangiwan. Tsss. Sayang."
"6 years? Eh pareho lang tayo. Ang pinagkaiba lang ako yung naiwan."
"Edi destiny tayo."
"LAH?" Abnormal ata tong kausap ko. Nge. Pero siyempre kinikilig ako, PERO STUDIES MUNA.
"Teka ano bang pangalan nung bestfriend mo miss?"
"Da---"
"OY!" Ay! Istorbo naman kung sino man yung babaeng dumating. Che.
***
Dain's POV"Teka ano bang pangalan nung bestfriend mo miss?"
"Da---"
"OY!" Ayst! Si Katie naman oh wrong timing. Chance ko na nga to kay ganda eh. Hay ang buhay talaga parang life.
"Sige miss, una na ako ah." Yan nalang ang nasabi ko sakanya pero bigla siyang nagtanong.
"Girlfriend mo? Hay aral muna!"
"Selos ka?" Namula naman siya bigla. Stranger to pero crush ko ughh.
"Hindi ah. Sige na alis na. Chu!"
HAHAHAHA Nag flying kiss ako tsaka tumakbo na. San ko nga ba siya nakilala?
Flashback...
"Hahaha nako Mylene bawal pa ako mag ganyan ganyan no. Bata pa ako, magaaral muna ako no!" Napalingon naman ako sa nagsasalita.
Sht ang ganda niya!
Nakinig nalang ako sa usapan nila. Ayokong alisin tingin ko dun sa babae eh. Ano kayang pangalan niya?
"Nako. Alam mo ba ang gwapo ng may ari ng university na to! Ka age natin siya omygash!" Ang popular ko naman.
"Hay nako mylene bahala ka diyan! Hahaha."
Susundan ko sana sila kaso pinigilan ako ni Katie. Magla lunch pa raw kami. Hay palaging wrong timing eh.
Makikita rin kita ganda.
End of Flashback..
"OY DAIN! Nililigawan mo yun?" Tanong sakin ni Katie.
Btw, si Katie ang kasama kong lumaki sa Maynila simula nung umalis kami sa Mindoro. Simula nung naiwan ko si Clara.. Hay..
"Hindi ah! Wala yun masarap lang asarin!" Oo Katie liligawan ko yun pag nagkataon!
"Okay tara na." Masayang sabi niya sabay takbo. Ang weird tsss.
Akalain mo yun pareho kami ng village ni ganda! Hay. Heaven! Destiny talaga kami.
"Salamat tadhana sumasang ayon ka samin."
---
Guys! Nagustuhan niyo ba ang Chapter 1? Btw, magdadagdag ako ng Chapter bago ang Prologue. Para hindi kayo maguluhan sa Characters!Ayun lang! VOTE & BECOME A FAN GUYS! ILY all :* hahaha.
-MissA(ganda) hihihi!