CHAPTER 39

467 18 7
                                    

Worth-it. We are now officially girlfriend and boyfriend. Gaving label to our relationship now, was worht it. After giving him my yes, he's more sweeter now than before. Walang palya niya akong hinahatid sa umaga papuntang school. Bumibisita sa bahay kapag may free time sya. At syempre walang palyang mga dates sa linggo kasama siya.

  We are now officially a couple. Kaya ngayon  nandito ako sa harap ng isang mens botique, naghahanap ng pwedeng iregalo sa kanya, para sa paparating naming  monthsarry. I know it's so cheezy. Cause, what the fuck? Buwan-buwan na kaming nagcecelebrate para dito.  Pero I don't care. Being with him and celebrating our love for each other with him is such a special for me.

Naghahanap ako ng mga damit na sobrang mahal para sa kanya. Ganun naman talaga dapat diba? Kung mahal mo ang isang tao, Dapat mamahalin rin ang ibibigay mo. Pero

Napanguso ako sa inis ng wala akong natipuhan ni isa sa mga napili ko. Noong nag first monthsarry kasi kami, when I gave Him a Shoes sobrang nagalit sya no'n sa akin nong nakita niya yung price. Okay lang naman daw kahit ano, basta wag lang yung masyadong mahal. Umiyak pa nga ako no'n kasi nag-away kami, pero nagkabati rin kalaunan.  Kaya I know Esen, hindi niya hilig ang magsuot ng mamahaling bagay. At alam kong magdadalawang isip at magagalit ulit siya kung ibibigay ko to sa kanya. Worth 5000 para sa isang shirt? Really?. Baka imbes na halik at thank you ang makukuha ko sa kanya e baka pangAralan pa ako no'n. Knowing him, he's a mini version of my mama. At baka nga mag-away ulit kami.

Nag-iikot-ikot pa ako sa loob ng mall baka sakaling may makita akong matipohan kong regalo na ibibigay sa kanya. Napatigil ako sa paghakbang. Kusang tumaas ang kilay ko ng makita ang mga nasa loob ng botique. Napangise ako at saka ako pumasok sa loob.

"Where are you? Bakit hindi ka pumasok!. What the hell Sol!!. I'm fucking worried to you.? Nasan ka? Hello?" Napakagat ako sa dulo ng dalire ko at habang naka-upo sa isang bench. Katatapos ko lang bumili ng regalo para sa kanya at ng maramdamang may tumatawag sa cellphone ko, agad ko itong sinagot.

"I'm sorry, nasa mall ako" mas pinababa ko pa ang boses para magtunog ka-awa-awa. Napanguso ako ng isang malutong na mura ang narinig ko sa kabilang linya. Pagkatapos niyang sabihin na wag akong umalis sa kinauupuan ko at hinatayin ko lang dapat siya. Ay ibinaba na niya ang tawag. Kaya wala akong nagawa kundi ang maghintay sa kanya.

Minutes had passed I already see him, wearing only his uniform, a white polo and   slack with black shoes. At suot-suot ang sling na nakapaskil ang pangalan ng kanilang Unversity. a typical outfit  for the college student like him. He's so handsome in his uniform.

Kumuway ako ng makita s'yang papalapit na sa pwesto ko. Walang emosyon itong naglalakad papunta sa pwesto ko. At kahit sa malayo, ramdam ko ang galit na nagbabadya sa kanyang mata. He towered me when he's already in front. Seryoso ako nitong tinitigan.

"Why the hell you skipped your class?" Madiing tanong nito habang nakatayo parin ngayon sa harapana ko. It's like we are in the situation na pinapagalitan ng kuya niya ang bunsong kapatid. Napanguso ako sa naiisip ko,. Eww ang cringe.

"Wala namang teacher e." I pout and give him the most puppy eyes na isa sa mga kahinaan niya. Napabuntong hininga ito kalaunan at saka umupo sa tabi ko. Maagap niyang kinuha ang kamay ko at sinubsob ang mukha sa leeg ko. He's favorite spot at isa sa mga hilig niyang gawin sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong dumadaan ngayon dahil sa posisyon namin. And it's too weird kasi suot-suoot pa namin ang mga uniform namin. It's like a high-school girl and college student in an intimate way.

"I'm so scared. Akala ko may masama ng nangyari sayo. When I heard you're not in your class, And you we're with a boy, I go berserk after hearing that. Nasa'n na yung lalaki mo" may galit sa tono na pagtatanong nito at nagpalinga-linga kung saan, na animo'y may hinahanap. Tinampal ko ang kamay nito.

HIS SERIOUS OBSSESIONWhere stories live. Discover now