Kasing luntian ng mga dahon tuwing tag-ulan,
Kasing kulay ng mga banderitas tuwing fiesta,
Aking damdamin isa lang ang lulan,
Iyon ang nagsulat ng mga tula ang aking makata.Kasing bango ng sampaguita sa hardin,
Ang mga akda niya'y ang sarap sa damdamin,
Para bang ang paborito mong luto ng pagkain,
Patuloy-tuloy mong hahanap-hanapin.Ang aking makata ay paiibigin ka gamit ang mga salita,
Isasayaw ka sa ilalim ng malaking buwan,
Hahawakan ang iyong mga kamay ng dahan-dahan,
At saka siya bubulong ng mga salitang iyong kagigiliwan.-mahal kita.
•
07•14•20AN:Ngayon na lang ulit ako nagsulat ng tagalog na tula at dito ni-published .sigh~