56:Ang mga Katutubong Wika sa maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya

80 1 2
                                    

"Ang Bahaghari na Lenguwahe."

Tila isang malakas na bagyo ang dumaan,
pagkayari ay isang bahaghari ang matatagpuan,
tulad ng napakarami nitong mga kulay,
iba-iba, sama-sama, ngunit pinag-tagpo upang maging isa.

Lenguwahe ay parang buklod ng mga kulay,
maganda, kaakit-akit, maiiwang marahuyo,
lilipas at magpapalipat-lipat hanggang sa tapos na ang buhay.
Mabaya,Kunig,Kahel,Lungti,Bughaw,at Morado.

Parang isang paraluman ngunit sa tainga lalandas,
hindi sa balintataw maaaninag—wika ang musikang hindi magpapahimakas.
Tulad ng mga lenguwaheng mala bahaghari,
ito ay sumisimbolo ng bagong pag-asa 'pag ang bagyo ay nayari.

Tulad ng mga lenguwahe na matibay at nagkakaisa,
ang mga Pilipino ay isang repleksiyon ng kanilang wika.
Salita sa Luzon bilang espada, kabisayaan bilang kalasag at Mindanao bilang kutamaya,
tayo'y haharap bilang kabalyero sa isang pandemyang mananalansa.

Magkakaisa at magkakapit-bisig,
mga Pilipino'y sabay-sabay wiwikain sa bibig,
"Kami'y Pilipino at magkakaiba man ang salita iisa ang aming ibig,
ang sabay-sabay na bumangon upang harapin ang bukas na ninanais madinig"

Dagtum man ang daan sa loob ng k'weba,
isang puslit lamang ng puraw ang makita,
tayong mga Pilipino ay makakakita ng daan,
upang umalpas sa madilim na panahon ng pandemyang nakikipagsapalaran.


08•22•20

AN:Ito 'yong pinasa ko para sa kumpetisyon.
Update: and it won❤️ #1

BucketsWhere stories live. Discover now