Ang alingawngaw ng kaniyang mga iyak,
Bawat minutong nakita mong luha niya ay pumapatak.
Hindi malaman kung ano ang kaniyang gagawin,
Kaya siya lamang ay umupo sa sulok upang pagmasdan ang magandang tanawin.Ang magandang tanawin sa loob ng kaniyang isipan,
Ang magandang tanawin ng nakaraan.
Patuloy-tuloy niya itong binabalikan,
Sa sulok ng kwarto niyang madilim ang kapaligiran.Tinatakpan ang mga matang lumuluha,
Upang hindi makita ng iba,
Pinipigilan ang sarili na humikbi,
Upang sa mga tao siya'y masayang binibini.•
07•14•20AN:Hindi ko alam kung ano ang totoo.