Chapter 14

894 40 0
                                    

Ashes POV

"Meeting with King and Queen? Woah!! So excited. What should I wear? Hoyyy! Klea please tell me. Ano ba maganda??" pangungulit ko kay Klea. Kasi naman wala akong maisip na isusuot. Tumingin siya sakin at tinignan ang dalawang dress na hawak ko. Pink with Blue or Violet with Blue. Tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta sa kabinet ko. May kinuha siya at pinakita sakin.

"This suits on you." giit nito. Wow. Ang kulay ng dress ay from bright red on top pababa ay grey, Under the knee ang dress na ito, backless at sleeve less. "Mag make up ka ng light." dagdag nito at naupo ulit. Anong magagawa ko? Bagay daw sakin. Agad akong nag bihis at nag make up. Lumabas ako at nagpakita sa kaniya.

"Ayos ba?" tanong ko sakaniya. Tinanguan niya ako at doon tumulala nanaman. Ang lalim palagi ng iniisip -●︿●

"Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Aqua. Tumayo na si Klea at tumango. Like nung first day of class naka black ito. May sleeve na abot hanggang pulsuhan, under knee ang haba. Ang make up niya ay light lang.

Bagay naman sa kaniya ang black. Pero kaso nakakatakot. Kasi lahat ng mga nasa Underworld naka black.

So let me tell you ang mga damit ng iba.

Si Aleah ay light red ang dress nito. Mahaba din ang sleeves. Above the knee ang haba. At backless.

Si Windy naman ay naka grey. Mahaba ang sleeve at takip ang likod niya.  Under the knee din siya.

Si Gabbi ay naka Brown. Mahaba rin ang sleeve pero backless ito. Above the knee yon.

Si Eunice naman ay naka light Green. Sleeveless pero takip ang likod. Above the knee rin sa kaniya.

Si Aqua ay naka Aquamarine na dress. Backless din ito at mahaba ang sleeves. Under the knee rin yun.

Ewan ko naman dun sa mga lalaki kasi humiwalay samin.

"Tara na malapit na mag alas singko. Dapat mauna tayo doon. Nakakahiya naman kung mahuhuli tayo." wika ni Aleah kaya sumang ayon kami. Unang lumabas agad si Klea kaya sumunod kami. Agad kaming pumunta sa Garden at doon ay nakita ko ang nakahanda ng lamesa at upuan. Agad kaming naupo at naghintay pa.

Sunod na dumating ang mga lalaki. At sa likod nila ang Hari at Reyna. Kasama din pala si Prince Shem. Tumingin agad ako kay Klea pero tae. Tahimik lang siya na nakayuko. Baka tulog?

Tumayo agad ako upang bumati sa Reyna at Hari. Ganun din ang iba. Pero si Klea ay naka yuko padin.

"Pag bati sainyo mahal na Hari at Reyna." sabay sabay naming sabi at medyo yumuko.

"Salamat. Maupo na kayo." giit ng Hari kaya agad kaming naupo.

"Klea... Wuy gising. Nandito na ang Hari at Reyna." bulong ni Eunice.

"Stop it Heal. Di ako natutuwa." bulong ni Klea kaya natawa kami. Nananaginip agad to?

"Klea Nephrite." pag tawag ng mahal na reyna sa kanya.

"Oh?!" sigaw ni Klea at bumangon. Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko ang galit niyang mukha.

"K-klea. Reyna yan." bulong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin at kita sa mata niya ang galit.

"Klea!" napalingon agad ako at nakita ko si Heal.

"H-hellia." malungkot na sabi ni Klea. Ano ba nangyayari kay Klea?

"Shhhh. That's only a dream. Huminahon ka." giit ni Heal habang nakayakap kay Klea.

"Sana hindi totoo ang nakita ko." bulong ni Klea.

"By the way Klea, the king and queen are here. Be positive!" humiwalay ng yakap si Heal at tumingin sa Hari at Reyna. "Paumanhin kung hindi ako nag pakita ng galang sainyo. Kailangan lang ni Klea kumalma. Nitong mga nakaraan kasi ay nag kakaroon siya ng panaginip. At sa tuwing gigising siya ay galit ito. Kaya kailangan ay patahanin siya." nakayukong sabi ni Heal.

"Wag kang yumuko sakanila Heal." dahan dahan ay na dako ang tingin ko kay Klea. Ang lamig ng boses niya. Parang hindi siya ang Klea na nakasama at nakausap ko noon.

"Klea—"

"I'm commanding you Hellia Eritia Aira Lake. Wag na wag kang mag bibigay ng gala—"

"Bastos kang babae ka! Hari at Reyna yan!" galit na sabi ni Prince Shem.

"Pake ko sayo? Naaapektuhan ka ba?" may ngisi sa labing sabi ni Klea.

"Tama na Klea." seryosong sabi ni Heal.

"What? Wala siya karapatan magalit! Dahil una sa lahat hindi siya tunay na anak ng Reyna!" galit na sabi ni Klea at tumayo. "Di niyo man lang nagawang hanapin ang anak niyo." dagdag pa niya at aalis na sana kaso...

"Klea Nephrite!" tawag sa kanya ng Reyna.

"Problema mo? Nagagandahan ka sa pangalan ko? Kaya kailangan ipag sigawan?" tanong ni Klea. "Don't you dare Airena! Wag na wag mo akong pipigilan." sigaw ni Klea. Dahil nasa kanan ko si Windy ay ramdam ko ang pag ka gulat niya.

"Wala kang galang ikaw na bata ka." seryosong sabi ng Reyna.

"Problema mo Queen Aliza Sofia Ruby Crystal?" tanong ni Klea. Natawa ng mahina si Klea at dinuro ang Reyna. "Alam ko na. Maybe may naaalala ka? Pag tataksil sa sariling kaibigan." nakangising sabi ni Klea.

"Ano bang pinag sasabi mo?" tanong ni Queen Aliza at lumapit kay Klea.

"Nevermind." walang ganang sabi ni Klea at aalis sana kaso hinawakan siya sa kamay ni Queen Aliza. "Let me go!" sigaw ni Klea at doon ay napalipad si Queen Aliza. Hindi agad ako makagalaw dahil sa mga nangyayari. Nakita ko si King Hades ay agad na sumaklolo kay Queen Aliza. Sinalo niya si Queen Aliza mula sa ere.

"Lapastangan!" sigaw ni Prince Shem at susugudin sana si Klea pero si Heal ay humarang at agad na naglabas ng Kidlat.

"Don't touch her." seryosong sabi ni Heal at doon ay lumipad din ito palayo.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa!" tanong ni Cean.

"Klea. I'm sorry." hinihipan ng kung ano ni Heal si Klea at doon ay natumba ito.

"Anong ginawa mo Heal!?" galit na tanong ni Windy.

"Ayos lang siya." walang emosyong sabi ni Heal. "Ipag paumanhin mo kami sa Hari at Reyna. Wala sa katinuan si Klea ngayon." dagdag pa nito at hinawakan si Klea. Doon ay naglaho sila kaya agad akong tumayo.

"What the hell just happened?" gulat kong tanong. Sirang sira ang araw ng meeting namin kasama ang Hari at Reyna.

"Asaan ang mga lapastangan na iyon!" napalingon ako kay Prince Shem. Galit at irita ang nasa mukha nito.

"Nako prince naka alis na eh." giit ko at napasimangot. "Windy. Mauna na muna ako." nakangiti kong sabi. Tumango siya kaya tumingin ako kay Gabbi at Aqua.

"Maiiwan muna kami dito Ashes." tinanguan ko si Aqua kaya tumingin agad ako sa Hari at Reyna.

"Mauna na po ako sainyo. Magandang Gabi." wika ko at yumuko sa kanila. Agad akong umalis sa Garden at pumunta sa Dorm Building.

Paniguradong nasa dorm ni Heal si Klea. I want to talk to her.

~~~~~~
Ito naaa Hopiaa! Hopialayk it:( sorry talagaaa ket parang alang nag babasa ng story na to sorry paden:( labeo ol and keep safe!

Crystal Academy : School Of Magic | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon