Chapter 16

882 36 2
                                    

Heal's POV.

Mabilis akong pumunta sa kwarto ko. Pag bukas ko kanina ng pinto ay sumalubong sakin si Windy na nakatigil lang. Hindi ko na sila iniintindi at dumiretso dito.

Binuksan ko agad ang kabinet ko at kinuha mula sa pinaka ilalim ang kasuotan ko.

Kung iniisip niyo ay masama ako. Hindi... Ginagawa ko lang to para maligtas ko ang aking nag iisang kapamilya. Ang aking ina... Na pumanig din sa Underworld. Kaya wala akong mapili kungdi ay sumama sa kanila.

Matapos akong makapag bihis ay may nakita akong uwak. Sa paa nito ay may sulat. Kaya kinuha ko agad iyon.

"Sa bungad ng Dark Forest."

Napabuntong hininga ako at sinuot ang hood tsaka nag teleport agad sa bungad. Doon ay nakita ko ang dami ng mga nag iispiya dito sa Crystal Academy. Teka yun ba yung tatlong myembro ng Seven Deadly Warriors? At yung apat sa tabi ay ang Four Dauntless. Yes mga naka black kami pero may mga palatandaan para malaman mo ang Seven Deadly Warriors at Four Dauntless.

"Greetings to all of you." si Klea yon. Lahat sila ay lumuhod maliban sakin. Nag paprocess pa ang lahat sa utak ko.

"Pagbati sainyo aming prinsesa." sabay sabay nilang sabi.

"Aking kaibigan maari mo ba akong samahan?" sino ang tinutukoy ni Klea? Ako? Luminga linga agad ako sa paligid ko at oo ako... Ako lang ang nakatayo. Shit.

Naglakad ako patungo kay Klea at doon ay lumuhod.

"Paumanhin po." narinig ko ang pagtawa nito. Hinawakan niya ako sa kamay at tinayo.

"Hindi mo kailangan lumuhod sakin.... Kayo naman ay tumayo na." nakatayo na nga sila at ako ay ito nakatayo sa tabi ni Klea.

"Princess Dharlene. Ngayon ay bumalik na ang tunay mong lakas. May plano ka na ba?" Si Wrath yon ng Seven Deadly Warriors. Ay oo nga pala. Hindi rin nakikita ang mukha ni Dharlene este ni Klea. Kasi natatakpan ang mukha niya ng Hood.

"Hindi ako pwede kumilos ng walang pahintulot mula sa akin Ina."

"Kung ganon ay wala ka paring kwenta." si Lust yon! Yung attitude sa Seven Deadly Warriors. Pero malakas sa kanilang grupo.

"Lust, bunganga mo." pag babanta ni Death ng Four Dauntless.

"What? I'm just saying the truth you know." giit ni Lust at tumawa. Agad na tinutukan ni Death, War, Famine at Plague ng iba't ibang uring kapangyarihan si Lust.

"Shut your fucking mouth and give respect to the Princess." Famine said. teka? Babae si War, Famine at Death? Akala ko dati lalaki silang lahat.

"Galit ka pa din ba kasi kami ang pinalit sa pwesto mo ha Lust?" tanong ni War. Napatingin ako kay Klea at nakita kong nag lakad to patungo sa kinaroroonan ng mga nag aaway. Doon ay sinakal niya si Lust at inangat.

"You should know your limitations." malamig na sabi ni Klea. Doon ay may lumabas na kidlat at na kuryente si Lust. Nawalan ng malay ito kaya binitawan na siya.

"Hindi ko alam na kidlat pala ang meron kay si Princess."
"Ang sabi daw siya at yung Klea Nephrite dito ay iisa"
"Kung totoo yon sana apoy ang lumabas sa kanya hindi kidlat."

Apoy ang kakayahan ni Klea pa anong nakuha niya ang kidlat?

"Balita ko kaya ng anak ng Reyna na gayahin ang kapangyarihan ng katunggali niya."

Napatingin ako sa mga nag bubulungan. Totoo ba yon?

"Tama tama. Pati raw mga Abilidad kaya niya ring gayahin." bulong pa nung isa.

"Kayo! Kung mag bubulungan kayo siguraduhin niyong walang makakarinig!" seryoso kong sabi kaya natahimik sila.

Kidlat?
'Anong ginawa ko sa mahina mong kaibigan? Simple lang dinanas niya saglit ang sakit ng isang kidlat.'

That man. Napatay ni Queen ang lalaking yon.

Teleportation?
Nagaya niya ba yun nung nag teleport ako kasama siya.

Ang pag kakaalala ko ay hindi marunong mag teleport si Klea.

Human Control...
Ako ang nagaya niya. Nung araw na nasa Underworld kami. Tumurupit si Prince Shem. Ibig sabihin? Kaya niyang mag basa ng iniisip ng ta—

"Tama ang mga iniisip mo Hell." napalingon agad ako kay Klea.

"My real ability is to copy."

"Kaya ba pati mga boses namin ay nagagaya mo?" tumango ito sakin.

"Queen told me about this. Kaya, kaya kong iba ibahin ang kapangyarihan ko. Just by looking to someone. And experience."

"I can't believe this."

Pansin ko ang uwak na dumapo sa balikat ni Klea. Kinuha niya agad ang sulat at binasa ito.

"Plano ng mahal na reyna. Mag bigay babala sa lahat na naririto sa Crystal Academy." rinig ko ang pag tawa nito. Sinarado niya ang papel at tinago.
"Ako na ang bahala. Sasabihan ko nalang kayo kung ano ang mga proseso." giit ni Klea.

"Ano ang palatandaan na mag uumpisa ang iyong proseso prinsesa?" tanong ng isang babae.

"May magaganap na sunog." wika ni Klea. "Tapos na ang pag titipon. Bumalik na kayo sa lugar niyo." dagdag pa niya at nag laho. Agad akong nag teleport sa kwarto ko at nagpalit ng kasuotan. Nag teleport agad ako sa kwarto ni Klea at doon ay nakita ko siyang naka tanaw sa bintana.

"Sana ay hindi ka mag taksil Hellia." giit nito. "Resume." bulong nito. Doon ay rinig ko ang pag katok muli ni Windy.

"Klea! Open up! Heal! Ano ba!" sigaw nito kaya binuksan ko ang pinto. Nag iwas lang ako ng tingin at dire-diretsong pumunta sa kwarto ko..

Nakakagulat ang mga pang yayari ngayong araw. Hindi ko maisip na si Klea na akala ko ay normal... Isa palang kalaban. Hindi lang siya taga Underworld. Siya ang prinsesa ng kahariang iyon.

Nahiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Pinadaan ko ang kidlat sa kamay ko patungo sa kisame. Ng tumama ito sa kisame ay lumabas ang isang imahe.

Triple Moon Symbol.

What if malaman nina Windy at iba na kami ni Klea ay isa sa mga Underworld. Ako paniguradong hindi nila mapapatawad. Pero si Klea kaya? Hindi ako bilang sa mga kaibigan ni Klea. Katunayan ay si Klea lang ang tumanggap sakin na kaibigan. Kakaiba daw kasi ako. Walang apelyido. Wala pang kaibigan. Nakakagulat lang sa parte na si Klea ang tumanggap sakin.

Nawala na ang sybolo sa kisame ko kaya tumagilid ako ng higa.

Sana hindi dumating sa punto na kailangan mag away kaming dalawa.

-end-
Again may bago po ulit na chap sorry for the delay guys!

Crystal Academy : School Of Magic | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon