Seal's Point Of View

1.6K 56 29
                                    

FLASHBACK CHAPTER 36

"Ano ka ba Sapphire Eara Amarah Laken. Akala mo ba talaga mamamatay ka? Dahil sayo nabalik na ulit ang katahimikan. Ang katahimikang inaasam namin.. Natin! Kaya makakabalik ka na muli sa Maucela." natatawang sabi ni Uzelda kaya napakunot ang noo ko.

"Di pa ako patay?!" tanong ko sa kaniya kaya tumango siya.

"Talaga kinausap lang kita para pasalamatan at batiin. Paalam na Seal naway mapanatili mo ang kaayusan at kapayapaan sa Maucela." mag sasalita pa sana ako kaso nagising ako dito sa labanan padin at lahat sila ay nag iiyakan. Luh!

Akala ko hanggang doon nalang ang buhay ko. Kasi sa sinabi ni Uzelda hindi ko akalaing biro lang iyon. Grr ang bad ni Uzelda

Dahil nasa tabi ko si Mama Evangie ay niyakap ko agad siya. "Salamat sa pag alaga sakin Mama." ramdam kong nagulat ito sa biglaang pag gising ko.

"A-anak buhay ka!" masaya niyang sabi kaya ngumiti ako at humiwalay ng yakap sa kaniya.

"Oo naman po!" nakangiti kong sabi. Tatayo at lalapit na sana ako sa iba kaso nanghihinang napaupo ako sa lupa. Tumawa ako at nagsalita.

"Seryoso ang hirap na mag lakad!" nakasimangot kong sabi. Nag si lapitan sina Aleah, Eunicesa at Airena sakin at agad akong niyakap.

"Nakabalik ka na nga talaga! Yung totoong ikaw." masayang sabi ni Eunicesa.

"Damn I miss those smile and your laugh!" natatawang sabi ni Aleah.

"Argh tignan mo sarili mo! Ang dumi na natin." reklamo ni Airena.

"Sorry sa inyo ha sorry sa lahat." malungkot kong sabi. Sabay silang tatlo na natawa at tinapiktapik ako.

"Ayos lang." giit ni Airena.

Sumunod naman na lumapit ang labing isang mga kasamahan ko.

"Now that you back. Everything will be at peace again." giit ni Zynea.

"Yeah sana nga." nakaupo parin ako sa lupa kaya tinayo nila ako kahit nahihirapan ako.

"Don't do that again! Naughty cheater girl!" reklamo ni Steel. Tinawanan lang siya at tinapik ang balikat nya.

"Promise tuturo ko sayo yung moves ko ng masubukan mong mahigitan ang isang gaya ko." nag tawanan naman sila sa sinabi ko. "And hey, lahat ng sinabi niyo kanina. Make sure na mangyayari ha!" dagdag ko kaya ngumiti sila at tumango.

Sa likod nila ay nakita ko sina Heal, ang tunay kong ina at ama. Ngumiti ako sakanila at sapilitang nag lakad patungo sa kanila. Sinalubong naman nila ako shempre! Pagod na kaya ang katawan ko sa mga nangyari.

"Maligayang pag babalik aking anak." giit ni Ina kaya natawa ako.

"Ina, may nais sana akong hilingin. Tulad ng buhay ko noong nakaraang dekada. Nais ko sanang manatili sa Underworld ng mapatupad ang kaayusan at kabutihan. Maaari po ba?" tanong ko. Nais ko naman silang makasama. Pero si Mama ayoko namang mag isa siya doon.

"Kung iniisip mo ako Klea, ayos lang sakin. Pwede ka namang bumisita sa palasyo." napalingon ako kay Mama at umiling.

"Pero Ma-"

"At pwede din siyang dumalaw sa Crystal Kingdom." napalingon ako kay Ama ng sabihin niya iyon.

"P-pero nilayo ko sainyo si Seal at marami din akong nagawang kasalanan sa buong Crystal." wika ni Mama.

"Kailangan din mag patawaran, bilang tumayo kang magulang kay Seal, isa karin naman sa mga tumanggap sakin noon, at naging mabuting kaibigan sakin. Bakit hindi diba? Kaibigan kita Evangiline at mananatili iyon hanggang sa kabilang buhay." giit ni Ina kaya napangiti si Mama at niyakap si Ina.

Crystal Academy : School Of Magic | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon