Chapter 1

3.9K 95 2
                                    

Klea Navarro's POV.

Tik...

Tok...

Tik...

Tok...

Hayst ang tagal ng oras. Idagdah mo pa na ang boring ng pag tuturo ng guro. Bigla namang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Mom.

"Trust no one." Mom told me every time na aalis na ako ng bahay. Napapaisip tuloy ako? Is that include my friends? I mean Aleah and Eunice are different and the were kind to me. Pero nung minsan na sabihin ko kay Mom na may mga kaibigan ako ang sabi niya.

"Just leave them and forget about them Klea. You can't trust those humans, you can't trust those weaklings."  Yeah yeah what ever lahat naman ata ng mga pinakilala ko sakanya eh yun ang sinasabi niya. Paulit ulit but I know that she was just saying that for me.

Si Eunice or Eunice Monterona ay mas matangkad sakin ng dalawang inch. Ang mga mata nito ay masasabi mo talagang singkit, pero may pag kakulay pula ito. Ewan ko ba kung trip niyang mag contact lens o ano. May matangos ito na ilong at mapupulang labi. May puti at makinis itong balat, hay nako ito talaga iyong maganda ang kaso malabo ang mata kaya palaging nakasalamin. May asul tong mahabang buhok na abot hanggang pwetan. Mabait na may pag ka harot din siya at matalino rin.

Meet Aleah Alonzo ang isa ko pang kaibigan na sobrang bait! Nakakahawa ito ng kabaitan eh. Mag kasing tangkad kami. At medyo bilugan ang mga mata niya at kulay asul naman ito. May mapupula din siyang labi at matangos rin ang ilong niya. Gaya ni Eunice may puti at makinis na balat din si Aleah pero mas maputi nga lang siya medyo kay Eunice. Kulay pula naman ang mahaba niyang buhok which is takaw atensyon talaga kagaya nung kay Eunice. Jusme.

Pero yun nga. Hay nako bakit kaya ganun si Mama? Napaka strict! Ayaw niya akong ipakausap sa mga taong di niya pa nakikilala. Well hindi pa naman kasi aktuwal na nag kita si Mom at sina Aleah at Eunice.

"Hey Klea!"

"Hmm?"

"Anong hmm? Tawag ka ni sir!" pabulong na sigaw ni Eunice kaya agad akong napalingon kay sir na nakatingin sakin ng masama.

"Tumayo ka Miss Klea Navarro!" sigaw nito kaya agad akong tumayo.

"Sir sorry po." nakayuko kong sabi.

"Ano bang iniisip mo ha! Naturingang matalino pero palaging tulala! Siguro yang iniisip mo ay ginagawa nang boyfriend mo noh! Ang dami talagang-"

"Tumahimik ka sir! Wala kang alam! Nababasa mo ba ang iniisip ko? Diba hindi! So shut up! Wag kang masyadong bastos lalo nat babae ako! Pwedeng pwede kitang ipareport jan sa sinasabi mo! Alam mong kaso rin yan sir! Insulting ang tawag jan sa ginagawa mo! Kaya kung ayaw mo makulong shut up!" gigil kong sabi at kinuha ang bag ko tsaka lumabas ng room. Tsk bad trip kita namang- aishh!

"Klea!" nag patuloy lang ako sa pag lakad at di pinansin ang pag tawag nina Eunice at Aleah. Natigil lang ako sa pag lakad ng higitin ang kamay ko.

"Klea ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Aleah.

"Sorry guys bad mood lang talaga ako ngayon." nakasimangot kong sabi.

"Meron ka ba ngayon? Parang kahapon lang ang saya mo tapos ngayon bad mood ka." giit ni Eunice.

"Di ko pa days nuh! Atsaka nangigil lang talaga ako kay sir! Ang bastos niya eh!" wika ko at nag simula ng mag lakad. Sinabayan naman nila ako.

"Hay nako di ka na nasanay. Pano yan mamaya lagot ka kay tita Angilie." mas lalo akong napasimangot sa sinabi ni Eunice at narealized kung pano nanaman ako papagalitan ni mama.

Crystal Academy : School Of Magic | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon