Chapter 21

779 40 0
                                    

Windy's POV.

Bumangon ako at kinusot ang mga mata ko. Tumingin ako sa kanilang lahat. Tulog pa sila. Tumayo ako at dumiretso sa CR para maligo at mag palit. Formal na ang sinuot namin kasi excuse naman na kami.

Pag labas ko ay ginising ko na sila. Bumangon naman sila at yung iba ay nag unat unat pa. Pumunta ako sa bintana at doon ay may nakita akong patay na uwak.

"Sino pumatay ng uwak dito?" tanong ko.

"Uwak? What do you mean?" sumilip si Aleah at doon ay nakita niya ang uwak. Lasog lasog ang uwak na to. Halatang may galit ang pumatay sa kaniya. Kaawa awa.

"Gosh, kawawa naman." singit ni Eunice. Sumilip din ang lahat maliban kina Klea, Heal at Gabbi. Nag hahanda lang sila para sa pag alis.

"Heal, Klea, Gabbi. Sino sainyo ang pumatay sa Uwak?" tanong ko.

"Why would I kill a Corbie, Windy?" tanong ni Klea sakin. Parang nabitin siya sa tulog niya.

"Una akong nakatulog ka gabi." giit ni Heal.

"I killed it." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Gabbi.

"Why?" tanong ko.

"That animal is part of the nature Gabbi. Ibig sabihin sakop din siya ng kalupaan. Hindi ka manlang naawa?" tanong ni Aleah.

"I can't believe na papatol ka sa isang uwak." hindi makapaniwalang sabi ni Eunice.

Kinuha ni Gabbi ang bag niya at lumabas ng kwarto.

"May problema lang siguro siya." giit ni Klea at lumabas nadin bitbit ang bag niya. Si Heal naman ay kinontrol ulit ang kama. Binalik ang walong kutson sa kama at ang walo pa ay tinabi niya sa gilid tsaka lumabas. Lumabas narin ang iba at nag paiwan ako saglit para tignan ang paligid. Lalabas na sana ako kaso napatingin ako sa basurahan. Pinulot ko ang papel na nakalukot at binuklat ito.

'Next target will be G-" putol ang sulat kasi punit ang kalahati nito. Tinapon ko nalang ulit ito at binitbit ang bag ko tyka lumabas ng kwarto.

"-I told you! I'm not Seal!" sigaw ni Heal sa baba kaya bumaba agad ako.

"Ikaw si Seal! You have that birth mark in your back! Ikaw a-ang anak ko." pahina ng pahina ang boses ng reyna.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Insan wag ka na makisali." giit ni Winston. I look at him blank tsaka dumiretso ako sa harap ni Heal at hinawakan siya sa balikat.

"Are you telling a truth?" seryoso kong sabi.

"Yes! May sarili akong mga Magulang Windy! Alam mo yon!" halatang iritado na siya.

"No! K-kami ang pamilya mo!" tutol ng Reyna. Umiling lang si Heal at tumawa.

"Sabi niyo ang anak niyo kayang kontrolin ang lahat. Pero ako iisa lang ang nakokontrol ko. At yon ay ang kidlat!"

"But you have the mark of triple moon at your back. Nakita yon nina Klea." giit ng Reyna.

"Believe me or not. I'm not your daughter and I will never be your daughter." seryosong sabi ni Heal at tumakbo palabas. Susundan sana siya ng Reyna kaso pinigilan siya ng Hari.

"Soon she will find out the truth Aliza. Nag tataka siya ngayon at naguguluhan. Wag natin siyang pilitin." walang nagawa ang Reyna kundi umiyak nalang. Nag paalam kami sa Hari at Reyna tsaka lumabas na ng palasyo. Malayo palang ay nakita namin si Heal na halatang iritado. Gamit ang mga kidlat niya na form ng isang latigo ay pinag hahampas niya ang isang puno.

"Heal don't hurt the tree. Walang kasalanan ang punong yan sayo." usal ni Gabbi. "May mga buhay din sila." dagdag pa nito. Tumingin sa kaniya si Heal at doon ay nawala ang kidlat na latigo ni Heal.

Crystal Academy : School Of Magic | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon