Chapter 12

933 43 1
                                    

Klea's POV.

"Mmm. Sakit sa tenga nung pinto guys." reklamo ko at nag takip ng unan. Pano ba naman kanina pa may kumakatok.

"Arghhh anong oras palang ehh." rinig kong reklamo ni Ashes.

"Woyy baka late na tayo kaya ginigising tayo." saad ko at naupo habang nakapikit.

"Walang ganon nuh." si Gabbi na inagaw sakin yung kumot.

"Inaantok pa ko." bulong ko naman tsaka natulog habang naka upo.

*TOK! *TOK! *TOK! *

"Arghhhh!!" sigaw ni Aqua at ramdam kong tumayo na ito. Nakapikit parin ako habang nakaupo.

Nantok pa talaga ako.

"Asaan siya!" may sumisigaw?

Sino yon?

"Ano bayan ehh! Ang aga aga nambubulabog." dinilat ko ang mata ko at kinusot. Nakita ko si gabbi na kinukusot na rin ang mata habang si Ashes ay nag uunat.

"*yawnnn* sino ba yan Aqua!" sigaw ko.

"Sila Windy. Hinahanap ka." napatigil ako sa pag kusot ng marinig ko ang pangalan ni Airena. Nakita kong lumapit sakin si Aqua at nahiga pa sa binti ko. "Nantok pa ko Klea." bulong nito.

"Bangon na. Male-late tayo." giit ko.

"Ayokoo! Inaantok pa talaga ako klea." reklamo nito at ayon tulog.

"Klea luto na muna ako tas kain tayong apat dito." pamamaalam ni Gabbi. Aalis na sana pero tumigil at lumingon kina Windy. "Dito rin ba kayo kakain?" hindi sumagot ang mga ito kaya umalis na si Gabbi.

"Klea patulog din akoo please." si Ashes na halatang inaantok parin.

"Eii bangon na kasi kayo. Para makakain tayo." giit ko habang nag aayos ng buhok. Hindi ito nakinig bagkus ay nahiga rin sa binti ko at natulog. *pout* ang bigat kaya nila. Nag angat ako ng tingin at kita sa mga mata nila Windy ang gulat at pag tataka. "Morning."

"Kumusta ka? May ginawa ba sila sa-"

"Hindi sila masasama para jan sa iniisip mo Airena." putol ko sa sasabihin niya.

"Bakit ka ba kasi lumangoy? Akala ko ba di ka marunong lumangoy. Buti nalang at nakaligtas ka." si Eunice kaya napatango ako.

"Buti nalang at nandon sila. Kundi patay na ako."

"Bakit ka dito natulog? Pinilit ka ba nila?" tanong ni Aleah.

"Nahh. Gusto ko sila makasama kaya dito nalang ako natulog."

"Tara kain na tayo sa baba." pag yayaya ni Windy kaya napataas ang kilay ko.

"No thanks. Mag luluto naman daw si Gabbi. Kung gusto niyo dito nalang din kayo kumain."

"Okkk luto naa taraa na klea! Gisingin mo na yang dalawa!" sigaw ni Gabbi kaya ginising ko na ang dalawa.

"Volt Cloudine bangonnnn!" sigaw ko. Kita kong napadilat agad sila at masamang tumitig sakin. Tumayo ako at agad na tumakbo papasok ng kusina.

"Langya ka paniguradong nag aalburuto na ang mga yon sa galit." natatawang sabi ni Gabbi kaya natawa rin ako.  Naupo ako sa upuan at doon ay pumasok sina Ashes at Aqua na parang galit na galit.

Galit na galit ustong manakit?

"Grrr!! I hate you!" naka simangot na sabi ni Aqua.

"Tara na kain na." pag yayaya ko at doon ay naupo na sila.

"Nasa labas parin pala sila. Hihintayin ka daw nila." wika ni Aqua kaya napatango ako. Nag simula kaming kumain habang nag uusap tungkol sa buhay namin.

Crystal Academy : School Of Magic | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon