Chapter 2

127 5 0
                                    


"Ang sarap ng tulog ko." sabi ko habang nakapikit pa din ang mata ko. It made my night. Ang ganda ng boses niya. Ang ganda talaga. Nag stretching muna ako ng biglang--

"WHAT THE HECK SHINE!"

Napabangon ako bigla. Binuhusan lang naman ako ng aking kapatid ng malamig ng tubig. Tiningnan ko ang damit na suot ko at tiningnan ang kapatid ko.

"Patay ka sa'kin."

Tiningnan niya lang ako ng nakapoker face. Iba talaga 'tong kapatid ko. Lakas mang-asar.

"Bangon na diha, sige laman kag pabangon," sabi nya

Tiningnan niya ang cellphone nya at sinabi saking "Get ready, may lakad tayo." Tas umalis na sa kwarto ko dala ang pinangbuhos nya sa'kin ng tubig.

"GUIL BANGON NA!" Rinig kong sabi ni mama.

"ITO NA! ITO NA BABANGON NA! !"

But before that, tiningan ko ang cellphone ko na nasa upper left ng kama ko. It's already 7:30 am. Naka on parin ang data ko ko. It's already 16%.

"Ano ba naman 'to?! Di na charge! Putek naman oh!"  Tiningan ko ang messages at nakitang may 4 unread messages galing kay Axe?

Axe Vaughn: (Active 7 hours ago)
Hey?
Tulog kana?
Ah okay sige
Good night

Napangiti nalang ako bigla. Agaran ko din syang nireplyan.

Xia Leith:
Sorry nakatulog
Ganda kasi ng boses HAHA
Good morning

Pagkatapos kong magreply I charged my phone at nagmadali ako papasok sa cr at naligo na. After that, kinuha ko sa cabinet ang tshirt ko na may statement na it's okay not to be okay at sinuot ito kasabay sa jeans ko.

Paglabas ko ng kwarto nandon na sila sa dinning table kumakain. Hindi man lang ako hinintay hmp. Nandon na sina  mama, si papa, si Shine at yung isang hindi pamilyar na babae na kaedad lang ata ni mama.

Nagmano ako kina mama at papa kabilang na din isa pang babae. Then, I sit in my chair to eat.

"Guil, this is your Tita Ara. Kaibigan ko nung college. May book drive syang sinasagawa sa park. Diba may books ka naman dyan na hindi ginamit?"

"Uhm yes Ma, may hindi naman ako ginagamit. Nasa box, nasa ilalim ng kama ko." I stated while grabbing a bacon to my plate.

"Can you donate it Guil? You don't use it or read it naman diba?" Sabi ni Mama.

"Sure," I added. Marami akong collection ng books. May novels, may dictionaries, may algebra(kahit hindi ako magaling sa math), may almanac, encyclopedias, Bible at iba pa.

"Naku, thank you Guil ah, it would be a big help sa book drive ko." Saad ni Tita Ara

"No problem Tita, as long as I could help even in small ways." I replied.

"Ah Ma pupunta muna ako sa convenience store." Sabi ni Papa na kumakain.

"Sige Pa, sunod ka na lang sa park." Saad naman ni Mama.

Pagkatapos namin kumain, I immediately brush my teeth and quickly go back to my room. Kinuha ko sa outlet ang cellphone ko at kinuha ang ilan sa mga books na nasa box.

The Art Of War, A Child's First Bible, Red Queen, Inferno, The Lost World, Book About Hope basa ko sa mga librong nasa box may mga psychology books din at iba pa.

"Binigay naman itong iba, I guess I should donate this box na." I take the box with me at naglakad na papunta sa sala. Marami pa naman akong books. Sa kotse ni Tita Ara kami sumakay. Madali lang naman ang byahe dahil hindi naman malayo ang park dito sa amin. Pwede lang lakarin. But madaming dinala si Tita Ara na books kaya mas madali na itong may masasakyan kami.

Lumabas na ako sa sasakyan at nakitang maraming tao ang nandito. I guess Tita Ara was a well know person here dahil madaming bumati sa kanya. Tinulungan namin ni Mama at Shine si Tita sa pag-buhat ng mga boxes of books. Ang dami talaga.

"Thank you sa inyo ah Gia, Guil, Shine sa pagtulong sa akin. Pwede din kayo magpili sa mga ibang books." Tita Ara said.

"Ma, doon muna ako." Sabi ni Shine na itinuro ang isang bench. My sister always want to in peaceful place. Hays.

Pumunta na lang ako mga nakahelera na mga books at tiningnan ang mga ito. Kinuha ko ang isang book which is Little Things by Jeffrey Brown. Sinimulan ko na itong basahin ng ---

"A Child's First Bible?"

W-Wait, did I heard it right? How could this be possible? Aakma na sana akong lilingon ng tinawag ako ni Mama.

"GUIL! HALI KA DITO! YUNG KAPATID MO!"

My heart started to beats fast. Nanginginig ako.  Ang kapatid ko.


At ang boses na yon. Could it be you Axe?


Meeting You In RPW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon