Chapter 9

57 2 2
                                    

It took him minute bago mag reply.

Axe Vaughn:
Sure ka? Tayo na?

Xia Leith:
Oo nga

Napangiti nalang ako. But hindi talaga maiiwasan na mapaisip ako katulad ng baka bigla nalang syang mawala, what if mahulog ako sa kanya ng higit pa sa inaakala ko.

Guess I should take a risk?

Axe Vaughn:

In a relationship with Xia Leith

50 like this post

Kate Herate Rantisima
Taken na si crush!:<

Samantha Rae
Ss❤

Killua Zoldyck
pre, staystrong

Gatas Montria
Maghihiwalay din kayo

Tarra Langga
Sanaol

Hillary Septonio
Congrats Axe.

Basa ko sa mga comments. Wait– ito yung ex-rs niya. It's just his ex.

Axe Vaughn:
Oy, ano cs natin?

Xia Leith:
Ayos lang naman kahit wala
basta alam ko akin ka

Axe Vaughn:
Marunong ka na ah

Xia Leith:
Nagmana lang ho ako sayo

Axe Vaughn:
charst

Xia Leith:
anong charst?
char lang yun

Axe Vaughn:
Para ma-iba naman charst

Xia Leith:
Okay, charst
May tatanong sana ako

Axe Vaughn:
ano Xiang?

Xia Leith:
About sa ex-rs mo

Axe Vaughn:
kay Hillary?

Xia Leith:
Yup, uhm ilang months kayo?

Axe Vaughn:
Just one month.

One month lang pala sus, ex-rs, past, no need to discuss.

Xia Leith:
Ah okay.

Axe Vaughn:
Btw, Xiang, kailangan ko
nang mag offline, may gagawin
pa ko, love you.
11:00 pm

After that, offline na talaga sya. Hays, easy busy.  Dahil hindi pa naman ako inaantok naisipan kong e change ang nickname namin.

Axeton? Masyadong cringe

"uhm ito nalang.."

You set the nickname for Axe Vaughn to Ax. Edit

You set your nickname to Xia. Edit

You changed the chat theme to Aqua Blue. Edit

After that, napahiga na ako sa kama.

"Ano 'tong pinasok ko? Hays....." sabi ko sabay hilamos sa mukha. Nagpagulong-gulong ako.

"Sakto ba ni?"

Mas pinapatagal ang relasyon kesa panliligaw. But I guess, hindi sana ako nagpadalos-dalos ng desisyon. Lintek ng selos 'to pero naging bf  ko sya.

"Bahala na."

*****

Malapit na matapos ang February. Magmamarch na at pagkatapos summer na!

"Guil pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Mama pagpasok palang sa kwarto ko.

"Ano ho yun?"

Umupo sya sa kama ko. "Last time na nag-usap tayo, nagwalk-out ka eh."

Napatawa lang ako saglit. "Sorry Ma."

"Ayos lang ito naman, gusto mo ba talaga dito parin mag-aral sa Duma?"

"Oo naman Ma."

"Kasi anak,"

"Ano yon?"

"Mag-aabroad yung Papa mo sa Hongkong tas balak ko ding sumama."

"Kayo talagang dalawa Ma?"

"Depende Guil, kasi sa convenience store na pinagtratrabahuan ng Papa mo maliit lang yung salary nya diba tas ako maliit lang din yung salary ko sa rob."

Kaya pala sinabi nyang babalik na kami sa hometown namin. Siguro sa parents nina Mama kami maninirahan, kina lola. Ihahabilin nila kami kina Lola. Mag-aabroad silang dalawa. Papasok ako sa ibang school. Mag-aadjust na naman ako. Great ang ganda ng buhay ko.

"Kung ano po yung desisyon nyo."

"Hindi pa naman final Guil,  nakausap ko na yung kapatid mo sabi nya ayos lang din. Sinasabi ko lang sa inyo 'to ng maaga para hindi na kayo mahirapan pa."

Nahihirapan na nga ako.

"Ganun ba,"

"Sige Guil, alis muna ako."

Umalis na si Mama sa kwarto ko at humiga na ako.

"Bakit ba kailangang mangyari 'to? Dito na ako komportable tas aalis lang din?"

Sana mabago pa yung desisyon nyo. Nakakawalang gana.

Bumangon na lang at nagbihis ng  isang navy blue shorts at isang big plain white t-shirt. Nilagay ko sa pocket ang cellphone at ang maliit na wallet ko. Sinabit ko din amg earphones sa leeg ko. Pahangin muna ako.

Lumabas ako sa kwarto at bumaba. Nakita ko si Shine na nasa sala at nag-e earphones habang pinpikit ang mata nya. Kinuha ko ito sa tenga niya.

"Ano ba?!"

"Pakisabi kay papa na pupunta ako sa Boulevard."

"Yun lang pala. Alis tsupe! Panira ka ng trip!"

Iniwan ko na sya. Lumabas ako ng gate at naglakad-lakad ng may nakita akong tricyle.

"Manong!"

"San ka iha?"

"Boulevard ho."

Sumakay na ako at madali lang yung byahe. Nakarating na din. Bandang alas 4 na kaya nalalapit na ang sunset. Binigay ko na ang bayad ko at bumaba na.

Umupo na ako sa bench at ginamit ang earphones na nakasaksak na sa phone ko.
Pero bago ko pa malagay sa tenga ko ang earphones, may taong tumawag sa'kin.



"Hey, it's you right?"

Meeting You In RPW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon