A/N: Kindly play the song above.❤Hindi ko namalayan ang oras. Pagkatapos naming magtambay at maglaro sa park ay umuwi na kami. Maaga din kaming naghapunan at nandito na ako sa kwarto ko. Nagmumuni-muni. Nag on nalang ako data at inopen ang rp account ko.
Scroll, scroll, scroll
"Ang boring,"
Kinuha ko nalang ang earphones ko sa side table at ginamit ito. Pumunta ako sa YouTube at sinearch ang kantang kinanta nya sa'kin.
"Ano nga title nun?" Napasapo nalang ako noo ko. Damn what's the lyrics again?
"Oh florida please , Be still tonight , Don't disturb , This love of mine" pakantang sabi ko
Tinype ko ang lyrics at nakitang kanta pala ito ng isang banda. Mayday Parade...sounds interesting. I tap the video and I started listening to it. Sinabayan ko ang tono nito. Why this song is so damn nice?
"If luck is on my side tonight
My clumsy tongue will make it right'" pakantang sabi ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang 8 palang. Siguro nasa sala pa sila mama at papa. Lumabas muna ako sa kwarto ko at pumunta sa kitchen. Nag earphones pa din ako pababa."You could crash me, please don't crash me, cause baby I'm a dreamer for sure, and I won't let you down, I swear this time I mean it"
Kumuha ako ng tubig sa ref at sinalin ito sa baso. Pagkatapos kung uminom, papunta na sana ako pabalik sa kwarto ko ng tawagin ako ni mama. Si mama nalang pala ang nasa sala, siguro na una nang matulog si papa.
"Guil halika muna dito,"
Tinanggal ko ang earphones na nasa tenga ko at sinabit ito sa leeg ko.
"Bakit Ma?"
"San mo gustong mag-grade 11?"
"Kung ako po yung masusunod same school pa din Ma, bakit?"
"Napag-usapan kasi namin ng papa mo na babalik na tayo sa home town natin, baka dun na tayo manirahan at --
"Ma pwede dito na lang ako?"
"Kasi nak may---
"Ma pwede next time nalang natin ito pag-usapan?"
Hindi ko na hinintay na magsalita si mama. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at humiga sa kama ko.
Dito na ako lumaki eh. I don't wanna leave this place. Kinuha ko na lang ang cellphone na nakalagay sa bulsa ko at ang earphones na nakasabit sa leeg ko at plinay ang ibang kantay nila. Miserable at best.
Sana hindi muna kami umalis dito.
Let's not pretend like you're alone tonight
(I know he's there and)
You're probably hanging out and making eyes
(While across the room he stares)I'll bet he gets the nerve to walk the floor
And ask my girl to dance she'll say yes
(Because these words were never easier for me to say or
Her to second-guess but I guess)That I can live without you but
(Without I'll be miserable at best)*****
Tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. I check my phone at what the heck!
"5%! Bwesit naman oh!"
Naka on pa talaga ang data, nakaligtaan ko pa talaga i off nakakakabwesit sa umaga. But wait 2 unread messages from Axe?
Axe Vaughn:
Hey
you up?
5:30 AMXia Leith:
good morning, slr
6:00 AMPagkatapos ko syang replyan chinarge ko na ang cp ko at bumaba para magtimpla muna ng kape. Nasa hagdanan palang ako ng marinig kong may nag uusap sa sala.
Sina Tita Ara at Mama. Pumunta ako sa kanila at nagmano."Good morning Ma, Tita."
"Good morning Guil." sabi ni Tita Ara
Pagkatapos kung magmano sa kanila. Pumunta muna ako sa kitchen at nagtimpla ng kape.
"Ara san ba yung asawa mo ngayon?"
"Di ko pa pala nasasabi sayo Gia, nasa Bulacan yung mga anak ko at yung asawa ko. Nandito ako dahil nirerenovate yung bahay ni Mama sa Negros."
"Dito kayo titira?"
"Napagplanohan kasi namin na dito kami kada vacation para ma enjoy ng mga anak ko."
Rinig kong sabi nila. Taray naman ng anak nina Tita Ara, nakakapagtravel na. Samantalang ako hanggang dito lang sa province. Sana owel. Pagkatapos kung mag timpla ng kape, pumunta nalang ako sa kwarto at dun mag kakape.
Kinuha ko sa outlet ang cellphone at nag on ng data. Ininom ko na ang kape ng biglang mag chat si Axe.
Axe Vaughn: (Active Now)
Xiang, can I court you?"Ahuh-ahuh!" Nabitawan ko ang cellphone ko at hinawakan ang leeg ko. Taena nabilaukan ako!
BINABASA MO ANG
Meeting You In RPW
Teen FictionShe's Xia in rpw while Guil in rw. A typical grp in the rpw. Until she meet this guy who's named "Axe" in this world of rpier. Does love exist in this kind world? Well, who knows? book cover by: Zephyr Limerick Date started: July 4 2020 Date finishe...