Ugh! Filipino na naman. Heto na siya, ngiting ngiti na naman. I rolled my eyes secretly.
It's our last subject na, which is Filipino. I'm just grade nine and kakasimula palang ng fourth grading. Oh my gosh!
This became my favorite. Noli Me Tangere. Bukod sa mahilig talaga ako sa literature, magaling din naman magturo si Sir Devin. Ang ayaw ko lang talaga sakaniya, sobrang... How do I say this? Basta! Mahilig siyang humugot. The heck right? Sobrang cheesy but cringy ng mga pinagsasabi niya. Hindi naman ako bitter. Romance is my favorite genre. Ewan ko ba, pag siya ang nagbabato ng linya, I just don't like it.
"Magandang hapon mga mag-aaral!" Hayan na. Nagsitayuan kami at yumukod. Ang mga lalaki ay nasa tiyan at likod ang kamay. Habang kaming mga babae ay humawak sa palda pagkayuko. Like a mahinhon and 1800's people. That's his rule. "Magandang hapon din po, Ginoong Agamata!" pagbati namin. Another, dapat kapag Filipino time, purely Filipino ang salita namin. Psh.
Matapos bumati ay naupo na kami. Walang reporting sa araw na ito. Dahil ngayon niya daw ibibigay ang first performance activity namin. Nang maupo kami, iniwan niya sa teacher's desk ang mga gamit niya. Mayroon doong libro ng Noli Me Tangere, glass jar na may mga papel. Ugh! Ayaw ko ng ganiyang walang pagpipilian, na kung anong makuha mo, iyon na. Kainis naman.
Mayroon din doong black coat. Tsaka black hat. Hmm? Para saan iyon. Tumayo siya sa gitna. At eto namang katabi ko, kumikiri na. She's Maria. Petite, morena, shirt haired. Maganda naman siya at sobrang bait. And, crush niya si Sir Devin.
Ayaw ko talagang tawagin si Sir sa apelyido niya. Napapangitan ako. Half Japanese kasi siya kaya Agamata. Sus. Pangit din pala apelyido ko. Placiente.
"Ang cute niya talaga Sheena!" humawak pa si Maria sa braso ko at inalog alog ito. Napairap naman ako.
"Handa na ba kayo sa gagawin natin?" tanong niya. Nagsitanguan na naman ang mga kaklase ko. Nagtanong pa si Meli-- president namin-- kung anong gagawin. Nasabi niya pa ang word na 'project' kaya nagsitawanan kami. Medyo kengkoy si Meli kaya gusto namin siyang lahat. Nag cheer pa kami na tagalugin niya Yun. Pero di niya na alam kaya 'ipaoagawa' nalang ang ipinalit niyang word. Tawa naman kami ng tawa.
Tiningnan ko si Sir Devin. Halos mawala na ang mata niya sa kakangiti. Gwapo niya.
Huh? Pinagsasabi ko? Umiling ako at tumingin sa desk ko.
Nang humupa na ang tawanan, ipinaliwanag na ni Sir ang gagawin. Monologo. Ipeperform namin sa harapan. Nang malaman ko ang ibig sabihin niyon, nanlaki ang mga mata ko. No way! Hala! Ayoko! Nakakahiyaaaaaa!
"Oh! Nakabusangot na agad si Sheena!" Si Sir Devin. Ganiyan siya. Lagi niya akong napapansin. Kainis. Habang nagpapaliwanag siya, nakabusangot na talaga ang mukha at salubong ang kilay. Ayaw ko kasi noon. Aacting kami ng magisa sa harapan. Tapos kakabisaduhin pa.
Ganito iyon, magiging Isa kaming character sa NMT, at gagawa kami ng lines namin, at iyon ang aactingin at idedeliver namin sa araw ng pagtatanghal. Tsk!
Okay lang naman sa akin magreport nalang. Kesa ganito. Mas lalo akong naiinis sakaniya. Ang dami dami niyang pakulo!
"Heto!" Napatingin kami sa jar glass na hawak niya. "Bubunot kayo ng isang papel. Bawat isang papel, naglalaman ng isang pangalan ng karakter sa Noli. At siya ang magiging karakter ninyo sa monologo. "
Punyeta. Heto na nga bang sinasabi ko. Hmm... Sino bang pwede? Sana si Maria Clara nalang akin. Hindi ako sanay um-acting eh. Si Maria Clara, mahinhin. Kaya oks na.
Nag bunutan na kami. Ang laki pa ng ngiti niya nang tumapat siya sakin. Inirapan ko naman siya. Actually, magkakilala na kami bago pa siya magturo dito. Bago lang kasi siya dito at fresh graduate lang. Churchmate ko siya. At kilala na niya ako, masungit talaga ako. At kilala ko din siya, makulit.
"Yey!" mahina kong sabi. Ako si Maria Clara. Napatingin naman siya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Nakabunot na ang lahat. May nangingiti tulad ko, may napapakunot ang noo, may natatawa. Andami. Napangiti ako lalo. Competitive kami kaya makakaya namin to.
"Ngayong nakabunot na ang lahat, magkakaroon ng twist. Sinabi niyo nga na si Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay ang magkasintahang pinagtagpo ngunit di itinadhana," Putangina ayan na naman siya.
"Tumayo ang lahat ng nakakuha ng Crisostomo at Maria Clara." Nagsitayuan naman kami. Nagtataka ang iba habang akoy naka poker face lang. Ano na naman tong pakulong to?
Napatingin si Sir Devin sakin at nagsalubong ang kilay. Pero nang makita niyang nakatingin din ako, nagiwas siya ng tingin, pero maya maya ay nangingiti na ulit.
"Magpapares kayo." Nanlaki ang mata ko. That would be so awkward! Baka imbes na magdrama ako sa harap, matawa lang ako! Punyeta naman! To talagang lalaking to!
Tumingin ako sa paligid. Si Sir din ang nagpapares. Pero nagprotesta muli ang kalooban ko nang makitang ako nalang ang walang kapares! Tinitingnan na nila ako. Tumikhim ako. "Sir, okay lang sakin magisa." ngumiti pa ako ng pilit. Pero umiling iling siya. Kainis! Ayaw ko ng may partner!
"Ako nalang ang makakapares mo. Galingan mo ah. Nako! Ayaw ko sa pangit gumanap!" pangaasar niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin habang nagtatawanan naman ang mga kaklase ko. "Naku Sir!" Si Jamaica. Mabait din yan. Math wizard namin yan. "Magaling yan si Sheena. Siyang yung bumida sa 'Sorry, Wrong Number' namin sa English. Magaling po yan!"
Punyeta Tama na! Nakakainis naman! Ang awkward naman nun! Kainis! Siya makakalartner ko? Wtf.
Naalala ko iyong play namin sa English. Actually, hindi naman play. Boses lang namin ang uma-acting. Ako ang bumida na pinatay. Wala. Ewan. Nagalingan sila sakin. Ewan ko diyan sa mga iyan.
"Ganoon naman pala. Magkakasundo tayo." nangingiti niya pang sabi. Pinaningkitan ko nalang siya dahil wala naman na akong magagawa. Hay, buhay.
"Sir ano pa pong gagawin natin? Marami pa pong oras." Si Jelo. Tibo yan. Napatingin ako sa orasan namin sa ibabaw ng board. Halos forty minutes pa. Bigla naman siyang pumunta sa teacher's desk. Sinuot niya sa ibabaw ng long sleeve polo niya ang coat. Mukha na siyang businessman. Tapos sinuot din niya yung hat. Anong trip yan? Bumalik siya sa gitna. "Sasampolan ko kayo." Nagngitian naman ang mga kaklase ko. Excited ah.
Alam ko ang background niya. Minsan siyang nagsspeaker sa buwanang pulong namin sa church. Sinabi niyang sumasali siya sa mga acting club noong nigh school at college siya. Kaya alam kong magaling siya. "Sino ka po?" tanong ni Maria, ngiting ngiti. Nangasim na naman mukha ko.
"Crisostomo Ibarra. Na nagmula sa Europa at nagbalik sa bayang sinilangan upang tuklasin ang misteryo ng pagkamatay ng kaniyang ama." Nagtawanan naman kami sa 'pagkatalinhaga' ni Jeff. Siya ang class clown. Mataba siya at maputi. Pero gentleman yan.
"Hindi, Hindi." Nagtaka naman kami. "Ako, si Jose Rizal."
Ewan ko ba, pero napangiti ako. A genuine one.
Nagsimula siyang magmonologue. Pinaghandaan niya. In-acting niya ang part na babarilin si Rizal sa Bagumbayan. Nag-soanish pa siya sa dulo. Pagtapos ay tumalikod siya saming lahat. Sumigaw si Jeff ng 'Fuego!'. At doon na natapos ang performance niya. Well. I've got to give it to him. Magaling siya.
"Grabe. Ang gwapo niya um-acting."
Huh? May ganun ba? "May saltik ka na Ria." Sabi ko. Pinaikli ko nalang pangalan niya.
YOU ARE READING
Young Love
Teen FictionDoes a young love last until you've grown up? Does a forbidden love can be accepted?