"Sige pupuntahan ko si Kuya Devin. May project kami sa school." Sabi ko sa kaibigan kong si Maine. Churchmate ko siya. Kakatapos lang naming magsamba. Kaunti nalang ang narito. Nagpunta ako sa upper parking lot para doon hintayin si Sir Devin. Kuya ang tawag ko sakaniya sa labas. Seven years ang agwat namin eh. Medyo matagal pa siya dahil kabilang siya sa mangaawit. Magbibihis pa iyon at mageensayo tapos pulong. Siguro nagpupulong na sila.Umupo ako sa isang nakausling semento at hinilig ko ang ulo sa tuhod ko. Wala naman akong cellphone. Tiningnan ko ang relo ko. Alas nuwebe na ng gabi. Pinapayagan ako nina Mama na magtagal sa labas. Basta sinasabi ko lang ang totoo. Well.
Nagulat ako nang tumunog ang kotse sa tabi ko. Shiny black iyon at tipikal na kotse. Gusto ko ng ganun.
"Eto pala. Ang layo naman." Napatingin ako sa papalapot na nagsalita. Si Sir! Agad akong napatayo. May kotse pala siya? Pinagpag ko ang suot kong white long sleeve dress. Plain lang iyon dahil madalas plain talaga ang gusto ko.
Mukha naman siyang nagulat nang makita ako. Nakasuot siya ng itim na polo at slacks. Ganoon talaga ang dapat na suot kapg sumasamba. Dala din niya sa kaliwang kmay ang may kalakihang thin bag. Doon nilalalagay ang uniform ng mangaawit. "Alam mong kotse ko to?" tanong niya. Suminghap ako bago umiling. "Dito talaga ako tumatambay." Lumapit siya dahil nasa tabi ko ang pinto. Wala sa sariling napaatras ako. Nang suminghap ako ay naamoy ko siya. Puta.
Mukha namang hindi niya napansin iyon. Sinarado niya ang pinto at namewang. "Dito na tayo. Mahangin naman dito. Presko." aniya. Dito namin napagkasunduan na magbrainstorming para sa project niya. Namin pala. Akin pala. Ewan!
Naupo kami sa inupuan ko kanina. Nasa magkabilang dulo kami. "Gusto ko magcreate ng scene sa time na maghihiwalay sila. Or scene about sa pagko-convince ni Maria Clara kay Crisostomo na huwag ng lumaban sa simbahan at gobyerno. What do you think?"
Tiningnan ko siya. Walang focus ang tingin niya. Tulala ba ito? Nilagay ko sa harap niya ang kamay ko at ginalaw galaw. Tsk. Tulala nga. "Sir!" bulyaw ko dito. Agad naman siyang napatuwid ng upo. Ako naman ay napailing. "Ha?" tanong niya pa.
"Okay lang po sakin kahit anong scene. Kayo nalang po magisip." Sabi ko. Nakatingin sa langit. "Sheena. Nagugutom ako." napabaling ako sakaniya. Ano ba yan. Dapat sinabi niya para next time nalang kami magusap. Tumayo ako at maayos isinukbit ang itim kong shoulder bag. Nagpagpag ako tsaka tumingin sakaniya. "Sige po. Next time nalang po tayo mag-usap ulit."
Akmang aalis na ako nang tawagin niya ako. "Tara. Treat ko."
Nasa Jollibee na kami. Ilang minuto din niya akong pinilit kanina bago pumayag. Sumakay kami sa kotse niya papunta dito. Malamig pala. Malamig din dito sa fast food resto. Spaghetti at fries lang ang in-order ko para mura. Nahiya naman ako sakaniya.
Nang matapos kaming kumain, nagstay pa kami. Napagusapan nga namin na gawin ang scene na kunwaring after ng asotea scene. Kung saan pipigilan ni Maria Clara si Crisostomo kung ano mang binabalak nito. Sa school na kami gagawa ng script.
"Tara. Baka hinahanap ka na sainyo." aniya. Malapit lang ang amin dito. Tatawid lang gamit ang overpass at lalakad hanggang looban. Tumingin ako sakaniya. "Okay lang po. Malapit na ang amin dito." Tumungo ako at akmang aalis na. Nang pagtalikod ko'y hinawakan niya ang pulsuhan ko.
"No. I insist." Napatingin ako sa pulso kong hawak niya. Hi di iyon maluwag at hindi rin mahigpit. Tama lang. Tumingin ako sa mga mata niya at bahagyang tumango.
|•|•|•|•|
"Patawad, Mahal ko. Ngunit kailangan ko itong gawin." bahagyang pinisil ni Sir Devin ang kamay ko. My heart skipped abeat. I looked at him, longingly. Tsaka siya naglakad palabas ng room. Napsalampak naman ako ng upo sa sahig, at binanggit ang huling linya ko. "Mahal ko, hangad ko ang iyong tagumpay at kapayapaan."
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko kaya naman tumayo na ako at kabadong napangiti. Bumalik si Sir at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya sakin. Oo nga pala. Sabay kaming yumuko.
Kami ang huling nagtanghal ng monologo. "Ang galing! Parang totoo!" sigaw ni Jeff. Namula naman ako sa hiya. Marahas kong binawi ang kamay ko sa hawak ni Sir. Tinaasan ko lang ng kilay si Jeff. "Oh sige. Magsiupo muna ang lahat at may sasabihin ako." ani Sir.
Sa unahan na ako naupo, since inilabas na ang mga upuan. Kalahati samin ay nakacostume. Kalahati naman ay nakauniporme dahil kahapon sila nagtanghal. Kaming nakaupo sa sahig ay napatingala kay Sir habang nakatingin siya sa relo niya."Binabati ko kayo sa inyong magaling na pagtatanghal. Alam kong pinaghandaan ninyo itong mabuti. Kaya naman, lahat ay makatatanggap ng mataas na marka para sa proyektong ito." Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Nakipag-apir pa ako kina Jelo at Ria. "Hala sige. Mag ayos na ang mga magaayos. Ang mga hindi, ibalik na ang upuan."
Mabilis akong nagbihis at bumalik agad. Pagbalik ko ay wala na si Sir at naguuwian na. Huling subject kasi namin si Sir. Madilim narin sa labas. Sasamba pa pala ako.
"Bye! Ingat!" paalam ko kina Kaye at Emily. Silang dalawa ang pinakaclose ko. Iba kasi ang sakayan namin. Wala pading dumadaan na pa-Litex, kung saan ako umuuwi. Umoonti na ang estudyante.
Nakaupo ako sa sahig ng waiting shed nang may pumaradang pamilyar na itim na sasakyan sa unahan ko. Si Sir ba 'to?
Hindi nga ako nagkamali. Bumaba ang salamin at nakita ko nga siya sa driver's seat. Naka uniform na siya. Kanina kasi ay nakabarong siya. "Tara. Sabay na tayo."
Agad akong umiling. " Wag na. Sasamba pa ko eh."
"Ako din. Tara na." Binuksan niya ang pinto ng passengers seat." Napabuntong-hininga pa ako bago sumakay. Tumingin muna ako sa paligid. Nakita ko si Ma'am Katelyn na salubong ang kilay na nakatingin sakin. Bahagya lang akong tumango at sumakay na.
"Sasamba ka?" tanong ko. Tumango naman siya. "Wala kang tupad?"
Napakamot siya sa batok at alangang ngumiti. "Late na ako sa pulong, eh" tsk. Well, he knows the consequences of that. Ang careless.
YOU ARE READING
Young Love
Novela JuvenilDoes a young love last until you've grown up? Does a forbidden love can be accepted?