"Tara Ria. Sasabay ako kay Darren magrecess." Hinatak ko ang kamay ni Ria. "Ay girl iba na yan. Nililigawan ka niya?"
Napatawa naman ako sakaniya. "Dumi naman ng isip mo. Inaya niya lang ako, nililigawan na agad? Tsk. Tara na nga kase. Malay mo, ilibre ka din." panguuto ko pa sakaniya. Napapayag ko naman siya. Naiilang kasi ako kay Darren. Nang mga nakaraan, medyo napapadalas ang paglalandas namin. Napapansin kong medyo touchy siya. Kaya minabuti kong isama ngayon si Ria. Nang nasa canteen na kami, inilibre niya rin si Ria ng pagkain. Ang malandi, nagpacute pa kay Darren. Ayan tuloy, sakaniya naging touchy si Darren. Madalas kasi siyang humawak sa bewang. I don't know if it's an act of being a gentleman or what. Pero ayaw kong isiping may masamang dahilan iyon.
"Girls pwede pasama?" Maaga kaming natapos kumain at halos may fifteen minutes pa before matapos ang break kaya pumayag kaming sumama sakaniya. Only to regret it.
Sa Admin building kami pumunta. Kung saan naroon ang mga faculty and Department offices. And one more thing, si Sir Devin pala ang nagtawag sakaniya. Per cubicle lang ang mga teacher. Wala silang sariling room kaya naman nagsilingunan sila samin nang kumatok si Darren. Kumabog ang dibdib ko nang matanaw ko si Sir.
Is it just me or ...
Nakangiti siya nang makita kami. Pero mang dumapo sakin ang tingin niya, nabura iyon at napalitan ng pagtataka. Ipinilig ko ang ulo ko. Wala iyon.
May kinuha muna siyang mga papel bago tumayo at lumapit samin.
Nagbilin siya kay Darren at kay Ria na hindi siya makaka-attend ng klase dahil maghahalf day siya. Is it just me ulit or, hindi niya talaga ako pinapansin. "Okay po Sir. Tara na Sheena." si Darren. Bahagya niyang hinawakan ang likod ko at iginiya niya ako paalis doon. "Hay nako, oo, Ria, tara na." sarcastic na sabi ni Ria. Bahagya naman kaming natawa ni Darren sakaniya. Nasa hagdan na kami nang lingunin ko si Sir. Nakatalikod na siya sa amin at pabalik na siguro sa desk niya. I sighed.
"Oo nga pala. Naalala ko." napatingin kami kay Darren nang magsalita siya, pabalik na kami sa mga room namin. "Nagtext pala sakin si Sir Agamata. Medyo matagal na. Simula noong naging medyo close tayo." tumingin siya sakin. Nangunot naman ang noo ko. "Tungkol saan?" tanong ni Ria. "Wala naman. Akala siguro ni Sir, nililigawan kita. Sabi nya pa, masyado ka daw sensitive pagdating sa ganoong bagay kaya wag daw kitang mamadaliin kung sakali man na nililigawan nga kita. Pero sinabi ko namang hindi kita nililigawan. Sa dulo, sabi niyang mas mabuti kung layuan kita. " Natawa sila ni Ria. Pero hindi ako. "Kinabukasan, nagsorry siya. Lasing daw siya noon. Wag ko na daw intindihin pinagsasabi niya." bahagya siyang natawa. "Nagulat talaga ko"
Hanggang sa maguwian, iniisip ko iyon. Lasing daw siya noon. Kaya siguro naman, wala lang iyon.
Tama. Wala lang iyon. I sighed. Bakit parang iba yata ang gusto ko?

YOU ARE READING
Young Love
Teen FictionDoes a young love last until you've grown up? Does a forbidden love can be accepted?