Birthday

3 0 0
                                    

March.

Ika bente ang birthday ko. Pero nagkasakit ako. Nakaratay ako sa kama maghapon at lamig na lamig kahit summer. Lunes kaya nasasayangan ako. Hindi kami naghahanda.

Pagkabiyernes, nakapasok na ako. Actually, huling araw na ng pasok. Summer vacation na. Walang teacher na pumapasok na sa room. Hinahayaan kaming magliwaliw sa buong campus. Kaya naman, nagsayahan at nagkantahan kami buong araw. Bukas ang birthday ni Ria.

Kaya nagulat ako nang palapit na ang uwian, may dumating na cake. "Happy birthday, Sheena and Ria!" sabay sabay na bati ng mga kaklase namin. Naiiyak ako habang kinakantahan nila kami. Sila ang pinakanaging kaibigan ko sa tatlong taon ko sa highschool. Walang tapon sakanila. Gusto kong isiping hanggang magkolehiyo, magkakasama kami. Pero imposible. Dahil nung nakaraang mga araw, sinabihan na ako ni Mama na kumuha ng transcript ng record. Dahil lilipat na kami. Magta-transfer nadin ako ng school.

"Thank you sainyong lahat! Mahal na mahal ko kayo. Hinding hindi ko kayo malilimutan." Umiiyak na talaga si Ria. Ako naman, pinigilan ko ang luha ko. Ako naman ang pinagsalita nila. "Maraming salamat. Masaya akong nagkaroon ako ng mga kaibigan katulad ninyo. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Magta-transfer na kasi ako..." Humina ang boses ko sa mga huling salita ko. Nang makita ko ang ekspresyon ng mga mukha nila, ang iba'y nakatulo na ang luha. Kaya hindi ko narin napigilan, tuluyan ng tumulo ang luha ko. Nagsilapitan sila sakin at nagiyakan kami. Tahimik naman ang iba. Pero kahit ganoon, alam kong malungkot din sila. Pati ang mga lalaki.

"Tama na nga yan." Si Ron. Ang pinakamalaking lalaki samin. Lumapit siya sakin at may ipinunas sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang icing iyon ng cake! Kaya naman nagtuloy-tuloy na. Kabikabilang punasan na ang nangyari.

Hanggang sa oras na ng uwian. Sarado na ang mga CR kaya napadpad kami sa tabi ng Admin building. Pero bago pa kami makaabot doon, naglabasan na ang ilang teacher. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ko siya. Nakikipagtawanan siya sa mga guro nang mapalinga siya sa direksiyon ko. Naghuhugas ang mga kaibigan ko kaya ako lang ang natulos doon at nakatingin sakaniya. Ngumiti siya sakin na lalong nagpakabog ng dibdib ko.

Hanggang sa lumapit siya sa akin. "Hi Sheena! Belated happy birthday!" nakangiti niyang pagbati. Mas lalo akong nainis na nagkasakit ako noong birthday ko.

Nalulungkot din ako na hindi ko mawari. Alam kong hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita kami dahil magkikita pa naman kami sa Church. Pero parang sobrang kinakabahan ako. Feeling ko ito na ang huli naming pagkikita.

Pero wala akong nagawa. Tumango lang ako at ngumiti sakaniya. Hinaplos niya ang pisngi ko. Hala! Puno pa pala ng icing ang mukha ko! Napayuko ako. Pero nagulat ako sa ginawa niya. Ang daliring niyang may icing galing sa mukha ko, isinubo niya!

Agad akong napatingin sa paligid. Pero mukha namang walang nakapansin sa ginagawa niya. "Happy vacation, Sheena. I wish you all the best." malumanay niyang sabi. He patted my head and strode away. Paalis siya ng school. Salubong ang kilay ko sa di malamang dahilan. Pinilit kong ngumiti nang makita ako ng mga kaibigan ko. Pabalik na kami sa klase nang mapagpasyahan kong sumilip sa labas. Nasa labas pa si Sir ng sasakyan niya!

Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Kailangang may gawin ako. Kailangan kong gawin, kung hindi, matagal na panahon ko itong dadalhin sa dibdib ko. Kailangan kong sabihing, gusto ko siya.

Akmang tatawagin ko siya nang may lumapit sakaniyang babae. Mukha silang magkaedad. Nakangiti silang nagyakap. Hinalikan pa ni Sir ang noo ng babae.

Bumagsak ang balikat ko sa nakita. Hay. Siguro naman, makakalimutan ko din siya noh? Siguro naman. Kasi bata pa naman ako. Marami pa akong mapagdadaanan at makikilala. Siguro naman.

Muli akong tumingin sa direksiyon nila. Sumasakay na ang babae sa passenger seat at ginagabayan siya ni Sir.

I sighed as I walked away.

Young LoveWhere stories live. Discover now