Avoiding

2 0 0
                                    

My long hair cascaded until my waist. Hinawi ko ito. Tumayo ako at pinagpag ang chequered blue na palda na hanggang sa tuhod ko. Tinanggal ko ang blue necktie ko. It's my uniform. Maraming pang mga estudyante ang nasa tapat ng school. May mga tumatambay at naglalakad na pauwi. Madilim na.

Inayos ko ang mga drafts ng mga kamiyembro ko sa Journ Club at sinikop ko sa kamay ko. Tsaka ako naglakad papunta sa sakayan. May nakita pa akong pamilyang nasa photocopy shop. Napaisip ako. I have a complete family. But not a happy one. I have two sisters, three brothers. May mga pamangkin. Hindi sila lahat sa bahay dahil hindi kami magkakasya. Pero malapit lang din ang bahay nila samin. My Mama. And my Papa. Papa brought his two son from his mistress in our house. Ayos lang iyon kay Mama dahil mahilig talaga siya sa bata. I think. But their relationship is already tainted. We have a house. But we don't have a home. I sighed, and continued walking.

"Sheena!" Napalingon ako sa dulo ng mga shops nang marinig ko ang pagtawag na iyon. Si Darren! Club leader siya at nakilala ko sa club meeting ng mga leaders. Mabait siya at masiyahin. Kakaway na sana ako nang may bumusinang sasakyan sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Sir Devin iyon!

Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Nung nakaraang mga uwian, gusto niya akong isabay, pero nagkunwari akong di ko siya nakikita at kunwari nagbabasa. Sa room, di ko siya tinitingnan. Di ko rin siya pinapansin sa Church. Hanggat maaari, gusto kong mauunang umalis.

Gusto ko siya. At para sakaniya kaya ako umiiwas. Para sakaniya ito.

"Sheena!"

Oh, thank god. "Hi Darren!" bati ko dito. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya. "Akin na." Kinuha niya sakin ang mga papel na dala ko. Nakangiti ko namang ibinigay iyon. "Kakalabas mo lang ba?" tanong niya. Pasimple akong tumingin sa gilid. Nakasara na ang bintana pero hindi padin unaalis ang sasakyan. "Ah, hindi naman. Kanina pa ako nakalabas. Inayos ko lang diyan sa waiting shed yang mga papel." nakangiti kong turan sakaniya. "Ganoon ba. Buti pa yung club niyo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit? Ano meron?"

"Kasi yung club niyo, may ginagawa. Kahit walang event, may tinatrabaho kayo. Kami, kapag may event lang may silbi." kumamot pa siya sa batok niya. He smiled wryly. Moreno si Darren. Maraming nagkakagusto sakaniya. Para kasi siyang si Michael Salvador. Si Michael ay dating Student Council President na matagal ng gumraduate. Parehas silang may good boy aura at maliwanag ngumiti. Ewan ko ba bakit ako napapalibutan ng mga masasayahing tao.

"Ano ka ba. Ako nga naiinggit sayo. Kung kaya ko lang yang ginagawa nito, diyan na ako sumali."

Galing kasi siya ng music club. Kailangan bukod sa may talent sa pagkanta eh, kailangang may kaya ring tugtugin na instrument. Marunong naman ako kumanta. Pero di ko kayang tumugtog ng musical instrument.

Sabay na kaming sumakay ng trike. Nauna siyang bumaba sakin. Pagkauwi ko ay agad na akong kumain, nagbihis at naggawa ng mga assignment.

Bigla kong naalala si Sir. Ano kayang iniisip niya? Nagtataka kaya siya.

Ano bang iniisip mo, Shiela? Ganoon ka ba kaimportante para mapansin niya ang pagiwas mo? Hmm.

Young LoveWhere stories live. Discover now