acting as a doctor for their play, dashiel was given a laboratory gown, a stethoscope, and a clipboard. izara (you), the props maker, took charge in that feature & purposely wrote her phone number on the clipboard.
-
this hwang hyunjin one shot (soc...
"Tangina niyo," Agad mong minura yung dalawa mong kaibigan na kasama mo ngayon sa backstage, na nandito lang yata para bwisitin ka imbis na tulungan ka sa mga lines mo mamaya. "Mapagkamalan pa akong babaero ng mga tao dahil sa pinagsasasabi niyo."
Isang nakakalokong ngiti ang binigay sa'yo ni Wade, tuwang-tuwa sa itsura mong nakabusangot. Tumingin muna siya sa katabi niyang si Rai, bago ka sinagot ng, "Hindi ba?"
At sa sinabi niyang 'yon, nagsitawanan na naman silang dalawa, kaya agad ka ring tumayo sa upuan mo, aambahan sana silang sapakin sa mga likuran nila.
Kaso, bago mo pa magawa 'yon sa mga kumag na nanggugulo sa'yo, biglang may babaeng dumating sa harapan ninyong tatlo, nakatayo at may bitbit sa magkabilang kamay.
"Excuse me," Napa-angat kayong lahat ng tingin sa kanya, at mahahalata mong nahihiya 'to sa inyo dahil agad siyang lumingon sa gilid nito.
"Eto na nga pala yung susuotin mo mamaya." Bigla niyang inabot sa'yo ang isang laboratory gown, stethoscope, at isang clipboard, na agad mo ring kinuha mula sa kanya.
Nilagay mo yung mga gamit na 'to sa balikat mo maliban dun sa clipboard, bago mo siya nagawang ngitian at pasalamatan. "Salamat."
Mabilisan din siyang tumalikod at halos tumakbo na papunta sa mga iba niya pang kasama na nag-aayos para sa event mamaya, na ikinataka mo naman kung bakit.
"Gago," Napansin mong nakatayo na pala ang dalawa mong tropa at tinititigan yung clipboard na hawak mo, na naging dahilan din ng pagkunot ng kilay mo, mas lalong nagtataka sa kung ano ang nangyayari. "Ano 'tong nakasulat pre?" Hinablot ni Wade ang hawak-hawak mo mula sa'yo, tsaka biglang naghihihiyaw nung nalaman niya na kung ano pala ang nakalagay.
"Tangina matinik ka talaga!"
-
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.