30.

38 1 0
                                    

*·˚ Dashiel.

"Gusto kita," Huminga ka ng malalim bago mo nagawang magpatuloy. Sa wakas, nagawa mo na ring sabihin sa kanya ng harap-harapan. Sa wakas, nagawa mo ring ilabas ang totoo mong nararamdaman. "Higit pa sa kaibigan."

Naging tahimik lang siya sa sinabi mong 'yon, kaya kinuha mo na lang 'to bilang oras pa para makapagpaliwanag pa sa kanya.

"Sa isang buwan na halos araw-araw tayo magkausap at magkasama, bigla ko na lang nalaman sa sarili kong araw-araw na rin kitang hinahanap."

"Hindi ako masaya kapag hindi kita nakakausap. Nalulungkot ako kapag hindi kita nakikita."

"At tuwing nandyan ka na sa tabi ko, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Parang gusto na lang kita ikulong sakin."

"Tapos parang ayaw na kita pakawalan pa."

Kung tutuusin, sobrang dali lang naman niya magustuhan.

You like everything about her.

Simula sa kakalatan, sa kacutean, sa kahit saan pa man 'yan.

You like her.

Bahagya kang yumuko at umiwas ng tingin sa kanya, tsaka ka lang nagsalita muli. "Hindi ko inakalang gugustuhin kong maging seryoso ulit pagdating sa ganitong bagay."

And if you were given the chance to show her how much you adore her, alam mo sa sarili mong mamahalin mo na rin siya along the way.

Naghintay ka ng sagot.

Pero imbis na makakuha ka ng isang maayos na salita mula sa kanya, isang tawa ang kumawala mula sa bibig niya, na halos ito lang rin ang tunog na pumuno sa buong lugar na kung nasaan kayo ngayon. "Alam mo."

"Nakakatawa ka."

Nakangiti lang siya sa harapan mo, at hindi mo alam kung dapat ka bang matuwa o kabahan sa nangyayari ngayon.

"Hindi ako nagbibiro, baliw." Sumimangot ka dahil iniisip niyang nakikipaglokohan ka lang sa kanya pagkatapos mong aminin ang nararamdaman mo para sa kanya. "Seryoso ako sa mga sinabi ko."

Doon, nagulat ka na lang dahil biglang nagbago ang tono ng pakikipag-usap niya sa'yo. "Ako rin naman ah?"

"Ang tanga mo, sa totoo lang." Nanlamig agad ang pakikitungo niya sa'yo, kung saan pati ang mga mata niya ay halos nanlilisik na sa buong pagkatao mo. May ginawa ka bang masama? May nasabi ka bang hindi kaaya-aya? "Hindi ko maisip kung paano ka nagustuhan ng kapatid ko."

"Kapatid?"

At sa pagkarinig na pagkarinig mo sa isinagot niya, parang ginusto mo na lang maglaho.

Parang gusto mong tanungin yung sarili mo kung nananaginip ka ba.

"Si Kairi," She breathes out. "Yung ex mo."

false hope.Where stories live. Discover now