31.

41 2 6
                                    

Trigger Warning: Mentions of Suicide, Family Problems, and Bullying.
*·˚ Dashiel.

"I am her half sister." Sobrang kalmado lang niya habang sinasagot ang tanong mo, pero ramdam na ramdam mo sa kanya ang galit na matagal na pala niyang tinatago sa'yo. "Shocking, isn't?"

"Kahit na hindi in good terms pamilya namin, tinuring naming kapatid ang isa't isa."

Kung ganito pala ang sitwasyon...

"Hindi ko naiintindihan."

Sana naman hindi. Sana naman mali lang ang naiisip mo.

Kaya ka ba niyang saktan?

Kaya ka ba niyang lokohin at paikutin?

"Saang banda ang hindi mo maintindihan?" Ito na ang pangalawang beses niya para matawa sa mga nagiging sagutan mo.

It was your first time seeing her like this.

Parang hindi siya yung babaeng nakilala mo noon.

Ibang-iba.

She lifted her chin up and stared down at you. "Hindi mo pa ba tanggap yung katotohanan na kaya lang kita kinausap kasi gusto kong makabawi sa'yo?"

"Hindi mo pa rin ba maintindihan kung bakit ko nilagay yung number ko sa clipboard na ginamit mo noong play?"

Nung una mo siyang nakita, sobrang mahiyain niya, sobrang mahinhin.

Pero yung nakikita mo ngayon?

Kabaliktaran.

"You're the sole reason why she committed suicide, Dash."

"Kahit ilang beses ka pa ipagtanggol ng mga tao," Tumaas na yung tono ng pananalita niya sa'yo, at alam mo rin sa sarili mong sinasadya niya 'yon para makonsensya ka, para buksan muli yung ala-alang matagal mo nang sinusubukan takbuhan. "Alam mo sa sarili mong ikaw ang may gawa."

"Nung umpisa pa lang!" Her breath hitched as she lost her temper, pointing a finger at you. "Nung umpisa pa lang sinabi niya na sa'yo!"

"Sinabi niya sa'yo na gusto na lang niyang mawala dahil araw-araw niyang nakikita yung nanay niya na nagwawala, umiinom, at sinasaktan ang sarili dahil nalaman niyang may ibang pamilya pala yung tatay niya."

"Sinabi niya rin sayo na araw-araw siyang ginagago ng mga kasama niya sa university. Pinagtutulungan daw siya ng mga babae doon dahil ano raw ba ang ginawa niyang milagro para ikaw ang maging kasintahan niya."

"She gets sad at home every time, gets bullied and cyberbullied by girls whenever she's at the campus, and you," Nakita mo ang nagbabadyang mga luha na gustong lumabas sa mga mata niya, pero mabilisan niyang pinunasan 'to bago pa tumulo at mahulog sa mga pisngi niya. "Only you were the person she considered as her safe haven."

"Pero anong ginagawa mo?"

"Sinuportahan mo ba siya sa mga problema niya sa bahay? Tinulungan mo ba siya sa mga umaaway sa kanya? Ipinagtanggol mo ba bilang boyfriend niya?"

"Hindi."

"Alam mo kung anong ginawa mo?" She mocked you, her words almost coming out as poison. "Iniwan mo."

"Napagod ka sa kanya, kaya ayon, napagod din siya sa sarili niya."

false hope.Where stories live. Discover now