29.

37 2 1
                                    

*·˚ Dashiel.

Ang bilis ng oras.

Parang kanina lang ay nagdridrive ka papunta sa mall, pero ngayon pabalik na kayo ulit sa parking.

Kanina lang ay bumili kayo ng movie ticket para manood, pero ngayon naglalakad na kayong dalawa ng tahimik at halatang pagod na pareho.

Lumubog na yung araw, umangat na yung buwan, pero yung dapat na sasabihin mo ay nanatili pa ring ikaw lang ang nakakaalam.

Ang tagal mo nang hinintay yung pagkakataon na 'to.

Ang tagal mo nang tinatago sa sarili mo yung totoo.

Akala mo nakuha mo na yung lahat ng lakas na kaya mong ipunin, kaso sobrang hirap lang talaga kung lahat ng bagay ay naiisipan mo ng masama.

Paano kung pagsisihan mo pala 'to?

Paano kung hindi naman pala magkasundo ang nararamdaman niyo para sa isa't isa?

Bigla kang huminto sa paglalakad, kung saan naisipan mong tawagin ang pangalan niya. "Iza."

Kaya mo ba?

Aatras ka ba?

"Hm?" Agad naman siyang lumingon at tumalikod para tignan ka, tsaka naisipan ding ibaba ang cellphone niyang hawak para ibigay ang buong atensyon niya sa'yo.

At nung nakita niyang hindi ka na pala gumalaw sa pwesto mo, mabilisan siyang napabalik ng ilang hakbang papunta sa'yo, bago ka tinignan na para bang naguguluhan siya sa inaasta mo.

Sasabihin mo na ba?

Ipapaalam mo na ba?

Itatago mo pa ba?

Bahala na.

"Gusto kita."

false hope.Where stories live. Discover now