32.

36 2 0
                                    

*·˚ Dashiel.

"Kinamumuhian kita, Dash."

Buong akala mo masaya kayong dalawa, buong akala mo kampante na kayo sa isa't isa.

Nakakatawa lang isipin na lahat ng mga pinakita niya sa loob ng isang buwan ay peke lang pala.

Isang malaking sampal 'yon sa'yo.

"Nung nalaman ko ang nangyari, sinabi ko agad sa sarili ko na babawian kita sa kahit anong paraan na pwede." Nanghihina na siya sa kakaiyak— at kahit gaano mo pa kagusto siyang yakapin at patahanin, alam mong wala siyang idudulot na maganda. "And this was it, this was my plan."

"I wanted to make you catch feelings for me, and leave you hanging in the end."

-

"I just didn't expect that it would be this easy."

Katahimikan.

Hindi mo man lang magawang ipagtanggol ang sarili mo. Ni-hindi mo man lang magawang buksan ang bibig mo. Kasi kahit saang anggulo ka pa tumingin, ikaw lang naman talaga ang dapat masaktan at sisihin sa lahat.

"Lahat ba ng pinakita mo sakin, hindi 'yon totoo?" Hindi mo alam kung saan mo nakuha ang lakas ng loob para sabihin 'yon.

"Sa buong panahon ba na magkasama tayo, hindi mo man lang ako nagustuhan?"

"Kahit katiting?" Nararamdaman mo na rin ang pag-init ng mga mata mo, pero hindi mo na lang 'to pinansin. Nanatili ka lang na nakatitig sa mukha niyang halatang nagulat sa tanong mo. "Kahit simpleng posibilidad?"

"Kahit baka sakali lang?"

Bakit?

Bakit hindi niya magawang tumingin sa'yo?

"Sagutin mo ako." Rinig na rinig na ang umaalingawngaw na desperayon sa boses mo. Doon, hindi mo namalayang kinuha mo pala ang kamay niya at nilapit 'to sa'yo.

Agad naman siyang napasigaw sa ginawa mo, at mas lalo lang lumala ang nag-uumapaw na galit nito sa'yo. "Bitawan mo ako!"

"Izara," Sinubukan mo ulit siyang lapitan, pero sinugurado niya na sa sarili niya na aatras siya papalayo sa'yo. "Please."

"Just please answer my question."

"H-Hindi kita nagustuhan." Isang hikbi ang lumabas mula sa bibig niya, kung saan kapansin-pansin yung labi niyang nanginginig na. "Ginago lang kita at yun lang 'yon."

Dahan-dahan.

Dahan-dahan siyang umalis.

Dahan-dahan.

Dahan-dahan mong naramdaman ang pagkirot ng puso mo.

Sobrang labo na ng paningin mo, pero nanatili ka pa ring umaasa na baka lumingon siya sa'yo at bawiin lahat ng sinabi niya.

Sobrang gulo na ng nararamdaman mo, pero tatanggapin mo pa rin siya kung baka sakaling sabihin niyang may nararamdaman pala siya para sa'yo.

Umigting ang panga mo habang tinititigan mo siyang maglaho. Katawa-tawa.

Hindi mo inasahan na dahil lang sa isang clipboard, babalik na naman lahat ng sakit na naramdaman mo noon.

false hope.Where stories live. Discover now