CHAPTER 10

15.2K 585 193
                                    

CHAPTER 10

Did she just say na wala siyang boyfriend? Anong tawag sa akin?Napapikit ako nang mariin. Manliligaw pa nga lang pala ako, pero sinabi ko ng akin siya. Kaya dapat sinabi niya rin iyon sa lalaking nagtanong sa kanya.

"Uy! Bakit ako pinapatawag?" tanong niya sa akin habang sumasabay sa aking lakad.

Mabilis ang mga lakad ko kaya para siyang tumatakbo. Malalaki ang ginawa niyang hakbang kaya hinihingal siya. Nakita ko ang bahagya niyang pagnguso kaya napaiwas ako ng tingin.

"Bakit nga?" she asked again.

Hindi ko siya sinagot. Binaliwala ko ang pagtatanong niya na palang wala akong narinig. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad.

"Leuson! Hindi ka ba magsasalita?" inis na sabi niya.

"Mr.President ang itawag mo sa akin, Ms.Dela Vella." napanganga siya sa sinabi ko dala na rin ata ng gulat. Malamig ko lang siyang tiningnan, susuyuin kaya ako ng babaeng ito? Baka sa huli ay ako lang ang sumuyo. Wala ring kwenta ang pagtatampo ko.

"Okay," malakas siyang bumuntong hininga at naglakad. Hindi na mabilis ang kaniyang paglalakad hindi tulad ng akin. Hindi niya na ako hinahabol.

I remember what happened yesterday. Niyaya niya akong pumasok sa condo niya. Hindi niya ba alam na lalaki pa rin ako? Ayaw kong pumasok doon dahil baka anong magawa ko sa kanya. Siguro kung hindi dumating ang mga kasama niya sa condo niya ay baka sa susunod na buwan ay malaki na ang tiyan niya.

Just kiddin', hindi ko iyon magagawa sa kaniya hangga't hindi siya pumapayag at wala pa kami sa tamang edad. Feeling ko ay lagi niya akong inaakit kahit wala siyang ginagawa kundi ngumuso. Tiningnan ko siya, nakanguso nanaman siya. Binagalan ko ang aking paglakad para makasabay siya.

"Hindi ko naman ako hinawakan ng lalaki eh bakit ganiyan siya?" narinig kong bulong niya.

Dapat kasi ay sinabi niyang may nagmamay-ari sa kanya at ako iyon. Isa pa, hindi ba alam ng lalaking iyon na akin ang babaeng tinanong niya? Alam lahat ng studyante dito na akin siya.

"Mr.President?" tawag niya sa akin.

"What?" masungit na tugon ko sa kanya.

"Bakit ang sungit mo?" kunot noo niyang tanong.

Manhid ba itong babaeng ito? Wala pa siyang pakiramdam? Ofcourse I'm jealous! Ilang beses ko ba dapat sabihin sa kanya na nagseselos ako o akin siya?Hindi na siya nagsalita kaya panay ang sulyap ko sa kanya.

"Dean, bakit niyo po ako pinatawag?" magalang na tanong niya pagkarating namin sa Dean's Office. Ayan pa ang kaniyang tinatanong sa akin kanina siguro ay nagtataka talaga siya.

"Maupo kayo hija, hijo." sambit ni Dean at tinuro ang upuan. Umupo naman ang pagmamay-ari ko roon, tumingin siya sa akin na parang naghihintay na maupo sa tabi niya pero sa harap niya ako umupo kaya bakante ang kaniyang tabi.

Nakita ko ang bahagya niyang pag-singhap at pagbuntong hininga. "Edi wag siya dito." pagbabasa ko sa kaniyang bibig. Napangisi ako, suyuin mo ako.

"Hija, tungkol sa nangyari kahapon." seryoso ang mukha ni Dean.

"Ano pong tungkol do'n?" my baby innocently asked Dean.

Bakit ba ang cute niya? I bite my lower lip. Pakiramdam ko ay inaakit niya nanaman ako  Ano ba itong nasa isip ko!? Iniling ko ang ulo ko at pinukpok iyon.

"Hija 'wag mo na ulit gawin iyon." nag-aalalang sabi ni Dean.

"Hindi na po iyon mauulit." kasabay ng pagsabi niya no'n ang pagpasok ng isang lalaki kasama ang babaeng muntik ng magpakamatay. Sino naman kaya ang lalaking kasama nito?

My Possessive SSG PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon