CHAPTER 22

9.4K 416 22
                                    

CHAPTER 22

Matalim ang mga tingin ni Leuson kay Third at si Third? Ayun parang wala siyang paki-alam. Ngumuso siya nang bitawan ko na ang kaniyang kamay. Napangiti ako. Ang cute niya naman. Napaisip tuloy ako kung sino ang mama niya. Malayo kasi sa kanyang mukha ang mukha ni Dean.

"Ang lambot ng kamay mo," sambit niya at ngumiti. Ipinakita niya pa ang kaniyang ngipin na puting puti na mas lalo niyang kinagwapo at kinacute. Napatawa muli ako at napakagat labi.

"Ano nga pala ang buo mong pangalan?" tanong niya habang nakangiti parin.

"Cassailynt Yeondra Dela Vella." nakangiti kong sabi na kinagulat niya at tila napa-isip pa ng ilang sandali at napahawak sa noo sabay tingin sa taas at baba at muling tumingin sa akin.

"Cassailynt Yeondra? Saan ko ba iyon narinig?" jamot ulo niyang sabi.

"Kay Sailyn, gdiba kakasabi niya lang." sarkastikong pakikisali ni Leuson kaya napabusangot si Third at masamang tiningnan si Leuson. Nagkatitigan sila at ang sama sama ng tingin nila sa isa't isa.

"Kausap ba kita?" pambabara sa kaniya ni Third at muling tumingin na sa akin at ngumiti.

"By the way bakit nga pala Sailyn ang tinatawag sa'yo?" kunot noong sabi niya.

"Kase pangalan niya iyon." sarkastikong sabi ulit ni Leuson.

"It's her nickname kuya Leuson not her name." nakangising sabi ni Third. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng ulo ni Leuson kay Third kaya mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya. Bata lang ito. Baka patulan niya pa.

"Third kung ako sa iyo lalayo na ako kay Leuson." natatawang sabi ni Aimon.

"Why would I?" nakangusong sabi nito.

"Pumapatol 'yan sa bata." natatawang sabi ni Lienzo at hinila na si Third pero hindi ito nagpahila.

"Don't touch me!" galit na sabi nito at dinabog ang kaniyang katawan kaya nabitawan siya ni Lienzo. Muli siyang pumunta sa aking harapan at pilit na ngumiti sabay pinunasan ang kaniyang pawis sa noo gamit ang kaniyang kamay sabay gulo ng kaniyang buhok.

"I will call you Cye." nakangiting sabi nito na kinanganga ko. Cye? Napakagat ako ng labi, ang ganda naman ng Cye. Ngumuso ako at tumawa sa kaniya. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Leuson.

"Eh parehas lang naman iyon sa Sailyn pinaiksi mo lang!" inis na sabi ni Leuson.

"Nope!" agad na umiling si Third kay Leuson at ngumiti sa akin. "Iba ang spelling 'no. C - Y - E! not S - A - I or Y." nakangising sabi nito kay Leuson kaya mas lalo akong napangiti. Cye, ang ganda naman.

"You like it don't you?!" masayang sabi nito kaya tumango ako. Totoo naman nagustuhan ko iyon.

"That's cheap, baby." ngiwing sabi ni Leuson.

"Baby?!" nakakunot noong sabi ni Third tila nagtataka.

"I told you Third, she's mine." ngising sabi ni Leuson at parang inaasar niya si Third at sinasabing panalo siya dahil kanina pa siya pikon na pikon sa batang nasa harap namin.

"Kuya Leuson calling you baby?" tanong sa akin ni Third. Bago pa man ako makasagot ay nasagot na kaagad na iyon ni Leuson.

"Yes!" mariing sagot nito.

"What the hell kuya Leuson! Baby?! That's cheap!" humagalpak ng tawa si Third na kinakagat ko ng labi. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Leuson kaya hinawakan ko ang kamay nito ay mahigpit siyang niyakap.

"Stop it already, Third!" nakangiwing sigaw ni Lienzo kaya mas lalong lumakas ang tawa nito at parang tuwang tuwang naasar niya si Leuson.

"Damn boy," dinig kong bulong ni Leuson sa aking gilid.

My Possessive SSG PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon