CHAPTER 34

8.6K 376 50
                                    

CHAPTER 34

"Ikaw ang girlfriend ng anak ko?" tanong nito at pinagtaasan ako ng kilay.

"Anak mo?" suminghal si Leuson kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Mama niya pa rin iyan. Hindi ko man alam ang buong kwento nila pero dapat respetuhin niya pa rin ang mama niya.

"Ahh, pasensya na hindi ko kasi alam hijo." nakangiting paumanhin nito at binigyan ako ng pilit na ngiti.

"Wala ka naman talagang alam sa akin, paano lagi-" kinurot ko ng patago muli si Leuson kaya napatingin siya sa aking gawi. Sinamaan ko siya ng tingin, wala siyang nagawa kundi bumuntong hininga at napagulo ng buhok.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" tanong ni Leuson.

"Binibisita lang-"

Pinutol siya ni Leuson. "Binibisita? Alam mo bang malakas ang ulan ngayon?" halos isigaw na iyon ni Leuson. Nakita ko kung paano lumungkot ang mukha ng mama ni Leuson.

"Hindi ka ba nagagalak na makita ako?" malungkot ang boses nito.

"Sinong magagalak makita ka kung muntik ka ng mapahamak." bulong ni Leuson sa aking gilid batid kong ako lang ang nakarinig no'n dahil sa sobrang hina.

Napangiti ako nang palihim. Nag-aalala siya sa mama niya kahit galit siya. Pinigilan ko ang pag ngiti ko at nag angat ng tingin kay Leuson.

"Hindi mo ba siya kakamustahin?" tanong ko.

"Tsk," tanging sagot nito.

"Magstay pa ba ako rito?" tanong ng mama ni Leuson.

"Paalis na ngayon ang ibang studyante habang kami ay bukas pa ng umaga." tipid na sagot ni Leuson sa kalmadong boses na.

"Ahh..." tumango tango ito at tiningnan ang kamay kong nakahawak sa mga braso ni Leuson. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya napabitaw ako.

"Can we talk?" biglang tanong nito.

Ang akala ko ay ako ang tinanong niya 'yun pala ay si Leuson. Agad na umiling si Leuson, "May gagawin ako maiwan ka muna rito." walang ganang sambit nito at hinalikan ako sa noo bago umalis.

Saan naman kaya pupunta ang isang iyon? Sumunod na sa kanya ang ibang SSG Offcers habang si Via ay umirap sa akin. Andito nanaman ang pangamba na baka may mangyayari nanamang hindi maganda.

Nakita kong kumindat sa akin si Jane kaya napanganga ako. Anong meron sa kindat na iyon? Nakita kong sumunod si Faith at Saffiya kay Wave. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. May balak pa sana akong sumunod sa kanila pero narinig ko ang boses ng mama ni Leuson.

"Hija," napalingon ako kaagad dito.

"P-Po?" kinakabahan kong sagot.

"Pasensya na sa nangyari kanina." bumuntong hininga ito at tila pagod na umupo sa sofa.

"A-Ayos lang po..." halos hindi ko na iyon masabi ng maayos dahil sa kabang nararamdaman.

"Kaya pala nasagi mo ang kape kanina..." ngumiti ito. "Nagulat ka ba na ako ang mama niya?" tanong niya.

"P-Parang gano'n na nga po..." nanginginig kong sagot dito.

"Mukhang mahal na mahal ka ng anak ko..." tumawa ito kaya napakamot ako ng ulo. Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi niya.

"Ikaw palang ang nakikita kong babaeng ginaganon niya..." nagtaas siya ng kilay sa akin.

"T-Talaga po?"

Tumango tango siya. "Yes, hija."

"He's mad at me." hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. "Wala ako sa tabi niya no'ng mga panahong hinahanap hanap niya ako...Naiintindihan ko ang mga galit niya..." mapait siyang ngumiti sa akin.

My Possessive SSG PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon