CHAPTER 23

9.4K 405 51
                                    

CHAPTER 23

"Sailyn!" napalingon kaagad ako sa likod ko. Nakita ko doon ang hinihingal na si Shenelore kasama ang ibang SSG Officers. Halos lahat ata sila ay kasama maliban kay Jane.

"Bakit ka nandito!?" galit na sigaw niya sa akin at hinila ang aking kamay. Tiningnan ko si Leuson nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa likod ko. Doon ko lang napansin na kasama ko nga pala si Eron.

"Who's that guy, Cye?" biglang tanong ni Third at kinuha ang isa kong kamay at ngumuso. Napatingin ako kay Leuson, mas lalong kumunot ang kaniyang noo.

"Third, he's Eron," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hi, Eron. Alam mo bang may boyfriend na si Cye?" nakataas na kilay na sabi nito kay Eron kaya napasapo ako ng aking noo. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Eron sabay pagngisi niya.

"Really?".napakagat labi ako nang biglang hablutin ni Leuson ang aking braso kaya nabitawan ako ni Shenelore at Third. Inakbayan niya ako at seryosong tumingin kay Eron na parang kinakilatis ito.

"I'm her boyfriend," sabay na sambit ni Third at Leuson sabay rin silang nagkatinginan at nagtaas ng kilay.

"Kuya, she's my girlfriend not yours!" nakangusong sabi nito at hinawakan ang aking kamay. Masama naman itong tiningnan ni Leuson kaya mas lalo siyang napanguso at tila naiiyak na.

Nakaramdam ako ng awa kaya kinalabit ko si Leuson at sinenyasan siyang itigil ang kaniyang masasamang tingin kay Third. Napabuntong hininga siya at nag-iwas na lamang ng tingin kaya napangiti ako. Masunurin.

"Don't worry hindi ko siya aagawin sa inyo." ngumisi si Eron sa akin kaya napanganga ako. Wala naman sinabing aagawin ako ni Eron. Napapikit ako at napakagat labi.

"That's good," nakangisi ring sabi ni Leuson.

"Eh bakit kayo magkasama ni Cye kanina?" nakangusong sabi ni Third.

"I have a girlfriend kid don't be jealous." natatawang sabi nito at sumulyap kay Shenelore... Shenelore!? Sumulyap siya kay Shenelore. Nakita ko ang masamang tingin ni Shenelore at napaawang pa ang kaniyang bibig.

Sumulyap ba talaga siya kay Shenelore?Oh baka namamalikmata lang ako? Oo, tama, Sailyn. Namamalik mata ka lamang.

"Really? May girlfriend ka?" paninigurado ni Third.

"Yes," sagot ni Eron at ang mata ay na kay Third na.

"Sino?" tanong niya at nagtaas ng kilay.

"It's a secret," nakangiting sabi nito.

"Sinong nagtanong," napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi ni Third. Nagtawanan ang mga SSG Officers habang si Eron ay hindi maipinta ang mukha.

"Tch," nakita ko ang bahagyang pagngiti ni Leuson.

"Abay gago 'tong bata na 'to ah." rinig kong bulong ni Eron sa kawalan kaya mas lalong nagtawanan ang mga SSG Officers. Halata kasing napikon siya sa pambabara sa kaniya ni Third.

"Hindi ako bata. I'm already 14 years old!" inis na sabi nito at ngumuso. Nagulat ako sa sinabi niya. 14 years old!? Napahawak ako sa aking bibig na tila gulat sa sinabi niya. Ang akala ko ay na sa 10 to 12 pa lamang siya.

Matangkad siya pero ang kaniyang mukha ay pang baby face. Napasapo ako ng aking noo. Naramdaman ko ang paghawak ni Leuson sa aking bewang kaya napatingin ako sa kanya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Eron.

"What's your name?" tanong ni Leuson sa kay Eron gamit ang seryosong boses.

"Hindi ba't pinakilala na ako sa'yo ng girlfriend mo?" sagot nito.

My Possessive SSG PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon