CHAPTER 16

12.4K 474 34
                                    

CHAPTER 16

Lumabas na ako ng kuwarto ko. Pagkapunta ko sa kusina ay nandoon nga si Leuson. Nakaupo siya sa upuan, nakahanda ang pagkain. Napakunot ang aking noo. Binili niya ba ito lahat?

Umupo ako sa tabi niya. Nakita ko ang pagpula ng kaniyang tainga. Napatikhim ako at hindi nagsalita. Tiningnan ko isa isa ang mga pinamili niya siyaka iyon kinain isa isa.

"Hindi ka ba papagalitan ng mga magulang mo na hindi ka pumasok?" tanong ko sa kanya habang kumakain.

May lugaw, sabaw, chicken ang mga pinamili niya. Inuna ko ang chicken, nakaramdam na ako ng lasa kaya sure akong wala na akong lagnat. Napangiti ako, makakapasok na ako bukas!

"Hindi ako papagalitan," sambit niya na tila naiilang. Maya maya pa ay dumating na si Ate Shenerie. Umupo siya kaagad sa tabi ko at kumuha ng chicken.

"Aalis na ako maya maya." sabi niya kaya napatikhim ako.

Nakabihis na siya ngayon. Saan naman kaya pupunta ang isang 'to? Bongga kasi ang kaniyang suot at naka make up pa. Nakadress siya at naka sandal na kulay puti. Napangiwi ako, pupunta kaya ito sa party?

"Hoy Mr.President. Sinasabi ko sa'yo ha!" mariing sabi ni Ate Shenerie at sinamaan ng tingin si Leuson na parang may sinasabi sa kanyang mata at agad naman nagets ni Leuson. Tumango lang si Leuson at napalunok. Dala dala ni Ate Shenerie ang kanyang Fried Chicken bago umalis.

"Uh...Anong gusto mong gawin?" tanong ko.

Kakatapos lang namin kumain at nasa sofa na kami ngayon naka-upo. Tahimik lang siya habang nakagitingin sa akin at tila hindi alam ang sasabihin. Ganoon din ako.

"Hindi ka ba magsasalita dyan? Ano titingin ka lang sa akin?" irita kong sabi.

"Kahit ano," sagot niya at bumuntong hininga.

"Umuwi ka nalang kaya!" nakataas na kilay na sabi ko. Mas magandang umuwi na lang siya eh wala naman siyang gagawin dito. Tutunganga lang siya.

"Papagalitan ako ni Mom," nakangiwing sabi niya.

"Ang sabi mo kanina hindi ka niya papagalitan!" gulat na sabi ko at halos mabatukan na siya.

"Hindi niya naman alam na nandito ako," bumuntong hininga siya at hinigit ako at biglang niyakap ang aking bewang. Hinampas ko ang kanyang dibdib. Paano pag nalaman ng kaniyang mom!?Edi lagot siya!

"Hindi ka nagpaalam!?" galit na sabi ko tumawa siya at tumango.

"Baliw ka!"sambit ko at kinurot ang kaniyang dibdib. Tumawa lang siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa aking bewang. Tinampal ko ang aking palad sa kanyang mukha kaya mas lalo siyang natawa.

"Paano ka nakatakas sa school?" tanong ko.

"I'm the SSG President, Sailyn." mayabang na sabi niya kaya napanguso ako.

"Kaya nga! SSG President ka nga! Paano pag hinanap ka doon diba? "natawa siya sa sinabi ko.

"Hindi lang ako ang SSG Officer, maraming iba. Kaya na nila 'yon." nakangiwing sabi niya kaya mas lalo akong ngumuso.

Paano kaya nakalusot ang isang 'to?Ngayon ko lang napansin na naka T-shirt siya at nakashort. Siguro nagdala talaga ito ng extra na damit.

"Leuson may tanong ako." biglang sabi ko.

"Hmm?" tumingin siya sa akin at pinisil nang mahina ang aking pisngi.

"Kaano ano mo si Jane?" mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin dahil sa tanong ko.

"Kababata ko," napatango tango ako. So it's mean kilala siya ng magulang ni Leuson? Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang leeg kaya bahagya siyang nagulat. Tinanggal ko rin iyon kalaunan at sumandal nalang sa kanya.

My Possessive SSG PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon