CHAPTER 03

20.8K 798 118
                                    

CHAPTER 03

"Anong ginagawa no'ng lalaking 'yon doon?" tanong ni Shenelore habang hinihila ko siya palabas ng gate.

Namula ako nang muli kong maalala ang ginawa niya sa akin at pagtawag niya sa akin ng "Baby". Hindi naman ako sanggol, nakakainis.

"Hindi ko alam, bigla na lang siyang pumasok sa Cr ng babae." sagot ko sa kanya.

"Nakahawak siya sa bewang mo kanina." tinuro niya ako habang ngumingisi-ngisi kaya napairap ako sa kanya.

"Uyy, gusto ka no'n 'no?" pang-aasar niya.

"Hindi ah!" namula ako sa sinabi niya.

"Eh bakit 'yon nandoon ha?" binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin.

"Kinukuha lang no'n ang jacket niya!" pagdadahilan ko.

"Eh ang sabi mo kanina lalabhan pa 'yang damit sabi niya!" nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa noo dahil sa sinabi niya. "Nagpapalusot ka lang eh!" pangtutukso niya pa.

"Bahala ka nga dyan, Shenelore!" inis na sabi ko at nauna nang sumakay sa taxi.

Parehas kami ng Condo na tinitirahan. Kaming dalawa rin ang nagbabayad. Hindi malaki hindi rin maliit sakto lang iyon para sa aming dalawa. Pinayagan siya ni tita na sumama sa akin sa Condo para naman may matutunan kahit papano si Shenelore na mag-isa lang siya.

"Feeling ko talaga gusto ka ni Leuson eh!" agad na sabi niya pagdating namin sa aming Condo Unit.

Pumunta na ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil ako ay nauuhaw. Kita ko ang pagsalampak ni Shenelore sa sofa na akala mo ay pagod na pagod.

"Hindi ako gusto no'n! Giit ko sa kanya." nagtaas naman siya ng kilay at tumawa sabay pikit ng kaniyang mga mata at kalaunan ay idinilat din iyon.

Lumakad ako papunta sa gawi niya at umupo sa sofa. Agad naman siyang bumangon at nginisian ako na parang nang-aasar.

"Ano nga pala ang punishment niyo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi pa sinabi ni Dean kasi bukas pa nga diba? Pero patay talaga sa akin ang babaeng iyon." matalim na sabi niya kaya hinampas ko siya sa balikat.

"Dapat kasi ay hindi mo na pinatulan." ngiwing sabi ko.

"Whatever, Sailyn!" pagtataray niya.

"Bakit hindi mo pa hinuhubad iyang Jacket ni Leuson?" may bahid na pangangasar ang boses niya kaya agad kong hinubad ang Jacket sabay hinanger iyon.

"Pansin ko..." napatingin ako sa kanya. "Bagay kayong dalawa ni Leuson." sabi niya at tumawa sabay palakpak. Binato ko siya ng unan dahil sa pang-aasar niya.

"Manahimik ka na nga lang dyan, Shenelore!" inis na sigaw ko at pumunta sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay wala na sa sofa si Shenelore paniguradong natutulog na iyon o kaya ag nag-aaral o baka kausap ang kaniyang boyfriends?Ang alam ko kasi ay marami siyang boyfriend.

Dumiretsyo na ako sa kuwarto ko at sinalampak ang sarili sa kama. Nagbasa muna ako ng libro hanggang sa nakaramdam ako ng antok at nakatulog.

Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Shenelore gano'n naman lagi. Binati namin ang guard bago kami tuluyang pumasok sa escuelahan. Kinakabahan si Shenelore ngayon kung ano ang magiging kaniyang parusa.

"Baka paluhurin ka at ibilad sa init." sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"No way! 'Yung kutis ko iitim!" suminghal siya kaya natawa ako.

My Possessive SSG PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon