Zairon Joseph Soberano POV :
Bipbip bipbip bipbip!!
Wag ka tunog ng alarm clock ko yan. Hehe
Good morning sunshine!! Naginat ako saka bumaba sa kama. Kailangan ko ng maligo kasi ngayon ako papasok sa bagong school na lilipatan ko dito sa Manila. Dito na kasi nadestino si Papa sa trabaho nya eh hindi nya naman kami maiwan ni Mama sa probinsya kaya sinama nya na lang kami. Agad kong inabot ang towel kong nakasabit pa sa hanger at dumiresto na sa banyo.
Mabilis naman akong naligo kasi ayokong malate. Sana maging maayos ang araw na to para sa akin. Haha nakababa na ako sa hagdan naabutan ko si Mama na naghahain na si Papa nakaupo na rin at nagkakape.
Maayos naman ang tinutuluyan namin dito, Village sya at sagot ng kompanya ang rental nito sa kuryente at tubig ay si Papa ang nagbabayad mabute na rin yun kesa sa mga kamag anak ni Papa kami makituloy.
"Tay, tulungan mo nga ako maglagay kana ng mga kutsara at pinggan aahunin ko lang tong sinangag."
"Ako na Ma. "
"Oh gising kana pala totoy. Bute nakapagintindi kana halika na at kumain baka malate kapa."
"Ma naman eh. Totoy pa rin hanggang ngayon nandito na nga tayo sa Manila eh dapat iba na tawag mo sakin. Ang baduy baduy ng totoy eh."
"Abat itong batang ito ay apakaarte na ay hala anung atawag ko sa iyo hmm? "
Si papa naman tatawa tawa lang na pinakikinggan kami.
"Ma ZAIRON, call me Zairon ang astig ng pangalan ko totoy pa ang tinatawag mo sakin."
"Naku, totoy naman talaga kita dahil lalaki ka at anak kita lambing ko na sayo yun."
"Asuuus pinangalanan nyo pa akong Zairon Joseph kung hindi nyo po ako tatawagan dun."
"Ah Ay si Ama mo ang tanungin mo at sya ang nagpangalan sa iyo nun. "
"Hahaha. "
"Hayaan muna mahal yang anak mo at nagabinata na."
"Hmm hmm magsama daw kayong dalawa." Sabi ni mama ng iiling-iling.
Napatawa na lang kami ni Papa. Ganito na kami mula pa sa probinsya mahal na mahal ko ang mga magulang ko kahit na iisa man at kahit may mga trabaho sila hindi sila nagkulang ng pagaalaga sakin.
Kaya nagsisikap akong makapagtapos para matulungan ko sila alam kong hindi magiging madali pero sapat ng pagsikapan ko ang lahat ng paghihirap at sakripisyo nila noon para maitaguyod ang pamilya namin.
Masaya ako na sa kanila ako nabuo at nabuhay. Ay hallelujah hahaha napapa Amen na lang ako sa pasasalamat kay God dahil sa kanila.
Hanggang sa natapos na kaming kumain. Nagprepara na si Papa ng pagalis kasi magcocommute pa sya ako naman malapit lang yung school pwedeng lakarin bute pinadoor to door namin yung bike ko para magamit ayoko naman ibigay sa mga pinsan ko hindi naman sa pagdadamot pinagipunan ko pa kasi ito nun eh hahaha
"Ma!! Alis na ko!!" Sumakay na ako sa bike ko maaga aga pa naman kaya hindi ako nagmadali pumasok. Wala pa akong uniform kasi tinatahi pa lang daw bute at nakuha ko ang sched ko para hindi na ako pipila at hahanapin ko na lang yung room ko.
YOU ARE READING
VOICELESS by Belle
RandomMahlia Belle La Vida is a one of the Richest College Student na nakaranas ng isang masamang trahedya sa buhay noong sya ay bata pa kaya sya naging Mute due to traumatic reaction. Isang bangungot na hindi nya makalimutan kaya naging ilag sya sa ibang...