Bwisit talaga!
Matapos kong makapagpalit bumalik agad ako sa classroom at sigurado nandun na rin ang professor namin.. kainis kasi eh! as usual parang walang nangyare. Dumaan ako sa likurang pinto ng classroom habang nakatalikod ang professor at naupo agad sa dulo malapit sa bintana ibinaba ko lang ang backpack ko sa sahig at umubob sa desk ko.
Matutulog na lang ako. Nakakarinig pa rin naman ako ng bulungan at mahinang hagikhikan nila pero wala akong pakialam. Actually hindi ko na talaga kailangan na pumasok sa school dahil nga napagaralan ko na ang mga itinuturo dito marami akong natutunan kay Mama Annie kaya lang gusto ko rin naman maexperience ang pumasok sa eskwelahan, magcommute at makakita ng mga ibat ibang ugali ng mga taong kaedad ko rin. Napakasaya ko nung unang araw na papasok ako kasi finally nakahinga ako sa bahay parang nakalaya ba. Pero hindi ko inaasahan na sa unang araw na yun magbabago ang takbo ng buhay ko. Binubully ako ng mga kaklase ko, umuuwe ako sa bahay na may mga pasa todo tago ako sa mga tao sa bahay kasi baka makita ako ng mga maids, minsan basang basa ako kaya lagi akong may dalang damit bukod sa nasa motor ko at meron din sa locker, ewan ko ba wala naman akong ginagawa sa kanila pero kung husgahan ka ng mga tao agad nang hindi ka muna kinikilala o base sa katayuan mo sa buhay. NapakaUnfair. Ganito talaga siguro ang mundo kaya pinili kong maging low profile kasi nakikita ko na kung mayaman ka gagamitin ka, kakaibiganin, paplastikin makalasap lang yaman ng iba, pagsamantalahan at yun ang mga bagay na ayaw kong mangyare. Nawalan ako ng pake sa lahat kaya pinili ko rin na walang kaibiganin para hindi ako masaktan. Tama nang sarili ko lang ang intindihin ko kasi sarili ko lang din ang makakatulong sakin.
Bute na lang last subject ko na to ngayong araw. Iidlip muna ako kasi nakakatamad na. Sa kakakwento ko sa inyo nakatulog ako.
Zzzzzzzzzz.zzzzzzzzzzzzz
Naalimpungatan ako ng may nararamdaman ako sa balikat ko.
Psssst.
Tsk. Istorbo naman to. Hmp. Wala lang yan Belle. Sige matulog ka pa!
Pssssst. Huy.
Isa pa! Isa pa talaga! Walangyang to. Kakatikim ka!
Aaah. Miss?
Peste!! Tumayo ako agad at natumba pa ang inuupuan kong bangko, monoblock lang kasi yun, tiningnan ng masama ang kung sino mang damuhong gumising sa akin!! Sino ka para mangistorbo??!!
Gulat syang napatingin sa akin. Nakatingala sya at bahagyang nakaawang ang mga labi. Maski ako hindi ko maitago ang gulat. Ang tingin kong masama ay unti unting naglaho napalitan ng kuryosidad at pagtataka.
Iginala ko ang paningin ko ng dahan dahan. Shutang nemen!!! Hindi ko natandaan na naglakad ako ng tulog diba? Malamang tulog ako!! Pero bakit hindi na mga kaklase ko ang nasa room ngayon?!!! Puteeeek.
Napahaba yata ang tulog ko!! Wala man lang nagabalang gisingin ako !! Sheteeee talaga!!
Lahat sila nakabaling ang tingin sa akin, kahit ang professor masama ang tingin sa kin!! Lagot ako kay Daddy nito.
Nakakahiya talaga. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Kainin mo na ako lupa!! Ngayon na !! Pleasee!
Mahlia, napaigtad ako ng may humawak sa kamay ko. I remember him sya ang nagpahiram sa kin ng Polo. Sinenyasan nya akong umupo. Tulala ako ngayon alam mo yung pakiramdam na parang gusto mong maging invisible o kaya naman gusto mo maglaho ng tuluyan? Ito talaga yun. Waaaaah!!!
Hawak nya pa rin ang kamay ko. Unti unti nya akong hinila paupo, katabi ko pala sya. Sir makiki-sit po sya. He said that while smiling, is it to lessen the tension inside the room? Nabigla ako sa sinabi nya. Hah?! Wala naman akong balak makisit in dito. Gusto ko ng umuwe!!
YOU ARE READING
VOICELESS by Belle
RandomMahlia Belle La Vida is a one of the Richest College Student na nakaranas ng isang masamang trahedya sa buhay noong sya ay bata pa kaya sya naging Mute due to traumatic reaction. Isang bangungot na hindi nya makalimutan kaya naging ilag sya sa ibang...