24 ¦ twenty-four

605 46 37
                                    

JISOO'S POV

I hung my wet towel using the excess hanger here at the shower room for girls. Kakatapos lang kasi ng second game namin kanina where in panalo nanaman kami. Naligo at nagpalit agad ako ng suot bago bumalik sa locker room na pinaroroonan ng ibang teammates ko.

"Jisoo! May naghahanap sayo kanina." One of my teammates approached me.

"Sino?"

"Yung boyfriend mo."

Agad kumunot ang noo ko sa kanya.

"Sinong boyfriend ko?" Tanong ko rito pero naguluhan sya sa reaction ng mukha ko.

"Si Jin! Diba sya yung bago mong boyfriend?" She answered.

Inirapan ko agad sya at pabirong pinitik ang noo nya. "He's not my boyfriend, dummy."

Napahawak sya sa noo nya. "Ate naman eh!"

I just laughed at her and didn't bother to bring up Jin in our conversation. "Nasaan na yung iba?"

"Yung iba umuwi na pero karamihan nasa court. Nag-start na kasi yung laro ng basketball team ng YGU kaya malamang nagsi-nuod sila doon."

Tumango na lang ako sa kanya at sinukbit ang dala kong gym bag saka nagpa-alam rito at umalis ng locker room.

Rinig na rinig mula dito sa nilalakaran ko ang mga sigawan at tilian ng mga estudyante sa loob ng court. Maski ang sinasabi rin ng commentator ay naririnig ko.

"At muli nanamang nagpa-ulan ng tres si number 4! Seokjin Kim ng YG University!~"

Agad akong napahinto sa paglalakad pagkarinig sa pangalan nya. Mula noong umingay ang pangalan naming dalawa noong nakaraang araw, never na ulit kaming nagkita.

Oo, iniiwasan ko sya at sigurado akong yun din ang ginagawa nya dahil parehas naming napag-desisyonan na hindi kami magpapansinan sa university para hindi na lumaki ang issue sa amin.

Pero bakit nya ako hinahanap kanina?

Itinuloy ko na lang ang paglalakad pero naisipan kong dumaan muna sa basketball court para makisilip sa laro nila.

I promised myself na hindi na ulit ako manunuod ng basketball games ng university namin dahil wala naman akong napapala bukod sa namamalat ang boses ko.

Hindi ko parin alam hanggang ngayon kung sino yung na kaka-text ko na taga basketball team daw ng YGU kaya hindi na ulit ako manunuod ng laro nila. Malay ko ba kung sino sya sa mga yun.

I think it's better for me to have no idea about who he is. Besides, wala na rin naman akong pake kung sino sya.

I excused myself pagka-dating ko sa gilid ng court and I automatically smiled to myself when I finally saw him. I have to admit that he's really good at playing this sport but that admiration only ends in that line.

There's nothing special about him though.

He is now busy dribbling the ball as he runs to the other side of the court. May mga nagbabantay na ibang players malapit sa ring pero hindi nya iyon pinalagpas until he found a good spot to shoot the ball in his hands.

And there you have it, he scored again.

Umingay lalo ang mga nanunuod dahil sa ginawa nya. Kita sa malaking screen ng court ang proud nyang reakyon sa laro nya pagkatapat ng camera sa kanya. He even did a flying kiss gesture in front of the camera while running kaya kinilig ang mga babaeng nanunuod maski ang supporters ng kalaban na university.

Umalis na rin ako kaagad pagkatapos non. Agad akong pumunta sa parking lot para salubingin si Jennie doon na kanina pa naghihintay saakin.

"Tangina, ang bilis mo ah." Bungad nito saakin at kinuha ang dala kong bag.

"Sorry, may dinaanan lang ako." Sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan nya.

Si Jennie ang nag volunteer na susundo saakin ngayon dahil hindi pwede si Lisa at may pupuntahan sila ng parents nya. Hindi rin pwede si Rosé dahil kailangan nyang mag-aral para sa tatlong quiz nila bukas.

"Thank you pala ah? I owe you one."

"Sus! Okay lang naman eh. Saka mahirap nang iwan ka namin mag-isa dahil baka saan-saan ka nanaman pumunta at mag-krus ang landas nyo ng ex mong ubod ng epal." She said while driving.

"Don't worry, pag nabawi ko na yung kotse ko kay Dad, hindi nyo na kailangang gawin to."

"Last week mo pa sinasabi yan." She glanced at me for a second and laughed. "Bakit ka nga ulit nawalan ng kotse?"

"Because he found out that I'm the one who broke up with Eunwoo. Dad liked him for me kaya super na-disappoint sya sa nagawa ko."

"Hindi mo parin sinabi sa Daddy mo na niloko ka ng lalaking yun kaya mo hiniwalayan?"

"Ayokong malaman ni Dad. I know that he won't accept the fact that the son of his bestfriend that I loved before is a cheater like him. Baka masaktan nya lang si Eunwoo."

"Edi mas maganda!" Excited na sabi nya kaya natawa ako.

"Hindi maganda magalit ang tatay ko Jennie. He's the worst when he's angry at ayokong makita ni Eunwoo and side na yun ni Dad." I answered as I leaned my head to the glass window.

Kinabukasan, maaga akong pumasok ng university para kunin sa locker room namin ang mga gamit na nalimot kong dalhin kahapon. Si Lisa ang kasabay kong pumasok na ngayo'y naghihintay saakin sa labas.

Pinasok ko sa paperbag ang twalyang kinuha ko mula sa shower room at lumakad papuntang locker area.

My eyes squinted when I saw a small note in front of my locker so I took the note and silently read the words on it.

Magkita tayo mamayang uwian sa
parking lot ng YGU kung saan unang
nagpakilala ako sayo. I have something
to give you. See you later!

—Jin

___________________________________________

[A/N]: Don't forget to vote and comment if you liked this chapter :>

Wrong Goodbyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon