13 ¦ thirteen

728 48 9
                                    

JISOO'S POV

A week has already passed and the guy who I accidentally met because of my anger, suddenly stopped talking to me.

Ilang araw na syang hindi nagti-text o nagpa-paramdam saakin which is actually, great. At least hindi ko na sya po-problemahin kung paano ko sya maiiwasan. I'm sure he also had a life to deal with.

Today is our final day of training dahil magsisimula na bukas ang opening ng sportsfest namin.

Nandito ngayon sa gymnasium area ang lahat ng school athletes ng YGU para i-discuss saamin ngayong gabi ang tungkol sa mga schedules ng mga laban namin sa iba't-ibang universities.

I almost yawned when our principal finally ended his speech. Buti na lang pinigilan ko agad yung bibig ko. Sa sobrang haba kasi, halos lahat kami na nakikinig sa kanya ay inaantok na.

Nagtayuan at nagpalakpakan na kami pagkatapos nyang magsalita. After that, the captain ball of every sports team lead the closing remarks so we all felt relieved. Finally, makakapag-pahinga na rin ako.....

"Jisoo, we're going na ah? See you tomorrow." My teammates, Sujin and Xia smiled at me.

"Sige, ingat kayo." I said and waved at them.

I didn't bother to say goodbye to my other teammates dahil gustong-gusto ko na talagang maka-uwi as soon as possible.

Sinukbit ko na ang gym bag ko at nagsimula nang bumaba sa hagdan. May mga tumawag pa sa pangalan ko pero imbis na chikahin ko pa sila, nagsabi na lang ako na hinahanap na ako saamin and thank god, it worked kaya naka-labas agad ako.

I grabbed my ponytail to tie my hair but I stopped when I accidentally bumped into someone.

"Ohmygosh, I'm so sorry." I apologized.

Humarap sya saakin pero nag-bow na lang ako kaagad sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa open parking lot ng university.

Right after I successfully tied my hair, I grabbed my phone at the side pocket of my bag and immediately called my bestfriend.

"Saan ka naka-park?" Bungad ko.

"Shit, tapos na kayo?! Hala teka lang! Dumaan pa ako dito sa drive-thru kasi akala ko hanggang 8 pa kayo!" OA na sabi nya.

Napa-irap at buntong-hininga na lang ako. "Dalian mo na lang dyan. Hintayin kita dito sa parking lot. Baka kasi makita ko nanaman sa main gate si Eunwoo."

"Oo, sige sige! By the way, ako na next na mag-oorder. May gusto ka ba?"

"Gusto ko nang umuwi, Manoban." I said.

"Luh, wait lang kasi HAHAHA. Dalhan na lang kita ng fried chicken tutal alam ko namang favorite mo yun." I heard her chuckled.

"Buti naman. Dalian mo na ah? Ingat."

"Sige, byeeeee!"

Tinago ko na ang phone sa bag ko pagka-baba ni Lisa sa tawag. Tumingin-tingin na lang ako sa paligid to ease my boredom.

Naglalabasan na lahat ng estudyante mula sa gymnasium at yung iba sa kanila ay naglalakad papunta dito sa parking lot.

Pansin kong na-tanggal pala yung isang sintas ng sapatos ko kaya yumuko ako agad at inayos iyon.

"You want me to fetch you? Bakit? Driver mo ba ako?" I overheard someone talking to his phone.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makahinto sya sa tapat ng fortuner nya. Na-identify ko agad na basketball player sya because of his get-up.

Matangkad sya, malapad ang balikat, naka-suot ng ternong up and down jersey, at may hawak na bola sa isang kamay.

Yup, he's a player.

"Gets kong lasing ka, okay? Pero sorry, I can't come to you right now. Kailangan kong umuwi agad. Sportsfest namin bukas so I need to rest."

Binasa ko na lang yung surname at number sa likod ng jersey nya. "Kim, zero-four." I mumbled.

Halos matumba ako nung bigla syang lumingon sa likuran nya. Our gaze met each other kaya tumayo at nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Shit lang!

"Just ask someone else except for me, Seolhyun. I'm not your boyfriend." Rinig ko pang sabi nya bago nya ito babaan.

I felt bad for the girl that he's talking with through the phone. Grabe naman sya. Wala man lang ba syang pake sa babae? Paano kung may mangyaring masama doon?

"Jisoo Kim?"

I arched my brows when he suddenly called my name. Lumingon ako sa kanya at kita kong nakatingin ito saakin.

"Do I know you?" Tanong ko sa kanya.

He just shook his head and flashed a little smirk on his lips. "You don't know me, but I know you."

"Huh?"

"Ano pang ginagawa mo dito? Uuwi ka na ba?" Chika pa nya saakin.

Hindi ko tuloy alam kung paano ko sya kakausapin dahil obviously, hindi naman kami close!

"I'm Seokjin Kim by the way." Aniya.

Wait his name sounds familiar.....

Saan ko nga ba ulit narinig yun?

"Hey." Tawag nya kaya muli akong napatingin sa kanya.

"You don't have to say anything, okay? Nagpapakilala lang ako." Sabi pa nya. He opened the door of his car and gave me a last look before entering inside.

"See you tomorrow." He said then winked.

I was left dumbfounded because of what he did. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nya bago sya umalis.

What the actual heck was that?

Is he hitting up on me?

Wrong Goodbyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon