41 ¦ forty-one

575 41 4
                                    

JISOO'S POV

I massaged the side of my forehead when Jin suddenly looked at me with a teasing smile on his lips as soon as our eyes meet each other's gaze when I arrived in front of him.

"So you showed up, huh? Date nga talaga 'to." Sabi pa nya without taking his eyes off me.

"Wag kang assuming, nandito lang ako para ilibre ka." Inirapan ko sya at pinag-krus ang kamay sa ibabaw ng dibdib ko.

"Sige lang, Jisoo." Sabi pa nya na parang nang-aasar.

Tinaasan ko lang sya ng isang kilay pero tinawanan nya lang ako at lumakad na kaya sumunod na lang ako sa likuran nya.

"Dalian mo na, ano ba gusto mo." Naiinip kong usal habang kinakalkal ang bag ko.

"Ikaw."

"Funny ka no? Yung seryoso kasi, Jin." Sabi ko at tumayo sa gilid nya.

"Seyoso naman ako ah." Sabi pa nya pero hindi ko nalang iyon pinansin. Baka kasi mahalata nyang kinikilig ako sa mga sinasabi nya.

"Mamaya mo na lang ako ilibre, samahan muna kita bumili ng sapatos na tinutukoy mo." Sabi pa nya. Tumango na lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Sumakay kami ng escalator at kitang-kita ko kung paano napapalingon sa gawi namin ang mga kasabayan naming babae. Syempre, sino ba namang hindi mapapalingon sa pagmumukha nitong kasama ko? Tss.

"Dami mong fans oh." Sabi ko at mahina syang natawa.

"Selos ka naman."

Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan sya ng tingin na nakatayo sa likuran ko. "Bakit ako magseselos, aber?"

He didn't answer. Ngumisi lang ito saka nagkibit balikat kaya inirapan ko na lang sya.

Nang makarating kami sa third floor ng mall, kaagad kong nakita ang store ng Adidas kaya lumakad kami doon at pumasok.

I glanced back at Jin at kita kong naka-pamulsa sya sa suot nyang maong ripped jeans. He's wearing a plain black T-shirt at nakasuot rin sya ng white cap na terno sa rubber shoes na suot nya. Gosh, why is he so handsome?

Nagulat ako nang bigla nyang hatakin ang braso ko. "Mabubunggo ka pa sa kakatitig mo saakin oh." He laughed.

Agad kong inalis ang braso ko sa hawak nya. I tried to ignore what just happened but his presence is not making me focus. "Maupo ka na lang muna dyan." Dinuro ko ang mga upuan sa waiting area.

"Tss, wag mo'kong intindihin. Sige na, bumili ka na. May titignan lang ako." He smiled at me and went to the men's section.

Hays, buti na lang iniwan na nya ako.

Pumunta ako sa rubber shoes section ng mga pang babaeng sapatos at nagsimulang pumili. A saleslady came up to me ang showed to me the new collection of the brand.

May nagustuhan akong rose-gold rubber shoes kaya nagpakuha ako ng ganong pares na tugma sa shoe size ko sa saleslady.

Naupo ako sa mini waiting area nila saka nilabas ang cp ko to lessen my boredom. I was busy with my phone when a random guy suddenly sat beside me. I didn't bother to glance at him dahil wala naman akong pake.

A few seconds later, narinig ko pa syang napasipol ng mahina kaya kumunot ang noo ko. I was shocked when I felt his hand sensually brushing the side of my tigh. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makakilos at parang na-blangko saglit ang utak ko.

"Andito ka lang pal-"

Nanlalaki ang mga mata kong binalingan ng tingin si Jin na nakatayo sa harapan ko. He obviously saw what the other guy was doing kaya naudlot ang pagsasalita nya.

Marahan nya akong hinatak patayo sa gilid nya at kumabog na ng husto ang puso ko.

"Gago ka ah!" He glared at the guy.

And by that, maraming pares ng mata ang bumaling sa direksyon namin. Some employees came to us and asked what's going on but none of us answered them.

"S-Sorry pre. Hindi ko sinasadya." Tumayo ang lalaki at napahawak sa batok nito.

"Wag mo'kong matawag-tawag dyan ng 'pre', manyak ka!"

"Sir ano pong nangyayari?"

"Check your cctv and report this scumbag. Binastos nya ang girlfriend ko." Dinuro pa ni Jin ang lalaki at agad itong nag-deny.

"H-hindi totoo yan! Nang bibitang lang sya. Hindi ko naman binabastos yung babae eh. Aksidente lang na tumama yung kam-"

"Tarantado ka pala eh!" Jin was about to punch him pero agad kong hinawakan ang braso nya para pigilan sya.

"Please don't make a scene." Bulong ko.

Dinudumog na kami ng tingin ng maraming tao ngayon pero mukhang wala syang pake doon. Alam kong nagagalit sya sa nakita nya pero gusto kong kumalma sya dahil walang mangyayari pag pina-iral nya ang galit nya.

"Umalis na lang tayo dito. Please?"

Tinignan nya lang ako at nakita ko kung paano sya kumalma. He sighed heavily and turned his gaze at the guy in front.

"Hintayin mo karma mo, gago!"

Iyon ang huli nyang sinabi bago nya ako hinila palabas. Our hands was intertwined with each other but I didn't bother to make it a big deal.

Para akong nakahinga ng maluwag nang makalayo kami sa lugar na iyon. I was close to crying because this was the first time that I've encountered something like that in my life.

"Hey, are you okay?"

Nahinto ako sa paglalakad nang huminto rin si Jin para tignan ako. When I looked at him, I shook my head and started tearing up like a child.

He instantly pulled my arms and hugged me while softyly caressing my back. I heard how he sighed deeply.

"T-thank you." Sabi ko pa habang umiiyak. Nakasubsob lang ang mukha ko sa damit nya dahil baka may makakita sa itsura ko. Ang haggard ko pa naman kapag umiiyak.

"I'm just doing what's right. You don't have to thank me." He said with a soft voice.

Agad akong kumawala sa bisig nya. Napatingin sya saakin at tinaasan ako ng isang kilay. "May problema ba?"

"Paano ako makakabawi sayo?" I asked.

He just laughed at my question and shooked his head. "Wala. Wag mo na isipin yon. Umiwi na lang tayo." Aniya at hinawakan ang kanang kamay ko.

Napatingin ako roon nang ipag-intertwine nya ang kamay naming dalawa.

"Let's go home, Jisoo."

_______________________________________

[A/N]: sorry sa late update (╥﹏╥) mag f-flood updates na lang ako bukas :>

Wrong Goodbyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon