82 ¦ eighty-two

573 30 7
                                    

JISOO'S POV

My body instantly felt weak after the first extreme ride that all 11 of us rode together. Pakiramdam ko tuloy parang masusuka ko na yung bituka ko sa sobrang hilo kanina doon sa rollercoaster. Sila Taehyung, Namjoon, Jungkook, at Lisa lang naman yung mga nag-enjoy sa pesteng ride na yun. Partida, first ride palang namin yun. Jusko talaga...

Tahimik kong minamasahe ang sintido ko ngayon habang naka-upo sa isa sa mga bakanteng bench nitong amusement park dahil sa nangyari.

Nagpa-iwan muna ako at minabuting hindi muna sumama sa mga rides na balak nilang sakyan dahil nahihilo pa talaga ako. Bwisit sila, bakit kasi gusto agad nila ng mga extreme rides? Paano ako mag-eenjoy nito? Tss...

"Water?"

I instantly looked at my left side when I heard my boyfriend's voice.

Wow, shet. Boyfriend... Ang sarap pakinggan.

Agad kong kinuha at ininuman ang bottled water na ino-offer nya. I heard his soft chuckles so I stopped for a while and looked at him.

"Ang saya mo ah?" I said and drunk into the bottle again.

"Ang cute mo kasi."

Because of what he said, agad tuloy akong nabilaukan sa iniinom kong tubig dahilan para mabasa ng kaonti ang suot kong shirt.

"Hey, are you alright?!" Nag-aalala nyang sabi at kita ko kong paano nag-panic ang facial expressions nya nang lumapit pa sya saakin para punasan ng tissue ang braso at hita ko.

Sandali akong natulala dahil sa ginagawa nya. He's so caring talaga. Ang cute nya, gosh!

"I'm fine don't worry." Natatawang sabi ko at kinuha yung tissue na hawak nya at ako na ang nagpunas sa sarili ko.

"Nabilaukan ka pa tuloy. Tss..." I heard him whispered to himself. Oo, ikaw kasi!

Nagulat ako nung bigla nyang kinuha yung bottled water sa kamay ko at ininuman rin iyon ng walang pag-aalinlangan.

D-Did we just... kissed indirectly?

"Bakit ka nandito? Akala ko sumunod ka sa kanila doon sa anchors away?" Tanong ko na lang.

He suddenly stopped drinking and closed the bottle cap as he placed it beside him.

"Ayoko naman iwanang mag-isa yung girlfriend ko dito no." He answered as he crossed his arms above his chest.

Girlfriend... Okay, kinikilig ako ha.

"Sus, kunwari ka pa. Ginagawa mo lang akong rason kasi ayaw mo rin sumakay sa mga ganun diba?" I teased and bumped his shoulder.

Napa-pikit lang sya at bahagyang napa-ngiti. See? I knew him already. Tama ako.

"Pwedeng parehas lang na gusto kitang samahan at ayoko doon kaya nandito ako?" Sabi pa nya saka sya tumingin ulit sa akin.

"Pwede naman." I smiled.

He smiled back and leaned his back at the chair. "Saan mo gustong pumunta?"

"Uh... Can we eat something first?"

"Kakain nanaman? Kakakain lang natin kanina ng lunch diba?" Naguguluhan nyang tanong.

"Edi merienda na lang. Please?" I said in the most cutest tone of my voice.

Kita ko kung paano nya ako inirapan kaya natawa na ako dahil alam ko na ang sasabihin nya.

"Okay, fine. Anong gusto mo?"

"Let's eat ice cream, can we? Yung may cherry!" Excited kong sagot sa kanya.

Wrong Goodbyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon