31 ¦ thirty-one

584 43 19
                                    

JIN'S POV

Today is the second week of our sportsfest at nasa gymnasium kami ngayon para panuorin ang ika-apat na laro ng women's volleyball team ng university namin.

This is a crucial game for the them dahil pag natalo sila sa laro na'to, hindi na sila makakapasok sa finals at automatic nang laglag sila sa ranking ng women's volleyball sa sportsfest this year kaya naman all out support ang lahat ng estudyante ng YGU ngayon sa kanila.

"Ang tagal ng warm-up nila ah." Reklamo ng katabi kong si Namjoon.

"Excited ka?" Pabiro kong tanong.

"Oo. Excited ako para kay Jisoo. Sya lang naman yung pinunta ko dito eh." Aniya sabay sipsip sa hawak nyang inumin. I just shook my head.

Sa kabilang gilid ko naka-upo si Yoongi na katabi si Hoseok habang nasa likod naman sila Taehyung, Jungkook, at Jimin. Sa tabi ni Hoseok naka-upo ang pinsan nyang si Lisa pati na rin sila Jennie at Rosé na bestfriends ni Jisoo.

First time namin silang nakasama ng ganito ka lapit dahil kanila Hoseok at Lisa pero parang ilang taon na kaming magkakaibigan dahil maingay at friendly naman agad kaming lahat sa isa't-isa.

Nang mapuno ang gymnasium, pumunta na ang mga players sa gilid. Unang tinawag ang kalaban kaya medyo mahina ang mga cheer pero pagdating sa players ng YGU, tila kami nasa concert sa sobrang dami at lakas ng cheers para sa university namin.

Si Jisoo ang unang magse-serve ng bola sa court ng kalaban kaya nag-ingay ang lahat including me, of course.

"GO JISOO KIM!" Sigaw ko.

"Ay, grabe... Sana all supportive." Tumatawang sabi ni Jungkook sa likuran ko.

Mabilis lang ang mga pangyayari at napanalo ng university namin ang first set kaya nag-change court na sila at ngayon, nasa harapan na namin sila.

Time-out ang ganap ngayon kaya nasa kanya-kanya silang bench na nakikinig sa sinabi ng coaches nila.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi titigan si Jisoo na ilang metro lang ang layo saakin. Busy sya sa pagtatali ng buhok nya habang naka-focus sa sinabi ng coach nila. Tumabi sa kanya ang isa nyang teammate saka inabutan ito ng maliit na twalya.

Napalunok ako sa nakikita ko. She's wiping her sweat like she's filming a commercial film. Ang ganda at ang hot ng dating saakin ng ginagawa nya na agad napansin ng mga katabi ko.

"Laway mo pre." Pabirong sabi ni Yoongi kaya napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pag-awang ng bibig ko.

Tumunog ang buzzer hudyat na simula na para sa second set ng laro nila. Nagsagawa ng team cheering ang bawat panig kaya nagpalakpakan na kami.

I was clapping my hands when I saw Jisoo glanced at me. Hindi ko napigilang ngumiti nang magtama ang tingin naming dalawa. Nagulat pa ako ng konti nung nginitian nya ako pabalik bago kawayaan ang mga bestfriend nya sa gilid.

She smiled at me. Tama ba yung nakita ko?

Sa pagkaka-alam ko kasi, naiinis parin sya saakin. Palagi kong bini-bring-up ang pangalan ko tuwing magkatext kami at lagi nya sinasabing naiirita daw sya kaya ko alam.

"Ay wow, tulala!" Tila natauhan ako sa sinabi ni Hoseok habang tumatawa ito ng malakas.

Inasar nanaman ako ng mga kasama ko pero hindi ko na lang sila pinansin at tinuon na lang sa laro ang atensyon ko.

Naging dikit ang scores nila kanina pero ngayon lamang na ang kalaban na may 5 points advantage. Limang points na lang at makukuha na ng kabilang panig yung second set kaya lumakas ang mga cheer para sa team ng YGU.

Na-recieve ni Jisoo yung bola na sinerve ng kalaban kaya umatras sya. Nang makabalik ang bola sa court nila, nag-set ang katabi ni Jisoo para ma-spike nya kaya bumwelo ito at tumalon para mahampas ang bola sa ere. Nagsigawan kaming lahat nung hindi iyon nasalo nung dalawang players sa likuran pero natahimik kami nung sinabi ng referees na outside daw yung tira nya.

"Hindi naman outside yun eh!" Reklamo ko. Tinapik nila Taehyung yung braso ko para pakalmahin ako. Napatingin ba naman halos lahat saakin kanina.

"Chill ka lang pre." Sabi pa ni Jimin.

Pansin kong parang naa-out of balance si Jisoo sa kinatatayuan nya kaya sa kanya lang namalagi ang tingin ko.

She was asking for a time-out pero sabi ng coach nila hindi na daw pwede. Kita kong may parang iniinda syang sakit sa ulo dahilan para hindi sya makapag-focus ng maayos hanggang sa dalawang puntos na lang at mananalo na ang kalaban.

Nagpatuloy parin ang laro nila pero nagulat kaming lahat nung biglang hinimatay si Jisoo sa kalagitnaan ng intense na laro ng magkabilang panig.

Nagtayuan kami at halos napasigaw ang lahat sa gulat sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit pero kaagad akong tumakbo at pumunta sa court para puntahan sya. Nag-giveway saakin yung mga teammates nya.

Oo, hindi nga kami close pero hindi naman nila maalis saakin na mag-alala lalo pa't may gusto ako sa kanya. Ayokong nasasaktan ang babaeng gusto ko.

"Hey Jisoo, wake up!" Niyugyog ko ang katawan nya pero unconscious na ito.

Binuhat ko na lang sya ng bridal style pagkakita sa papalapit na stretcher saamin. May mga medic na tumulong sa kanya kaya pina-ubaya ko na sa kanila ang sitwasyon at tumayo sa gilid ng court.

Napatingin ako sa mga gulat na reaksyon ng mga tao sa paligid ko. Tulala sila at hindi makapaniwala sa ginawa ko. May iba sa kanila na mukhang kinikilig pa sa nangyari.

Napatingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko nang marinig ko ang pagtawag nila saakin.

Saka ko lang na-realized kung anong gulo nanaman pala ang napasok ko.

Good job, Seokjin. May bago ka nanamang issue sa eskwelahan na'to. I mentally scolded myself. Shit lang.

Wrong Goodbyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon