FOURTY

6.4K 131 1
                                    

Violet's POV...





"Kiara........"





"Ano? Anong sabi mo?" tanong ni Fire sakin.





Tinignan ko talaga ng maigi ang babae at hindi talaga ako nagkakamali dahil si Kiara talaga ang babae. "Si Kiara, nakita ko. Pinagmamasdan niya tayo kanina pa," sagot ko habang nakatitig parin kay Kiara.




"Sure ka?" tanong niya at tinignan din ang tinitignan ko. "Sino ba siya?"






"Siya ang obsessed sa asawa ko."






"Oh my! Bakit siya nakatingin satin?"



Nagkabit-balikat ako. "Hindi ko alam."



"Suss stress lang siya sayo kaya huwag mo na siyang pansinin," saad ni Fire at bumalik sa pamimili ng mga damit.





Hindi ko parin inaalis ang tingin ko kay Kiara kasi may nararamdaman akong mali. Sa tingin ko, may rason kung bakit niya kami tinititigan at gusto kong malaman kong ano yun. Nagkatitignan lang kami ng ilang minuto hanggang sa bigla siyang umalis. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Fire.




"Saan ka pupunta?" tanong niya.




"May gagawin lang ako," nakangiti kong sagot.





Hinayaan akong umalis ni Fire kaya sinundan ko si Kiara pero hindi ko namalayan, nakasunod pala si Christian sakin kaya hinarap ko siya. "Hindi mo na kailangang sundan ako."




"Pero ma'am ang bilin sakin ni boss ay sundan kayo kahit saan."





Bumuntong-hininga ako. "OK pero this time, huwag mo akong sundan kasi may kakausapin akong importante."





"Pero ma'am."




"Sigi na payagan muna ako." Makulit ako kaya wala siyang nagawa kundi payagan ako.




Nagpasalamat ako sa kanya at dali-daling sinundan si Kiara. Alam kong may rason kung bakit niya kami tinitigan at gusto kong malaman kong ano yun kaya susundan ko siya. Gusto ko ring tanungin siya about sa nararamdaman niya towards sa asawa ko. Gusto kong linawin lahat at gusto ko ring makipag-ayos sa kanya. Gusto ko siyang maging kaibigan. Ayoko ko ng away kaya kakaibiganin ko siya at sana pumayag siya na maging kaibigan ko.




Patuloy ko siyang sinusundan at mukhang aware siya na sinusundan ko siya hanggang sa huminto siya sa parking lot na walang katao-tao. Huminto rin ako at hinarap niya ako.


"Talagang sinundan mo ako papuntang imperno," aniya sabay labas ng baril at tinutok sakin.





THIRD PERSON'S POV.....





Paikot-ikot ng lakad si Indigo sa loob ng opisina niya kasi kinabahan siya sa kalagayan ni Violet. Sana hindi niya nalang pinaalis si Violet. Sana sinamahan niya ito. Alam niyang pwedeng mapahamak ito kasi malapit lang sa kanila ang nagbibigay ng death threat sa kanila at yun ay si Kiara. He knows who is Kiara and all he can say is, Kiara is desperate. Lahat gagawin nito para lang makuha ang gusto and alam niyang gusto siya nito kaya natatakot siya sa seguridad ng mag-ina niya.




Dahil sa pag-alala, tinawagan niya si Christian. "Hello boss," saad ng kabilang linya.



"Asan ang asawa ko? Safe ba siya?" tanong niya.




"Ahmm boss. Si ma'am kasi..."





"Bakit? Anong nangyari sa kanya? Fuck! Answer me Christian!"




"May sinundan siyang babae kanina at hindi siya pumayag na sundan ko siya kasi kakausapin niya daw ito."




Kinabahan kaagad siya dahil sa sinabi nito. Nagtagis-bagang siya kasi baka si Kiara ang sinundan ng asawa niya. "Sino ang babaeng sinundan niya?"



"Sa pagkakaalam ko po, Kiara ang pangalan."



Nang marinig niya ang sagot nito, para siyang tinakasan ng lakas dahil nasa panganib ang asawa niya. "Sundan mo ang asawa ko!" sigaw niya at binaba ang tawag.



Natataranta na siya at hindi niya alam ang sunod na gagawin. Humugot siya ng malalim na hinanga at kumilos. Tinawagan niya si Atty. Khyan at pinagfile niya ito ng kaso laban kay Kiara at tumawag siya ng pulis. Sinabi niya rito ang location ng asawa niya at dali-dali niyang pinuntahan ito dahil for sure, nasa kamay ni Kiara ang mag-ina niya.






"Hindi ako mamamatay tao pero pagsinaktan mo ang mag-ina ko Kiara, ako mismo ang papatay sayo," bulong niya sa sarili niya.




Violet's POV...






"Ibaba mo yan," nanginginig na utos ko sa kanya.




"Ayoko nga!" sigaw niya. "Sino ka para utusan ako?"




"Please, ibaba mo yang baril."

Pinaikot niya ang mata niya. "Ginusto mo to diba kasi sinundan mo ko kaya bakit ko to ibababa?"




"Oo sinundan kita," sabi ko. "Sinundan kita dahil gusto kong makipag-usap sayo."




"At ano naman ang pag-uusapan natin?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.




"Tungkol sa feelings mo sa asawa ko," sagot ko. "Pwede bang tigilan mo na kami?"




"Tigilan? Nahihibang kana ba?" tanong niya. "Alam mo, dapat ako ang magsabi niyan," aniya sabay baba ng baril kaya nakahinga ako ng maluwag. "Ikaw ang tumigil! Tigilan mo na kami ni Indigo! Ako ang nauna putangina ka! Ako ang unang minahal niya at umepal ka lang! At talagang nagpabuntis kapa!"





"Mahal niya ko."


"Mahal ka niya? Pwes hanapin mo. Hanapin mo ang paki ko?" sigaw niya. "Wala akong pakialam kung mahal ka niya kasi alam kong minahal ka niya dahil sa batang nasa sinapupunan mo!"




"Hindi yan totoo," naluluha kong giit sa kanya.




Mahal ako ni Indigo at yun ang totoo. Minahal niya ako hindi dahil sa anak namin. Naniniwala ako dun at naniniwala ako sa asawa ko.




"Totoo lahat ng sinabi ko kaya dapat ng mawala ang batang yan para hindi kana mahalin ni Indigo!" sigaw niya sabay tutok na naman ng baril sakin.




"Please huwag! Maawa ka sakin."




"Maawa? Nagpapatawa ka ba?" tanong niya. "Bakit naawa ka ba sakin noong sinuntok mo ako at pinahiya sa maraming tao? Hindi diba? Kaya bakit ako maaawa sayo ngayon?"




"Itigil mo na yan."





"Ayoko dahil noon pa kita gustong patayin and you know what? yang anak mo talaga ang number one kong gustong patayin," aniya. "By the way, did you receive my precious gifts?"




Nagulat ako sa tanong niya. Wait, siya ang nagpapadala ng mga death threats samin? Siya ba may balak na masama samin? Si Kiara ang sender ng mga gifts?





"Ikaw?" tanong ko.



"Oo. Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi kaba makapaniwala na ako ng nagbibigay ng ganon sa inyo?" tanong niya. "Alam mo, hindi naman ako puro pa send lang ng gifts at puro pananakot lang kasi kaya ko yung gawin. Kaya kong patayin ang anak mo at dahil nasa sinapupunan mo siya, madadamay ka."




Nanginginig na ako at pinapawisan ng malamig dahil sa kaba at takot. Prinotektahan ko ang anak ko sa pamamagitan ng payakap sa tiyan ko. "Please huwag mong gawin niyan," naiiyak kong pagsusumamo sa kanya pero para siyang bingi dahil hindi niya naririnig ang mga pagsusumamo at pagmamakaawa ko sa kanya.





Kinasa niya ang baril at tinutok sa tiyan ko. "Say babye to your baby, Violet and say babye to the world too," aniya at pinutok ang baril.

Arranged Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon