THIRTY-THREE

7.6K 149 9
                                    

Violet's POV....



Mahirap magbuntis. Nagcracrave ako ng pagkain pero pagnasa harapan ko na, hindi ko kinakain. Tuwing umaga, nasusuka ako. Minsan naman nahihilo at palagi akong natutulog. Subrang hirap pala talaga magbuntis no? Pero buti nalang nandito si Indigo. Ang swerte ko talaga sa asawa ko.



"Wife, does your mom knows about your pregnancy?" tanong ni Indigo habang naghihiwa ng apple para ipakain sa maganda niyang asawa and that's me. Oh yeah!





Nagkabit-balikat ako. "Ewan ko but I'm sure malalaman niya ang pagbubuntis ko kasi sa pagkakalam ko, chismosa si Dr. Faye."



He chuckled. Inabot niya ang sakin ang bowl ng chopped apples at tumabi sakin. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang nanonood ng cartoons. Ang ganda at ang saya ng buhay ko ngayon. May magiging anak na ako at may gwapo pa akong asawa. I'm very blessed talaga sa mga natatanggap kung blessings ngayon and I can say that there's always a rainbow after the rain. Akalain mo, sa mga pag-iyak ko pala noon, tatawa at ngingiti ako ngayon. Masasaktan ka muna talaga bago magiging masaya.




Nanonood lang kami ni Indigo ng cartoons buong maghapon kasi hindi siya pumasok hanggang sa biglang magring ang phone niya. Kinuha niya ito mula sa coffee table at sinagot.




"Hello, tita," bati niya sa kabilang linya.



Feeling ko si mama ang tumatawag sa kanya kasi tinitignan niya ako habang sumasagot sa telepono. Lumipas ang isang minuto, binaba niya na ang tawag.




"Sino yun?" tanong ko. Naniniguro lang!



"Ang mama mo tumawag," sagot niya.




"Oh tapos? Anong sinabi?"



"Bibisita daw siya rito bukas ng umaga."



"Sos makikichismis lang yun," giit ko.



Totoo naman na makikichismis lang yun. Alam niyo naman ang mama ko, may pagkasira. Pupunta yun dito sa bahay para kumaha ng impormasyon para ipagmalaki niya sa mga amega niya. Gusto niya kasi kinaiinggitan siya ng lahat and I'm sure na ikakalat niya sa lahat na buntis ako at ang dinadala ko ay ang tagapagmana ng De Luna at Delgaldo. Syempre ang mga luka-luka niyang kaibigan, maiinggit naman at magiging masaya si mama dahil dun. Sos mga mayaman talaga, puro nalang palamangan. Buti nalang hindi ako nagmana kay mama.

___________

Gumising ako ng maaga dahil ngayon daw dadating si mama. Syempre naligo ako kahit hindi ko feel maligo. Habang nasa tapat ako ng salamin, napansin kung medyo umitim ang kili-kili ko pero wala akong paki. Kung totoong mahal ako ni Indigo, hindi magbabago ang pagtingin niya sakin kahit maitim ang kili-kili ko. Ganon kasi yun! Hindi sa hitsura ang basehan kaya sa mga pangit out there! Don't worry kay may taong nakalaan para sayo na sisikmurain ang hitsura mo.



Bumaba ako sa salas at nakita ko si mama na nagkakape kasama si Indigo. Napakaseryoso ng pag-uusap nila at in fairness, early bird si mama. Minsan kasi late siya dumadating kasi gusto ng grand entrance.


"Hi ma," bati ko sa kanya ng makababa ako. Nakipagbeso rin ako sa kanya. "Ang aga mo ata."




"Yes of course. I'm so excited kasi gusto kung malaman if totoo ba ang chismis ni Dr. Faye sakin. Grabe talaga kayo! Mas una pang nalaman ni Dr. Faye kaysa sakin na ako ang lola, ang pagbubuntis mo."




"Sorry po kung hindi namin nasabi sayo kaagad. Baka kasi magiging number one topic kami sa mga chismisan at sa media," sagot ko at umupo sa tabi ni Indigo.



Arranged Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon