"Two Wives"

495 13 0
                                    

"Two Wives"

"Sabi na sayo eh! Pipirma na si Yvonne ng Annulment paper!"

Huhuhu sabi na eh!

"Chill baby baka atakihin ka sa puso niyan"

Pinatahan naman ako ni Quen mula sa pagiging Incredible Hulk xD

"Eh bakit nga pinirmahan niya!" maktol ko.

Kulit ba? Haha

"Aba at bakit ako ang tinatanong mo? Ako Direktor? Ako?"

Pilosopo ah mabatok nga! Hmp!

"Aray! Baby naman eh..."

"Ayan! Pilosopo mo kasing kausap! Kay manang nalang ako magtatanong kung bakit pinirma ni Yvonne yung Annulment papers! Tse!"

Big deal ba? Oo naman no! Nanonood kasi kami ngayon sa bahay namin ng Two Wives. Tinututukan kasi namin yung part na pipirma ba si Yvonne o hindi sa Annulment papers. Tsaka ang saya pa! May deal kami! Pag ako nanalo ililibre niya ako the whole week tapos pag siya naman nanalo whole week merong kiss!

And guess what? Isa akong malaking TALUNAN!

Sayang saya naman yung Enrique dun sa sala! Matanong nga si manang baka alam niya haha

"Manang?"

"Oh iha? May kailangan ka? Tubig? Gatas? Or?"

Haha pabagets rin itong si manang ah :D Meron pang nalalaman na OR?

"None of the above po manang. Gusto ko lang itanong kung bakit pinirmahan ni Yvonne ang annulment papers eh diba mahal niya si Victor?"

Napaisip rin si Manang sandali tsaka tumingin ng diretso sa akin.

"Ahmn... Di ko alam iha eh. Itanong mo kaya kay Direk o di kaya i search mo sa google? Andun lang sa dalawa ang sagot. Sige iha may tatapusin pa akong trabaho"

At umalis na si manang. Badtrip naman yun! Pareha lang sila ng sagot ni Quen! Kung hindi lang yun matanda kanina ko pa yun binatukan peru joke lang yun! Haha syempre lablab ko si manang dahil siya nag alaga sa akin nung bata pa ako :D

"Walang sagot na nakuha?"

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Quen na sumandal sa pinto ng Kitchen at nakangisi.

"Wala kang pakialam! Tabi nga! Dadaan ang maganda!"

Tumabi naman siya at ako dire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa terrace ng bahay.

Ang lamig ng simoy ng hangin. Parang nagsisi tuloy ako kung bakit dito ako pumunta.

Naramdaman ko nalang na may braso na umaakap sa akin galing likuran.

"Inis? Galit? Or?"

Mahina naman akong tumawa sa sinabi niya. Really? Bat ata parang "LIKE ENRIQUE. LIKE MANANG" Napaghahalataan ah hahaha matripan nga.

"May affair ba kayo ni Manang?"

Nagpipigil ako sa tawa :D

"And what if I say YES?"

Nawala bigla yung ngiti ko sa labi. Paano? Eh mas joker pa tong katabi ko eh. Na OP naman yung Joke ko!

"Okay, two wives pala buhay mo. Pipirma na ba ako sa Annulment papers?"

"Manang! Pakikuha nga ng Annulm-"

"Hey!"

Hinampas ko nga sa braso! Loko to ah! Totohanin ba daw? Kainis!

Bigla namang dumating si manang na halatang galing sa pagtakbo.

"Sir ano po y-"

"Ah... haha wala po manang! Sige po balik nalang po kayo sa ginagawa niyo"

Napakamot lang ng ulo si manang at bumalik sa kusina.

Tinignan ko si Quen na tawang-tawa!

"Subukan mong makipaghiwalay sa akin at makakatikim ka nito!" sabay pakita ko sa kanya ng kamao ko.

"Brutal talaga asawa ko"

At niyakap niya ulit ako.

Yep, were married. Almost 5 years na :)

"Kung may iba ba ako ngayon mamahalin mo parin ako?"

Tumingin naman ako sa kanya.

"Hindi no! Hindi ako kagaya ng iba na nagpapaka martyr sa kanilang mga asawa! Eh bakit ba? Siguro may iba ka no?"

Ngumisi lang siya at niyakap ulit ako.

"Wala akong ibang babae. Ikaw lang baby... ikaw lang"

Ang sweet naman ng asawa ko haha tapos yung kamay niya, saan na naman kaya papunta ang kamay niya?

"Quen!"

Natawa naman siya. Eh kasi!!! Yung kamay niya pumunta bigla sa... sa... ay basta yun na!

"Bakit ba? Were married Liza. Gusto mo pa pakita ko sayo yung Marriage contract natin?"

"Oo na! Tsk! Quen! Isa ka nalang ha!"

Ayaw paawat tong unggoy na nasa harapan ko oh!

"Mommy? Daddy? What are you doing? Gagawa ba kayo ng little sister ko?" nakangiting sabi ng isang anghel.

Napatigil naman si Quen at lumapit sa bata.

"Bat gising ka pa baby Eli?"

Nagkibit-balikat naman si Eli. Haha natatawa talaga ako kasi magkamukhang magkamukha sila. No duda mag-ama nga sila :D

"I ask first daddy so answer first my question"

This time kami ng dalawa ni Quen ang natawa! Hahaha manang mana kay Quen. PILOSOPO!

"Haha hindi, nilalambing ko lang mommy mo baby. So ano? Its time for you to answer my question"

"I can't sleep Daddy. That's why I need a little sister para may katabi ako sa kama"

Lumapit ako sa aking mag-ama.

"Haha ikaw talagang bata ka. Sige na baby Eli matulog ka na. Tatabi kami ng daddy mo sa pagtulog"

"YEY!!!"

Tumakbo na si Eli papuntang room niya at naiwan kami ni Queen sa terrace.

Tinitigan niya ako. Eh? Gwapo talaga ng asawa ko! Hahaha

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong...

"Pili ka lang... whole week kiss? O susundan si baby Eli?"

-End-

Hahaha i feel niyo nalang na matatanda na sila para ayos :) dont forget to vote, like and comment po :)

-DoKoleen143

One Shot Stories (Lizquen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon