"Afraid"

360 16 0
                                    

"Afraid"

Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Peru kahit ganun yung nararamdaman ko sa kanya…

Hindi niya magawang paniwalaan.

Kasi natatakot siya. Natatakot siya sa isang tulad kong PLAYBOY.

"Thinking of her?"

Napalingon ako sa taong naging loveteam ko noon. It's Julia Barretto. We're having our photoshoot para sa SM Accessories.

Napabuntong-hininga nalang ako…

"Ano pa nga ba?" yun lang ang tanging nasagot ko.

Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"Takot pa rin ba siya?"

"Exactly!"

"Mahal mo talaga siya?"

Napatingin ako kay Julia sa sinabi niya.

Tinanong pa ba yun??

"Magiging ganito ba ako pag hindi??"

"Yun naman pala eh! Puntahan mo"

"You know that I can't leave this photoshoot. Importante to sakin"

"Peru mas importante ang mahal mo, Quen. Kung mahal mo ang isang tao, pahalagahan mo. Wag mong hayaang kusa siyang lalayo sayo"

Dun nag sink-in sakin lahat ng mga sinabi ni Julia...

Kung mahal ko si Liza, dapat pahalagahan ko siya.

"Thank you Julia! I owe you a lot!"

Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Marami na akong utang sa babaeng to... But I promise babawi talaga ako.

"Okay lang yun Quen! Sige na alis ka na. Ako na magpapaalam sayo!"

Tumango ako sabay ngiti...

Lalabas na sana ako ng studio nang may pahabol pa siyang sinabi…

"Siguraduhin mong makukuha mo na loob niya Quen. Kundi aagawin kita sa kanya hahaha"

Natawa naman ako.. Baliw talaga tong babaeng to xD

"Baliw! Sige alis na ako…"

Lumabas na ako at dumiretso sa parking lot. Pupuntahan ko siya sa bahay nila.

Gusto ko nang kunin yung loob niya...

Gusto kong patunayan sa kanya na tunay yung pagmamahal ko sa kanya...

Nasa labas na ako ng bahay ng mahal ko... Magdo-doorbell pa sana ako sa gate nila nang bigla itong bumukas.

At bumungad sakin ang rason kung bakit ako nandito...

"Quen…" gulat niyang sabi.

"Hope… sumama ka sakin"

Parang naguguluhan siya sa sinabi ko...

"H-huh? S-saan?"

"Sa lugar kung saan tayo lang ang masaya"

Hinawakan ko yung kamay niya at hinatak siya patungong kotse ko. Gusto ko siyang masolo kahit ngayon lang…

"Quen di pa ako nakapagpaalam kina Daddy" sabi niya nang nakapasok na siya sa kotse.

Ngumiti ako sa kanya sabay sabi…

"They already know"

Napangiti naman siya. Pinaandar ko na yung sasakyan…

"Diba may photoshoot ka ngayon kasama si Julia?" bigla niyang tanong.

One Shot Stories (Lizquen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon