"Fans Day"

289 10 0
                                    

"Fans Day"

"Ma! Gusto ko po talagang pumunta dun! Naaawa po kasi ako kay Quen!"

Inirapan ako ni mama. Naman eh! Kawawa naman si Quen dun siya lang mag-isa. Andito kasi ako sa ospital naka confine. Nagkasakit kasi ako bigla nung last episode ng Forevermore. Alam niyo naman ang nangyari dun sobrang training yung nangyari.

"Ma naman eh!" Maktol ko peru hindi niya ako pinakinggan. Busy lang siya sa pag-aayos ng gamit ko.

Sumimangot ako. Ano kayang mangyayari mamaya eh wala naman ako?

May mangyayari kasing Asap Fans Day mamaya. Eh amin yun ni Quen kaya nasasayangan ako.

Actually, okay naman ako ah! Nakakapaglakad na nga ako na ako lang mag-isa. Si mama lang itong OA.

"Maaa!" Tinawag ko ulit siya, this time nilingon na niya ako. Ngumuso ako.

"I really want to go kahit sa backstage lang ako"

"Ang tigas talaga ng ulo mo Elizabeth!" Tumayo si mama at pumasok ng CR.

I guess di talaga ako makakapunta dun. Galit na si mama sakin.

Peru nagulat ako nang paglabas ni mama ay nakabihis na ito.

"Saan kayo ma?" Pagtataka ko. May date ba sila ni papa?

"Ikaw!" Tinuro niya ako. "Kala ko ba gusto mong pumunta dun? Ba't hindi ka pa nakabihis?"

Dahil sa gulat ay napatalon nalang ako bigla. What? Papupuntahin ako ni mama sa studio?

"YES!"

Dali-dali akong nagbihis at nagpaganda. Kahit may sakit ay dapat maganda pa rin sa harap ni Quen haha..

"Tama na yan. Masyado ka ng nagpapaganda kay Quen. Nagagandahan na yun sayo"

Ngumuso ako kay mama. Mama naman oh! Di ko alam bolera pala ito.

Bago lumabas ng room ay sinout ko muna yung jacket na bigay pa sakin ni Quen nung nasa Baguio pa kami. Mahirap na baka dumugin ako ng mga pasyente ditong kilala ako. Baka madagdagan pa yung sakit nila sa katawan.

Wala pa isang minuto ay nakasakay na ako sa kotse. Excited eh! First time kasi na may Fans Day kami sa Asap. Yun nga lang mukhang di ako kasama.

Maya-maya ay nakarating na kami sa ABS-CBN building. May ilang bumati sakin kung kamusta na ba raw yung pakiramdam ko. Lol, mukha naman akong may cancer sa sobrang concern nila.

Di paman ako nakapasok sa studio ng ASAP ay rinig ko na ang hiyawan ng mga tao. Namiss ko bigla yung mga prod namin ni Quen na kami lang dalawa. Busy kasi kami sa schedule namin kaya minsan lang kami rito sa ASAP.

"Liza!"

Nilingon ko yung tumawag sakin at sa laking tuwa ko ay napayakap ako sa kanya.

"Tito M!" Yes, its Tito M o mas kilala na Sir Manalo. Siya yung director ng ASAP.

"Nabalitaan kong nagkasakit ka daw?"

Kumalas ako sa yakap at ngumiti. Lahat ata ng mga artista rito sa ABS-CBN ay pinangarap na maging ama si Tito M. Kaya nga halos lahat ng artista ay sobrang lapit ng puso sa kanya.

Tumango ako peru may assurance na ok na ako ngayon.

"Bakit ka nandito? Sayang Asap Fans Day ninyo ngayon ni Quen peru wala ka"

Speaking of Asap Fans Day. Niyakap ko ulit si Tito M sabay sabi..

"Tito M! Thank you pala sa Fans Day namin ni Quen! Kahit di ako dadalo ay sobrang thank you talaga!"

Fans Day will not be possible kung hindi sa tulong ni Tito M kaya sobrang salamat ko sa kanya.

"Tama na ang drama, Liza. Malayo pa birthday ko"

Natawa kaming dalawa ni mama sa munting joke niya. Nakalimutan kong nasa tabi ko lang pala si mama haha..

Nagpaalam na si Tito M dahil magsisimula na raw ang ASAP. Syempre kailangan siya dun dahil siya ang director.

Nanuod lang ako sa production number sa gilid ng backstage. Nakasalubong ko pa ang mga ate at kuya sa showbiz.

Naman oh! Gusto kong sumayaw bigla sa stage nung nakita ko si Quen at Janella na sumasayaw. Naiinggit ako, kasi dapat kami yan ni Quen yang sumasayaw ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako at tumalikod. Peru nagulat ako nang may humila sakin palabas ng studio. Tinignan ko siya at nagulat ako!

"Quen!"

Bakit siya andito? Eh diba dapat babalik pa sila sa stage?

"What are you doing here? Diba may sakit ka? Bakit ka andito?" May halong inis sa boses niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bawal ba?" Mas tinaas ko pa yung kilay ko.

Hinawakan niya yung noo ko na parang ini-examine kong may sakit pa ba ako or wala.

"Wala no?" Paninigurado ko.

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at hinalikan iyon. Biglang uminit yung pisngi ko. Quen naman eh!

"You're beautiful" sabi niya nang tinitigan niya ako.

Trivia lang, alam niyo ba na weakness ko ang mga mata ni Quen? Pag nagkakatitigan kami ay ako yung unang bumibitaw.

Tulad ngayon haha..

"Weakness mo talaga siya Liza"

Tumango ako at ngumiti. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Feel ko ay hindi ako galing sa sakit.

"Quen wala ako sa Fans Day natin" nalulungkot kong paalala sa kanya.

Tumango siya.

"Eh paano yan? Sayang yung effort ng pagpunta ng mga fans natin eh ikaw lang isa"

This time, yung magkabilang pisngi ko na ang hinahawakan niya. Uminit na naman yung pisngi ko buti nalang ay di niya nakikita dahil nakatago ito sa mga palad niya.

At buti naman wala pang dumadaan sa hallway nato!

"Hindi masasayang yung effort nila. Gagawin ko ng lahat para mapasaya sila. Pakikiligin ko sila hanggang sa aking makakaya. Wag kang mag-alala, magiging okay ang lahat"

Hinalikan niya ang noo ko. Pag sa noo ka hinalikan ng isang lalaki ay ang ibig sabihin nun sobrang importante mo. Yan yung parating sinasabi ni Quen sakin.

"You are important to me"

"Ikaw din"

Niyakap ko siya. Sobrang higpit. Peru naalala ko bigla na dapat ay babalik pa sila ng stage kaya kumalas ako sa yakap.

"Quen, balik ka muna dun"

Niyakap niya ulit ako sabay sabi..

"Ayoko ng bumalik dun, dito nalang ako"

Natawa naman ako. Ano yun? Haha

"Quen, balik ka na dun. Dito lang ako"

Ngunit ngumuso lang siya. Yung mukha niya parang ayaw talagang bumalik dun kaya nag-isip ako ng paraan.

"Quen, pagbalik mo may kiss ka sakin dito" tinuro ko yung labi kong mapula.

Biglang nagkislapan yung mga mata niya. I knew it! Gusto lang ng ganito!

"Sige ba! Hintayin mo ko dito!" Mabilis pa sa kabayo si Quen nung binuksan niya ang pinto ng studio para pumasok.

Peru bago siya pumasok ay binigyan niya pa ako ng flying kiss. Hinuli ko yun gamit ang palad ko at diretso sa labi.

Nagngitian kaming dalawa sabay bulong ng...

"I love you"

End.

One Shot Stories (Lizquen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon