"Forever"
Bakit maraming nagsasabi na walang forever? Bakit bitter sila?
Simple, kasi sinaktan sila. Pinaasa at pinagmukhang tanga.
Peru para sakin, di naman batayan yun na wala talagang forever.
Actually meron. May kasabihan nga na 'Patience is the virtue' kailangan lang talaga nating maghintay.
Tulad ng sakin. Nung una nasaktan niya ako ng paulit-ulit peru tinanggap ko rin siya ng paulit-ulit. Naghintay kaming dalawa ng perfect timing. At yung perfect timing na iyon ang nagpunta samin sa lugar na nagngangalang FOREVER.
"Mahal kita"
Napatingin ako sa lalaking kasama kong tinahak ang Forever.
"Hindi kita mahal eh. Panu ba yan?"
Nakita ko siyang ngumuso. Ang cute talaga niya! Ang sarap kurutin yun nga lang malayo kami sa isa't-isa.
Nag facetime kami ni Quen. Nandun kasi siya sa kabilang suite ng hotel samantalang ako ay nasa suite ko rin.
"Okay lang basta mahal kita" tapos binigyan pa niya ako ng flying kiss.
Natawa naman ako at pinatulan ang kabaliwan niya. Nagkunwari akong natanggap ko yung halik tapos nilagay iyon sa labi ko. Kinilig naman siya.
"Quen, ang bakla mo!" Biro ko sa kanya peru bigla siyang sumeryoso.
"Kinakabahan ka ba?" Bigla niyang tanong.
Napaisip ako. Dapat ba akong kabahan? Hindi naman diba? Kaya umiling ako.
"Ang tapang naman ng Ms. Layne ko!" Sabi niya sabay salute.
"Baliw! Haha peru seriously bakit naman ako kakabahan?"
Nagkibit-balikat siya.
"Wala lang, natatakot kasi ako baka bigla kang mag walk out sa kaba"
Siya naman itong natawa habang ako ay sumeryoso. Seriously? Naisip niya yun?
"I won't tandaan mo yan, Quen"
Ngumiti siya, ngumiti rin ako. Masaya kami sa isa't-isa. Walang dapat na ipangamba. We are really sure about our feelings.
"I miss you Quen"
Natawa siya.
"Parang di nagkita ng isang taon ah! Miss muna agad ako! Naks! Loves mo talaga ako, Liza"
I rolled my eyes. Kung ganito siya ka palabiro araw-araw ay hinding-hindi talaga ako magsisisi :D
"Naks ka rin! Ang hot mo! Yummy!"
"WAG!" Tinakpan niya ng dalawang kamay ang kanyang dibdib.
Humagalpak ako ng tawa. Wow! Kala mo naman gagahasain?
"Baliw! Peru sige, bukas humanda ka!"
Kumislap ang mga mata niya. Alam na!
"Talaga ha? Naku naman! Di ako makakatulog niyan!"
Tsk. Tsk. Ang halay ng utak nitong baby ko. Kahit ano ang iniisip.
Biglang tumahimik ang magkabilang linya. Nagtitigan lang kami ni Quen. I memorize the features of his face. Sobrang perfect!
"Quen, may tanong ako" basag ko sa katahimikan.
"Ano yun?"
"Do you believe in forever?"
Natahimik siya na parang nag-iisip. Napasimangot ako, iniisip pa ba yun?
"Noon? Hindi" sagot niya.
Kumunot yung noo ko bilang sagot.
"Kasi noon, sobrang playboy ako. Marami akong babae. Iba-iba ang mga naging crush ko. Siguro yun yung naging dahilan kung bakit para sa akin forever doesn't exist"
Napatango naman ako peru I felt relieved nung sinabi niya ang 'Noon' so ngayon ba? Naniniwala pa rin siya?
"Eh ngayon Quen? Naniniwala ka na ba?"
Tumango siya habang nakangiti.
"Yes, I do. You know nung tinambal tayo bilang loveteam. Di ko ma explain yung happiness at excitement na nararamdaman ko that time. Marami na din naman akong naging loveteam noon peru sayo lang ata ako napaamin sa public. Sobrang kaba nga ako dun eh"
Natawa naman ako sa sagot niya. Naalala pa pala niya nung napaamin siya bigla kay Tito Boy na may feelings siya sakin. Sobrang kinilig nga ako dun eh peru di ko pinahalata.
"Those were happy moments. Ang sarap balikan peru hindi na pwede" sabi ko nalang.
"We can't go back but we can make another special chapter of happiness kung gugustuhin man natin"
Napatango ako. Yes, at yung special chapter na iyon ay mararanasan na namin ni Quen simula bukas.
Magbabago ang lahat peru hindi ang pagmamahal namin sa isa't-isa. May madadagdag ngunit walang mawawala. May awayan ngunit dapat walang sukuan. Pinaghirapan natin na mapunta sa puntong ito dapat hindi natin sasayangin.
"My question is, gusto mo bang sumama sakin patungo sa Forever?" Nakangiti niyang sabi.
Tumango ako. Of course, I will.
"Its settle then! Dapat mag beauty rest ka para blooming ka bukas. I can't wait to see you tomorrow, Liza"
"Me too, Quen. I really love you. Sana di ako matapilok sa aisle bukas nang dahil sa kaba" natawa ako.
"No, youre not. And maybe if you fall down there, I'll catch you cause I'm your Superman, Mrs. Gil"
Ang sarap pakinggan na tawagin kang Mrs. Gil. Lalong-lalo na pag sa mahak mo galing.
Bukas ay panibagong kabanata na naman ang tatahakin namin ni Quen.
"And I will love you till forever"
Forever.
End.