"Handkerchief"

527 13 0
                                    

"Handkerchief"

"Punasan mo"

Huh? Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko na nag abot sakin ng panyo.

"Hey Quen, kanina ka pa dito?"

Tumango siya.

"Pinapahanap ka kasi ni Direk sakin. Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala malapit sa Fountain"

Medyo kinilig naman ako dun sa sinabi niya awee may problema pala ako :(

"Di mo ba kukunin panyo ko? Sige ka kakalat yang make up mo. Magmumukha kang manananggal"

Nag pout lang ako. Grabe naman yang manananggal.

"Humarap ka nga"

Hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan yung luha ko.

Di ako makapaniwala. Ginawa niya talaga yun sakin? OMG!

"Ayan! That's better. Mas gaganda ka ng todo pag naka smile ka. Smile ka na oh"

Napangiti naman ako dun. Bat parang sobrang sweet niya? May gusto ba to sakin? Ay feeler ko talaga xD

"Before tayo aalis dito, mind if i share mo sakin problema mo? Ba't ka umiiyak?"

And then bigla nalang nag sink in sa aking utak na may problema pala ako. Namomroblema na naman ako.

"Family? Friends? Education or Lovelife?"

Nge? Wala naman akong problema sa lovelife ko xD Andito nga siya oh katabi ko.

"Education. Okay lang ba talaga sayo na mag share ako?"

Naiilang kasi ako eh. Kakilala lang namin sa isa't isa tapos mag si share agad ako? Ako na feeling close.

"Go on. I'm interested to hear. Baka may matulong ako"

"Okay. Sabi kasi ni mommy sakin, mag ho-home schooling nalang daw ako next year. Naiintindihan ko naman kasi diba? Nagsisimula na ako. Peru kasi paano ko sasabihin sa mga friends ko sa school? Di ko na sila makikita. Mami miss ko sila. Paano na Quen?"

Umiyak na naman ako huhu.

"Hey don't cry. Siguro naman maiintindihan nila yung sitwasyon mo. They love you, di nila kayang magtampo sa iyo. Remember? Wag mo lang silang kalimutan"

Kinuha ko yung panyo sa kamay niya at pinunas sa mga luha ko. Mahirap na baka siya na naman magpunas. Haler! Masyado na akong madamot xD

"Thank you. Haha nakita mo pa ako umiyak nakakahiya"

Ngumiti siya sakin.

"Haha ano ka ba! Okay lang yun. By the way may nabanggit si Direk Cathy kanina. Crush mo daw ako"

Nagulat ako. Hala! Sinabi ni Direk?!

Tumayo na siya at tumayo na rin ako.

"Hala wag kang maniwala dun! Di yun totoo hahaha"

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Don't worry Liza, crush din kita"

-End-

One Shot Stories (Lizquen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon