"Sibuyas"
"Nak? Okay ka lang?"
"Ma! Di niyo ata hinugasan ang sibuyas! Naluluha ako eh!"
Natatawa ko pang sabi sabay pahid sa mga luha ko. Tulo pa kasi ng tulo haha tears go away...
"Nahugasan ko na yan nak"
Napatigil naman ako sa paghiwa ng sibuyas at umupo sa tabing upuan.
"Mama naman eh..."
And then I burst into tears. REAL TEARS.
"May problema ba anak? Tell me..."
Tumabi na rin ng upo sa akin si mama habang hinahaplos niya ang likod ko.
I don't know kung paano ko sasabihin sa kanya. Kasi alam ko yung tanging sasabihin niya sakin ay "CHILDISH MO ANAK"
"Mama... *sob* nakita ko siyang may kasamang *sob* babae *sob* kahapon sa mall"
Niyakap na ako ni mama. Ako naman? Hagulhol parin sa pag iyak.
"Kinausap mo na ba siya?"
Napatigil ako at umiling. Bakit ko pa siya kakausapin kung kita ko sa dalawang mata ko na sweet sila kahapon?
Napahagulhol ulit ako ng maalala ko naman yun. Yung pasimpleng akbay ni Quen tapos tatawa lang yung girl. Ang kapal pa ng mukha nila at sa mall pa sila naghaharutan na maraming nakakakita!
"CHILDISH MO ANAK"
Napakalas ako sa yakap at tinignan ng masama si Mama. Bakit parang mas kampi pa si mama sa kalandian ni Quen?
"Mama! Sino ba anak niyo saming dalawa? Ako o siya?"
Tama bang mas kampi siya kay Quen kaysa sa akin?
"Magiging anak ko na rin si Quen SOON" nakangiting sabi ni mama.
"Too late ma, may iba na siya"
Tumulo na naman ang mga traydor kong luha! Bwesit!
"Alam na ba niya na alam mo?"
Tumango lang ako kasi hirap na din akong huminga. That's why I hate crying. Magkaka running nose ako nito.
"Anong sabi niya?"
"Natural ma nag deny na hindi daw niya girl yun!"
"Hinayaan mo siyang mag explain?"
"Kahit di na ma kasi kitang kita ko na sa dalawang mata ko"
Nagpunas nalang ako ng luha. Ayoko ng umiyak baka ito pa dahilan ng pagkamatay ko.
Baka may lumabas bigla sa dyaryo na may nakalagay na...
Rising star LIZA SOBERANO found dead in her own room! Reason of death: HEARTBREAK!
Aba't gusto ko lang mamatay dahil sa katandaan ko no!
"Let him explain anak... baka pagsisihan mo yang maling akala mo. O sya! Ako nalang tatapos sa paghiwa nito baka umiyak ka na naman. Pumasok ka muna sa room mo at tatawagin nalang kita kung kakain na"
Tumango nalang ako at pumasok sa room ko.
Pag upo ko sa dulo ng kama napaisip ako sa sinabi kanina ni mama.
'Let him explain anak... baka pagsisihin mo yang maling akala mo'
Pagsisisihan ko kaya?
Nagising ako sa haplos ng kamay na nasa mukha ko.
Mabuti nalang at di ko pa naibuka ang mata ko kaya mukhang natutulog pa rin ako.
"Baby... don't you trust me?"