Kabanata 5

7 0 0
                                    

Habang nasa biyahe kami ay napapansin ko na parang may gustong sabihin si Mang Rob kaya inunahan ko na siya

"Mang Rob can I ask for a favor po?" sabi ko

"Oo naman po ma'am" sagot ni Mang Rob hay nako ma'am nanaman

"Pwede po ba na 'wag niyo nalang sabihin kay mama at papa kung bakit ako ginabi, sabihin niyo nalang po na may tinapos lang na project sa isang coffee shop at lalong 'wag niyo po sasabihin na ang kasama ko ay lalaki" sabi ko at napatingin sakin si Mang Rob na parang nag-aalangan kung gagawin niya ba

"Ok po ma'am pero sana po magpapaalam na kayo sakin sa susunod para di na po ako mag-alala" sagot ni Mang Rob

"Yeyyy! Thank you Mang Rob" sabi ko sabay hug sa kanya nahirapan tuloy siya mag drive hihihi

Tinuturing ko ng isang pamilya si Mang Rob dahil simula nong bata pa ako hanggang ngayon ay anjan parin siya para sakin wala kasing pamilya si Mang Rob sabi lang ni papa ay nakita niya lang ito sa labas ng bahay namin na nakatingin sa kanya habang naglilinis siya ng kotse at simula noon tinuruan na siya ni papa na mag drive at gawing personal driver ng family namin mabait si Mang Rob kaya hindi nakapagtataka na kahit sino ay makakasundo niya agad.

"Welcome ma'am bilisan na po natin at baka lalo tayong pagalitan ng papa mo" sagot ni Mang Rob na pangisingisi pa eh alam niya ng papagalitan kami pareho na guilty nanaman tuloy ako

Pagdating palang namin sa gate ng bahay ay natatanaw ko na ang aking real angels na panigurado ay kanina pa yan jan nag-aalala laya hinintay na ako sa labas ngayon lang kasi nangyari ito na gabihin ako umuwi

Pagbaba ko sa kotse ay nakangisi ako na para bang walang ginawa nagpapacute kung baga para hindi masyadong pagalitan hihihi

"ay jusko kang bata ka bakit ang tagal mo umuwi? nag-aalala na kami sayo akala namin may nangyari sayo" sabi agad ni mama sakin at chineck pa talaga kung ok ba talaga ako parang security guard sa mall nang kakapkap

"Princess naman 'wag mo na uulitin yon" sabi ni papa sabay hug sakin syempre hinug ko rin siya pabalik at nakisali narin si mama oh di ba sweet ng family namin

"Rob bakit kayo ginabi?" tanong ni papa kay Mang Rob hala lagot sana naalala ni Mang Rob yung sinabi ko tiningnan ko si Mang Rob at tumingin din siya sakin bago nagsalita

"Ah sir may ginawa pa pong project si ma'am Maxine kaya hinintay ko nalang po siya sa labas mg coffee shop" sagot ni Mang Rob buti nalang kakampi ko siya hahahaha

Nginitian ko si Mang Rob sabay palihim na ng approve sign sa kanya nakita niya iyon kaya napakamot siya sa ulo hahaha sorry mang rob nagsinungaling ka tuloy dahil sakin

"Ah ganun ba oh sige ipark mo na yang sasakyan at pumasok na tayo para kumain sumunod ka na Rob" sabi ni papa

"Sige po" sagot ni Mang Rob

Oo kasabay namin lagi kumain si Mang Rob sabi ko naman kanina di ba family na namin siya kaya ayan sabay siya samin kumain

Pumasok na kami sa bahay at nagbihis lang ako then bumaba na rin para kumain ng hapunan gutom na kasi ako sayang kasi yung sandwich ko eh pero ok lang kasama ko naman si Max napangisi nalang ako sa iniisip ko hahahaha

Treasured MomentsWhere stories live. Discover now